"Yeah I know. Before I doubt it, pero ngayon, hindi na because I can feel it," he said and he smile, na nagpawala ng seryosong ambiance.

"And now, it's time for me to work on my reward..."pagkasabi nya noon ay bigla nya akong dinaganan, kaya napatili ako, buti nalang sound proof ang rooms nila dito, kundi baka marinig pa kami ng iba.

"I love you 'My..."

-----

NAPANGITI nalang ako dahil sa mga kalokohan ni Ric kagabi. Tumayo na ako sa kama at sumilip sa bintana. Ang ganda talaga ng view dito, parang ayoko na tuloy umalis dito, napaka-relaxing ng buong resort na ito.

Napalingon ako nang marinig ko ang pagkaluskos sa likuran ko. At nasalubong ng mga mata ko ang piercing eyes ni Ric, his hair is still wet kaya tumutulo-tulo pa yon. Hindi ko alam kung anung sumapi sa'kin, dahil mukhang may sariling utak ang mga mata ko at sinundan ang binabaybay ng tubig.

Sh*t ang hot ng asawa ko. Wala syang ibang suot except sa nakabuhol na towel sa bewang nya. "Are you enjoying the show?" tanong nito na medyo gumiling-giling pa.

Doon ako natauhan. "Ah-ah." wala akong masabi, I'm stuttering at pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.

Sa sobrang hiya ko ay tumakbo ako papasok sa banyo, at narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Ric sa labas.

-----

AFTER lunch I decided to walk, dahil pakiramdam ko ay naparami ang kain ko. Kaya bumaba ako papunta sa tabing dagat, plano kong libutin ang resort. Wala akong pake kahit tirik ang araw.

While walking I saw two figure, under a tree sa hindi kalayuan, kung hindi ako nagkakamali, I think it's Derrick and with a girl, is it Racel? Pero kelan pa sila naging close? I found that strange, pero hindi ko na pinansin, much batter nga yung magkaroon ng kaibigan si Derrick, and that girl, para hindi na uminit ang dugo ko sa kanya. Ah hayaan na nga, baka nagkausap lang sila, then nagkataon lang magkasama sila ngayon. Kaya tumuloy na ako sa paglalakad and stop minding them.

I walk while enjoying the afternoon breeze of the ocean, hanggang sa hindi ko na namalayang umabot na ako sa kabilang bahagi ng resort dun sa kabilang hotel, wala naman daw kasing boundary, ayun na din sa narinig ko magkapatid yung may-ari, kaya hindi na nila hinati.

Just like on where we are staying konti lang din ang guest dito. Napatingin ako sa baba, nung maramdaman kong may humihila sa palda ko.

It is a little girl okay scratch that a cute littke girl. "Tita, tita, do you see my Mama?" umi-iyak na tanong nito. Ang cute nya pag umiiyak. Sa itsura niya mukha siyang anak ng foreigner, mga western ang dating ng itsura ng bata, with her brown hair na kulot ang dulo.

Umupo ako para makapantay ko sya. Nung kapantay ko na siya ay nakita ang mata niya at parang blue-gray ang kulay ng mata niya na nagre-reflect sa sinag ng araw. "No, sweetie... are you lost?" tanong ko dito, gusto ko tuloy pagalitan kung sino mang magulang ng cute na batang ito, dahil sa pagpapabaya, masyado pa syang bata, para pabayaan mag isa, kung hindi ako nagkakamali, sa palagay ko she is about 2 and a half to 3 years old. Ang sarap kurutin ng pisngi nya.

"Tita, help me please, gusto ko makita ang Ma-ma ko." naawa naman ako dito kaya, binuhat ko na sya. "Okay, I will help you," pag-alo ko dito na tinapik-tapik ang likod. "But first what's your name Sweetie?"

"Era..." lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, marahil ito na ang nanay ng bata. At papalapit na ito sa amin.

"Mama," nagkukumawag ang bata habang palapit ang nanay nya, I can't see her face clearly dahil sa sikat ng araw, pero sa tantya ko ay hindi ito nalalayo sa edad ko.

Binaba ko na si Era na sinalubong naman ng babae, I can't still see her face dahil sa natabunan ito ng mahaba nyang buhok habang kausap nya ang bata.

"Mama, that Tita, helped me." natawa naman ako sa sinabi ng bata, kasi hindi ko pa naman sya natutulungan. "Then we should say our thanks to that Tita." Sabi ng babae, kaya tumango-tango naman ang batang si Era. Kaya iniangat na ng babae ang paningin nya.

"Thank—"

Pareho kaming natigilan nung nagkaharap kami. I know her, imposibleng hindi, how could I forget her? Though nag-matured sya. Tinignan ko uli ang bata, and I saw some resemblance, magkahawig sila.

"Thank you," mahinahong sabi niya.

"No problem, ingatan mo lang ang bata, baka mawala." pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, right now I should be ballistic at sisihin sya sa nasayang naming taon ni Ric, but I found nothing, parang walang puwang ng galit sa puso ko, as if what happen in the past never happened.

Pahakbang na sana ako pero natigil iyon dahil sa pagtawag nya sa pangalan ko. "La—ra" parang nagdadalawang isip pa sya sa pagtawag sa'kin.

"Yes?" I asked na lumingon sa kanya.

Yumuko ito bago nagsalita. "How are you?" mahinang tanong nito. "I mean, kamusta kayo ni..." hindi nya madugtungan ang sasabihin nya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, waiting for her to speak.

"Lara, I am so sorry, I just want to say sorry, na pinagsisisihan ko ang ginawa ko sayo... And I'm hoping na mapatawad mo ako someday." Nagulat ako, biglang paglabas nya ng damdamin, para syang mai-iyak, while saying those words.

"I already did," I said na ngmiti ng payak. Nag-angat ito ng tingin, na parang hindi expected ang sagot ko.

"Thank you Lara." Mahinang nasabi nito.

"Ok, it was nice to see you Eunice..."

---

Salamat sa pagbabasa, vote and comment guys...

Guys, sana mabasa nyo rin yung bago kong story entitled "THE SEQUEL" , atsaka if you want yung ANG DIARY NG IN-LABABONG TORPE, pagtyagaan nyo nalang ang katorpehan nyang wala sa lugar, XDD

-LEYN-

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now