"Uhh? Excuse lang! May pila po rito." Sarkastiko kong sabi.

Nakakabwisit naman kasi! Ang tagal tagal mong pumila dito tapos sisingit pa ang isang asungot.

Humarap ang lalaki sakin. Nagcross arms ako at tinaasan ko ang kilay ko.

Pagiging Mataray ON

Ibinaba nya ang shades nya at pinakita ang mata nya.

Nagulat naman ako ng inilapit nya ang mukha nya sakin. Napaatras ako.

At dahil wala na akong maatrasan dahil sa may tao sa likod, ipinikit ko ang mga mata ko. Alam nyo naman siguro ang naiisip ko dahil nga sa ginawa nitong asungot na to.

Pinitik nya naman ang noo ko.

How dare him?!

Idinilat ko na ang mata ko at napakamot ako sa noo ko.

May ipinakita naman sya sa akin na isang card.

VIP CARD.

"Nainis ako ng sobra 'non at inirapan ko siya."

"What do you think would I do?"
Tanong nya habang nakangisi.
"Do you think I'll kiss you?"
Natatawa nyang sabi.

"Ofcourse NOT!"

Narinig ko ang pagtawa ni Ate.

"Sabi ko, ang kapal rin ni Kuya ah. Lakas ng loob! Grabe lang umover na ang confidence!"

Ngumisi naman ito at inilapit uli ang mukha sa akin. I think 1 inch lang ang layo namin. Napatingin naman ako sa labi nitong mapula. At sa ilong nyang matangos at sa mata nyang color brown. Pansin ko rin ang makapal at maganda nyang kilay. Maganda ang korte nito. Napatingin naman uli ako sa mata nya.

Takte! Bakit ko ba sinusuri ang mukha nitong asungot na to? Kainis!

"Duh." Maarte nitong sabi. Parang bakla! Pwe! "I ain't gonna kiss a stranger like you. Thats ew." Nag half smile naman sya.

Nabigla ako sa sinabi nito kaya't di ko napigilan ang inis na nararamdaman ko. Inuntog ko ang noo ko sa kanya. Oo, masakit rin sa part ko. Pero halata mo sa kanya ang sakit na nararamdaman nya. Mas masakit pa sakin. Haha! Buti ngaaaa!

"Ew, duh? Yuck mo mukha mo! Saksak mo sayo ang VIP card mo! Asungot ka! Hambog!"

"We're not yet done! You'll pay---"
Tumakbo na ako at hindi ko na sya pinatapos.

"Ang daming tao nun. Nakatingin sila sa amin. From that day, I called him as Mr. VIP dahil sa naaalala ko ang ginawa niyang kabalastugan nung nasa resto kami." Nakangiti kong sabi. Pait. Pait na ngiti sa totoo lang.

Mukhang nag-aabang pa si Ate sa susunod kong sasabihin.

"At hindi ako makapaniwala. Unang araw nun ng pasukan. Nagkita kaming dalawa sa school."

Nagtataka naman ako ng lahat ng estudyante ay pumagilid na parang may mahalagang tao na daraan. Actually pansin kong ako na lang ang naglalakad sa gitna. Nakikita ko naman ang pagbubulungan ng iba pero naka-headset nga ako kaya mas inintindi ko na lang ang music ko kaysa sa mga nakakarinding chikahan.

Mas lalong dumarami ang bulungan ng naramdaman kong may kumalabit sakin.

Nagtaka naman ako kaya humarap ako sa kung sino man.

5 lalaki ngayon ang nasa harap ko. Mga naka leather jacket at nakashades.

Napatingin din ako sa magkabilang gilid ko na kung saan nakatingin sakin ang mga babae.

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now