Chapter 12

138 1 0
                                    

(Kira's POV)

''Ito na ba yun,bakit parang wa--.'' Ang tanging mga salita na lumabas sa bibig ko matapos tanggalin ni JC ang blindfold sakin.

Grabe laglag panga ko dun ah, ang ganda naman nung dating place namin. Grabe, talagang halatang pinaghandaan.

''Ano, nagustuhan mo ba?'' patanong sakin ni JC.

''Of course, ang ganda ganda kaya.'' Sagot ko sa kanya.

Sobrang ganda naman kasi nung dating place namin. May mga pink na balloons tapos merong mga musician na nagplaplay nang instruments at ang last, mukhang masasarap ang mga pagkain dito kasi parang fien dining ang setup ng restaurant eh.

Hmmm, basta, hindi ako magpapahalata kay JC na parang ngayon pa lang ako nakakakita nang mga ganitong foods.

''Ah, Kira upo ka na.'' sabi nya sakin.

Hinugot niya ang upuan sa may table at nag-gesture siya na dun ako umupo.

He's truly a gentleman.

''Ah, ok, thank you.'' pasasalamat ko naman sa kanya habang paupo naman sa upuan ko

Tumungo naman na siya sa kabila at umupo na rin kaharap ko.

Pagkatapos akong paupuin ni JC, agad siyang tumawag nang waiter para kuhaan kami nang pagkain. Pagkalapit nang waiter sinabi ni JC...

''Ah, give us 1 hawaiian overload pizza, mga 6 slices. Then 2 spaghetti w/ meatballs." Sabi niya.

Mukhang masarap ha. Nagugutom na tuloy ako.

"And for desert, a chocolate cake with cherry on top and finally, drinks, a pitch of iced tea. Thats all.'' Pahabol pa niya sa witer habang hindi pa inaalis ang tingin sa menu.

Lumunok ako pagkasabi ni JC nang mga yun. Grabe, ang dami. Pizza, spaghetti, at cake. Maubos kaya namin yun.

"Ang dami naman JC. Maubos kaya natin yun?" Sabi ko sa kanya ng pabulong kasi nasa harap pa namin ang waiter.

Tumingin siya sakin pagkababa niya nung menu at ngumiti.

"I want this night to be special. And hindi ko hahayaang magutom ang date ko." Sabi niya sakin habang binibigay na ang menu dun sa waiter.

Naramdaman ko naman na biglang uminit ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"And by the way, sabi sa'kin ni Armiece na mahilig ka raw kumain kaya, naisipan ko na baka marami ka rin kung kumain." Sabi niya.

Pagkasabi niya nun ay nanlaki ang mata ko at ni hindi na ako maka-tingin sa kanya sa sobrang kahihiyan.

Pambihira ka talaga Armiece, nakakainis ka!

"It's alright." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, "Mas mabuti nga yun kaysa sa mapayat kasi kung kumain akala mo bata." Sabi niya sabay ngisi..

Napangiti na rin naman ako kasi hindi ko ini-expect na sasabihin niya yun. Akala ko tipo niya yung nga sexy na babae.

Payat ako pero malaman-laman naman ako ng konti. Hindi naman ako mahilig mag-diet kaya ganito ang itsura ko. Hindi rin naman ako tumataba kaya I think tama na 'to.

Nang umalis na yung waiter para iserve na ang inorder ni JC, sobrang tahimik na kaya naman agad akong nakaisip nang paraan para may pagkwentuhan kami.

''Ah JC, paano ka naging popular sa school.San ka ba magaling?'tanong ko sa kanya.

''Magaling akong magdrawing tapos magsulat nang mga article.'' So member pala sya nang Writer's Club.

''Cartoonist ako ng Writer's Club. Tapos nung nadiscover na ako na bilang isa sa mga magagaling magdrawing, in-invite ako para sumali sa POPUgroup. Hindi ko naman tinanggihan.'' Kwento ni JC.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon