Chapter 19

116 2 0
                                    

(Kira's POV)

Medyo tumahimik at biglang wala nang nagsasalita sa group call namin.

Nagalit kaya si Toll sa akin dahil pinaglihiman namin sya? O, likas ba syang concern at caring talaga.Eh basta, Ito na nga ang sinasabi ko, magagalit nga sya.

''Kira, bakit hindi mo sakin sinabi na may nam-bubully sayo sa school?" Sabi ni Toll.

"Ayos lang naman talaga eh. Hindi naman big deal sakin yun. Tsaka na pull-off na rin naman bago pa kumalat yung post." Sabi ko kay Toll.

Napabuntong-hininga siya at halata mo sa expression ang pagka-disappointed.

What have I done.

"Kahit na. You must tell us. ALL your friends. Hindi naman pwedeng harapin yan mag-isa." Sabi naman ni Toll.

Grabe naiiyak na ako. Hindi ko alam kung natouch ako sa sinabi ni Toll o naiyak ako dahil pinapagalitan niya ako.

"Hey. Don't cry." Sabi nila Toll sakin.

"Humanda sakin yung mga yun sa lunes.. papatayin ko sila sa kahihiyan.'' Sabi naman ni Ia

Hay, ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Hindi niyo naman kailangan'g gawin yan eh. Kaya ko naman ang sarili ko" sabi ko sa kanila, ''Plus, excuse me po, POPUgroup po sila.'' Sabi ko kala Ia.

Nakita ko na parang napa-irap siya sa sinabi ko.

"Do you think? Masisindak ako dahil POPUgroup sila? No way!" Pagtataray ni Ia.

"Sila Louise ba ang may gawa nito? Ha Kira?" Tanong ni Toll sakin.

Tumango naman ako sa sinabi niya at narinig ko naman si Mirei na parang nag-snort.

"Sino pa ba? Eh siya lang naman yung insecure sa grupo natin eh. Wala nang iba." Sabi niya sa'min.

''Sumobra na sila nung nagkaharap kami sa may pinto ah? Bakit hindi pa sila tumitigil?'' Sabi no Toll samin.

Ang daming tanong ni Toll, nakakalito.

"At isa pa, hindi na malaking deal kung POPUgroup sila." Sabi niya.

Hinintay nila ang sasabihin ni Toll maski ako, hinihintay ko rin.

"Kasi nakipag-usap ako kay Sir John kanina at nakipag-usap ako about sa audition sa POPUsolo." Sabi ni Toll.

Halatang nalaglag ang panga nilang lahat sa narinig maski ako.

"Masali ka'ng POPUsolo." Pasigaw na sabi ni Armiece.

Nakita namin na tumango-tango siya.

"Hindi nga? After all this time, sasali ka rin pala'ng POPUsolo." Sabi naman sa kanya ni Ia.

"Naisip ko rin kasi na sayang naman kapag hindi ako sumali. Curriculars din yun diba? At isa pa, para matigil na rin ang panggugulo sa atin ng Trouble Trio." Sabi ni Toll na meron'g 'as-a-matter-of-fact' tone.

Narinig ko na nagpalakpakan silang lahat pero hindi ko yun ginawa. Nanatili ako'ng tahimik at hindi rin nagsasalita.

Hindi naman sa hindi ako masaya, pero ayaw ko naman'g madamay si Toll sa bangayan namin ni Louise at ng mga alipores niya. In fact ayoko madamay sila'ng lahat sa bangayan namin'g dalawa. Baka makipaglaro ng dirty sa'min si Louise, masaktan pa sila.

''Toll, hayaan mo na yun. Tapos na yun. Kung malaban tayo nang malaban, baka tayo...''

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kaagad din niya ako'ng pinutol.

''Mapahamak? Kira naman. Mag-papaapi ka na lang ba dun sa mga yun." Singit ni Toll.

"Tama si Toll. Aatras na lang ba tayo?" Saad naman ni Mirei.

"Hindi, kung ako ang tatanungin, Malaban ako.'' Sabi naman ni Ia.

Grabe ang tatapang nila. Pero away namin to eh, labas na sila dun.

"Kaibigan mo kami Kira. Kaya huwag mo naman kami'ng pigilan tulungan ka." Sabi naman ni Eya.

"Tama si Eya, Kira. Hindi ka namin pababayaan. Kung ayaw mo kami'ng sumali dahil baka madamay kami, edi sasamahan ka na lang namin." Sabi naman ni Kirei.

Napayuko naman ako sa mga sinabi nila. They truly are my best friends.

"Thank you guys!" Sabi ko sa kanila.

Napansin ko na lahat sila ay napangiti na.

"You're welcome!" Sabi nilang lahat.

(Toll's POV)

Biglang nanahimik sa buong oovoo kasi wala nang maisip na topic pagkatapos ng pag-uusap namin about dun sa pambu-bully kay Kira.

''Ah, Toll? Paano bukas? Anong dadalhin namin?'' Sabi ni Armiece.

Oo nga ano? Bakit biglang lumayo.

''Ah okay. Ako na lang ang mag-dadala ka nang kanin. Ikaw naman Mirei at Kirei, barbeque at mga materials para sa barbeque. Eya at Ia, dala kayo nang disposables tulad nang kutsara, tinidor, baso at mga paper plates. Armiece dala ka nang ice cream at picnik blanket." Sabi ko sa kanila habang nililista ko rin sa papel para in case na magtanong sila ay may kopya ako.

"Basta 7am, hintayan sa Sm Hypermarket okay.'' Pahabol ko pa sa kanila.

Hmmmp tama ba ang hatian? Parang may nalimutan ako.

''Wait. Toll? Ano to? Bakit wala akong dadalhin?'' Buwelta naman ni Kira.

Oh? Nagtaka pa? Eh sya nga ang nagsabi na ayaw nya eh. Sabi ko na nga ba hindi niyan kami matitiis eh.

''Oh sige, beverages sayo ha. Pero make sure makaka-dala ka ng tubig ha.'' Sabi ko kay Kira.

Buti naalala ko, wala pa pala kaming inumin kaya si Kira na lang pinagdala ko. Pero syempre, nakalaan naman na yun para sa kanya.

''Ah okay, thanks.'' Sabi naman ni Kira.

Pasalamat ka at mabait ako.

''Wala yun. O sige, tulog na tayo para maagap pa tayo magising bukas. Good night.'' Ang nasabi ko na lang sa kanila.

Inaantok na kasi ako eh. Tsaka, ito lang ang naiisip kong palusot sa kanila kaya pinagtiyagaan ko na lang.

''Ah okay, good night din sa inyo!!'' Sabi ko sa kanila at sabay pinatay ko na ang ipad ko.

Habang ako'y patulog na, naalala ko yung tungkol kay Kira. Hmmm, ayos lang kaya siya? Sana nga.

*yawn*

Good night to me.

(Time Skip)

Nang magising ako nang 5:30. Agad na akong naligo at nagbihis para pumunta sa Sm Hypermarket kasi dun ang usapan. Pero hindi naman ako nagdududa na malalate sila. Akalain mo, sabi nung guard, 5am, nandun na sila.

''Ang tagal mo naman Toll kanina pa kami dito.'' Pag-iinarte ni Ia.

Sorry ha, akala ko kasi FILIPINO TIME kayo.

"Sorry na. Ang laki kasi ng tiwala sa sarili ko na male-late kayo eh." Pambabara ko kay Ia.

Nakita ko na umirap siya kaya napatawa na lang ako.

''Kumpleto na ba lahat nang gagamitin natin sa piknik?'' Sabi ko sa kanila habang tinitingnan ang mga dala nila.

Nang makita ko na lahat ay agad ko silang sinama sa van namin at pinasakay na sila dun. At nagsimula nang mag-drive si manong papunta sa picnik area.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

NEXT CHAPTER ABANGAN SOON...

¤END OF CHAPTER 19¤

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now