Chapter 7

184 1 0
                                    

(Toll's POV)

Time Skip~>

"Okay, class dismissed. You can now go." Sabi ni Sir at currently inaayos ang gamit niya at lumabas na lang.

Inayos ko na rin naman yung mga notebook ko at nilagay ko na sa bag ko. Tatayo na sana ako ng biglang pagtayo ko ay nakita ko na nasa harapan sila Kira at Mirei.

"Nagmamadali ka Toll?"-Kira.

Sinakbit ko ang bag ko at tumango lang sa tanong ni Kira.

"May date ka no?" Sabi ni Mirei habang nilapitan ako at tinabig ng marahan ang balikat ko.

Naramdaman ko naman na parang uminit ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Mirei, look at Toll, namumula siya!" Sabi ni Kira na halatang tuwang-tuwa sa pamumula ng mukha ko.

"Shut up!" Sabi ko at napabuntong-hininga na lang ako. "Bakit nga pala? May problema ba?" Tanong ko sa kanila.

"Nagyayaya kasi sila Ia sa bagong cafe diyan lang sa tabi ng school. Kung sasa-"

"Pass muna ako. Pasensya na kayo ha." Sabi ko at pinutol ko ang pagsasalita ni Kira. "Una na ako ha! Bye!" Sabi ko habang papalabas na ng pinto.

"Ingat sa date mo Toll." Narinig ko'ng sabi nilang dalawa. Napangiti na lang ako.

Nang makarating na ako sa labas ay nakita ko na si manong at sumakay na ako ng kotse at pumunta na ng bahay.

After 10 minutes ay nakarating na rin kami sa bahay. Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kwarto ko at pinatong ko ang bag ko sa sofa sa may kwarto ko.

Binuksan ko ang closet ko at tinignan ko ang pwedeng isuot.

"Bahala na nga si Batman." Sabi ko at kinuha ko ang unang nakita ko'ng damit sa closet at napabuntong-hininga na lang.

(TIME SKIP)

Nang mag 5:35 na ang oras. Agad kong pinuntahan si Angela at ginamit ko ang kotse ko. Nang makarating na ako sa may sa kanila ay dumiretso ako sa pinto nila since bukas naman ang gate nila. Tumayo ako sa may pinto nila at kumatok.

''Tao po, Angela, andyan ka pa ba? tao po?'' sabi ko habang kumakatok.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang babae na I think mga nasa mid-30's na. Nakapuyo siya at nakasuot ng pambahay na damit.

"Ay hijo. Ikaw ba si Toll?" Sabi niya na halatang nagulat.

Tumango-tango naman ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.

"Ang gwapo mo namang bata." Aabi niya habang binuksan na ng buo ang pinto ng bahay nila. "Ako nga pala si Gelai Mercado, ang Mommy ni Angela." Sabi niya habang in-offer ang hand sakin.

Kinuha ko naman agad and nakipagshake-hands ako sa kanya.

"Thank you po Mrs..."

"Drop the formality hijo. Just call me Tita Gelai." Sabi niya habang nakangiti sakin.

Tumango-tango naman ulit ako at ngumiti ako sa kanya.

"Halika. Pasok ka hijo." Sabi niya habang lumakad na papasok sa bahay nila.

Sumunod naman ako sa kanya at pumasok ako sa loob ng bahay nila. Medyo malaki ito at halatang medyo nakaka-angat sila Angela.

"Upo ka muna hijo diyan sa sofa. Pababa na rin yun si Angela. Hintayin mo na lang ha. May aasikasuhin lang ako sa kusina. Gusto mo ba ng something?" Sabi ni Tita Gelai habang papalapit na sa pinto ng kusina nila.

"No Tita. I'm fine. I'll just wait na lang po kay Angela." Sabi ko naman at sini-signal ang kamay ko na huwag na.

"Okay. Pababa na rin yun hijo." Sabi ni Tita habang pumasok na siya sa loob ng kusina nila.

Umupo naman ako sa sofa at hinintay ko si Angela sa living room.

Makalipas ang ilang minuto ay tatayo sana ako para humingi ng inumin pero may tumawag sa akin.

"Toll?"

Napalingon ako sa pinagmulan nung boses at I was stunned sa nakita ko.

Nakita ko si Angela na naka white dress at naka-ayos ang buhok. Simple yet elegant.

Pagkababa niya sa hagdan ay lumapit siya sakin and she flicked her finger sa harapan ko. Only that, nagising ako sa realidad.

''Ah Angela..,for you..,flowers and cho-choco-chocolate'' sabi ko nanginginig dahil sa pagkamangha ko sa itsura ni Angela.

Tinanggap niya ito at inilagay sa table ng living room nila.

"Wait lang Toll ha, magpapa-alam lang ako kay Mommy." Sabi ni Angela habang papunta sa kusina kung nasaan ang Mommy niya.

"Paki-lock na lang anak ang pinto ha." Sabi ni Tita pasigaw kasi naglalakad na palapit sakin si Angela.

"Come on?" Sabi niya at hinila na niya ako palabas ng bahay nila.

Nang makalabas na kami sa bahay nila ay binitiwan niya ako kaya napatingin ako sa kanya.

''Ah thank you ha, wait lang ilo-lock ko lang yung door, wait lang'' sabi niya sa akin.

Habang binubuksan niya yung bag ay may nahulog na picture sa bag niya. Agad ko yung kinuha at tiningnan ko nang mabuti.

''Ah, Angela, sino itong kasama mo sa picture mo?'' patanong kong sabi ko kay Angela.

''Ah, kasi........'' sabi ni Angela.

''Ah, ok lang sakin. Ah, boyfriend mo ba sya.'' patanong kong sabi ko kay Angela.

''Dati na yun, hayaan mo na yun. Basta ang mahalaga may date pa tayo diba, kalimutan na natin yung picture. So ano? Lets go'' pagyayaya sakin ni Angela na parang dinedma ang nangyari.

''Ah ok sige, hayaan na natin yun, tapos na yun diba?'' sabi ko kay Angela.

Pagkatapos kong magsalita agad akong niyakap ni Angela nang mahigpit at sabay naman akong nag blush.

''Salamat Toll ha at pinasaya mo ulit ako.Ikaw na nga boyfriend ko.

Lalo pa akong nagblush dahil sa sinabi niya. Sobrang init na nang pakiramdam ko. Para bang nilalagnat na ako. Pero hindi yun napansin ni Angela. Buti na lang. Dumiretso na kami sa pupuntahan naming restaurant at dito na magsisimula ang pagiging mag HEART namin.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
AYAN NA ANG DATE NILA TOLL AT ANGELA.FOR REAL NA TALAGA ITO.IDINAGDAG KO LANG ITO KASI PARA MERONG KONTING TWIST SA STORY NILA PERO SUSUNOD NA CHAPTER,PROMISE,DATE NA NILA.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now