Chapter 4: Mate And Tree House

1.7K 162 1
                                    

Chapter 4: Mate And Tree House

Mason's point of view:

Nang makita ko na nagsisimula na ang klase, hindi na lang ako pumasok. Bumalik na lang ako sa south at natulog kung saan nakahiga ang babae kanina. I can't get off her in my head, she's stuck. Her smell, her presence and all. Everything.

Sinilid ko ang kamay sa bulsa habang naglalakad, batid kong may nakasunod sa 'kin. Pamilyar ang presensya niya.

Mabilis na lang ako nag lakad patungo sa likod ng campus. I couldn't believe that she used my weakness just to escaped from me.

Napatingala ako sa matayog na pader. It's 8ft, not higher for a 6'2 man, pero sa babaeng gano'n kaliit at kaliksi. Imposible niyang matalon ito, pwera na lang kung may skills siya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naningkit ang mga mata ko nang makita ang ibang deriksyon, it's my first time to be here. Hindi ko alam kung ano ang daan na 'to. Wala masyadong nagawi sa likod ng campus, everyone has a different businesses, I don't think its the first place to find comfort.

Nagtungo ako roon, mag gagabi pa naman pero bakit kaya ang tahimik. Nakiramdam ako sa paligid, walang kahit na anong presensya na nandito. Ako lang mag-isa.

Dahan-dahan akong humakbang patungo roon, isa na iyong eskinita. Huminga ako nang malalim at pumasok, isang mahabang daan, lumingon muna ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang sandali pa ay narating ko ang dulo, lumiko ako sa kanan nang makita ang isang daanan pa. Wala na akong naririnig na ingay ng mga sasakyan, tanging mga yabag ko lang ang naririnig ko.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang maraming baging, dahan-dahan kong hinawi iyon. Bumungad sa 'kin ang napakalawak na lugar na mayroong bermuda grass at iba't ibang bulaklak.

Nilibot ko ang paningin sa paligid, matayog na ang pader ang nakapalibot sa lugat. May mga baging din at maraming malalaki at matatayog na mga puno sa 'di kalayuan.

Ano ang lugar na ito? Nagsimula akong maglakad. Bahagyang dumilim nang pumasok ako sa kakahuyan, para akong nasa kagubatan.

Ilang sandali pa ay unti-unti kong naramdaman ang pamilyar na presensya. Mabilis akong napalingon, bumungad sa 'kin ang babae kanina.

“Hanggang ngayon talaga sinusundan mo 'ko. Hindi naman na ako tumatakbo ah.” Aniya.

Tumikhim ako bago magsalita. “Gusto ko lang malaman ang pangalan mo.”

“What makes you think na sasabihin ko?” Lumapit siya sa 'kin, tumingala siya. “Ikaw? Anong pangalan mo?”

I could hear my heart's palpitation faster and faster. Nakakabingi. “Mason Hollis.”

Bahagya siyang natigilan. Tumalikod siya sa 'kin at naglakad. Sumunod ako sa kaniya. “Why are you here? Naninirahan ka ba dito?”

Nagkibit-balikat siya. “Sort of.” Aniya. Hindi na lang ako nagsalita.

Sinasayaw ng hangin ang mga puno, tahimik ang paligid, wala akong nararamdaman na presensya kundi sa kanya lang.

Kulay kahel na ang langit. Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Napatitig ako sa kanya, nililipad ng hangin ang kanyang buhok. Nakasuot pa rin siya ng uniporme ng school.

“Stop staring at a stranger.” Napakurap ako. “Bakit mo ba kasi ako sinusundan?” Tanong niya, may pagkairita ang kanyang boses.

“Stop askin', a'right? You're not a stranger to me anymore. I know you by your face, from the curve of your body and all.” Kasi kahit sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit.

A Beast In The City Where stories live. Discover now