Chapter 69

23 1 0
                                    

(Fred's POV)

Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit hinintay pa niyang malaman ko sa iba? Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.

"Bro, why are you so down on the dumps? Are you okay?"-Greg.

Tumingin ako kay Greg at pinunasan ko luha ko. Ayoko makita niya ako na umiiyak. Asarin lang ako niyan.

"Are you crying? Bro, you sucks. Babae lang yan."-Greg.

Sinamaan ko siya ng tingin at agad naman siyang nag-peace. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pumikit ako at hinawakan ko ang ulo ko.

"Hindi lang babae si Kirei bro. Buhay ko siya. Hindi ko makakaya kung mawawala siya."-Me.

Hinawakan ni Greg ang balikat ko at tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang pag-aalala ng mukha niya.

"Sorry bro. Pero naiintindihan kita. Sana mapatawad na din ako ni Mirei."-Greg.

"Kausapin mo kaya bro. For sure, maiintindihan ka niya kapag narinig niya explanation mo. Sige bro. May pupuntahan lang ako."-Me.

"Sama ako. Ang boring dito eh."-Greg.

Umiling ako sa kanya at nagpatuloy na ako'ng maglakad palabas. Kinuha ko yung kotse ko at nag-drive ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko lang mapag-isa.

Hininto ko yung kotse ko sa may park at bumaba ako dun. Umupo ako sa may bench at napatingin na lang ako sa paligid ko. Medyo magga-gabi na kaya tumingin ako sa langit at napaiyak na lang ako. Hindi ko alam pero inilabas ko na lang lahat kasi, parang hindi ko kakayanin.

Rrrrrrriiiiiinnnnnnggg

Biglang tumunog phone ko at nakita ko ang tumatawag. Nagulat ako at sinagot ko na lang.

"Hello. Kirei?"-Me.

"Uhmm Fred. May dapat ka malaman. Tungkol sa'kin. Sorry tinago ko sayo. 3 days ago ko lang nalaman eh. Hindi ko alam na may brain cancer ako. Sorry talaga."-Kirei.

Narinig ko na umiiyak siya. Hindi ko alam pero nanghihina ako. Siguro kapag narinig ko si Kirei na umiiyak, nanghihina ako.

"I already knew, Kirei. You don't have to say it."-Me.

Medyo nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang alam yung sakit niya. Kaya siguro siya na-late dun sa pagpunta kala Toll dahil dun.

"Sorry sa lahat Fred. Sorry."-Kirei.

"Hey, don't cry. Sige ka, baka magalit si Mr. Chicky kapag nakita ka niyang umiiyak."-Me.

Si Mr. Chicky ang imaginary friend namin ni Kirei. Naisipan lang namin yung pangalan na yun. Para kaming sira diba?

Narinig ko siyang tumawa pero mahina lang. Medyo nalungkot ako kasi, alam ko hirap na hirap siya sa condition niya ngayon.

"Ahh Kirei, mahal mo ba ako?"-Me.

Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Siguro, gusto ko lang na makasigurado na mahal niya ako.

Bakit hindi siya nagsasalita? Ano kayang problema?

"Naiintindihan ko Kirei. So, I guess we have to mov..."-Me.

Umiiyak siya? Bakit na naman siya umiiyak?

"Mahal kita Fred. Gustong-gusto kita. Pero baka sa kondisyon ko, masaktan ka lang kapag namatay ako. Mawawala ako sa tabi mo pag nangya..."-Kirei.

"SINONG NAGSABI NA MAMAMATAY KA?!? GUSTO MO NA BA TALAGANG MAMATAY?!?"-Me.

Hindi ko na talaga napigilan ang damdamin ko kaya nasigawan ko siya. Natahimik na lang siya at narinig ko na naman ang hikab niya sa pag-iyak niya kanina.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now