Chapter 3: Hidden Feelings

2K 139 0
                                    

Chapter 3: Hidden Feelings

Charlie's point of view:

Nagising ako na wala na si Sierra sa tabi ko. Agad akong bumangon at lumabas. Tumabo sa 'kin ang amoy ng bacon, ham, pancakes at kape. Nagpunta ako sa kusina at nadatnan si Whiskey na nagtitimpla ng kape habang walang damit pang itaas.

Napahinto siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa 'kin. "Good morning." Aniya.

Napalunok ako bago tumugon. "Good morning din."

"Breakfast. Upo ka na. Nauna na si Sierra sa school. Paalis na kasi siya pagkagising ko."

Umupo na rin ako sa harapan niya. "Bakit naman ang aga niya do'n? 'Tsaka." Tinaasan ko siya ng kilay. Napahinto naman siya sa pagkain. "Ang aga aga naghuhubad ka sa hapag."

Mahina siyang tumawa. Napasimsim agad ako sa tinimpla niyang kape. "Kailan ka pa nailang, Cha?" Nanunudyo ang kanyang boses.

"Tumahimik ka na nga lang at kumain." Umirap ako sa kanya nang masulyapan ang ngisi niya sa labi.

Ilang minuto pa ay natapos ko agad ang agahan. Kukunin ko na sana ang pinggan nang pinigilan niya ako. "Maligo ka na. Ako na rito."

Napataas ako ng kilay. "Kaya ko naman maghugas ng pinggan, Key."

"I know, I know. Pero matagal ka matapos maligo kaya mauna ka na sa banyo." Tumayo na siya at inagaw sa kamay ko ang pinggan. "Bilis na, Cha."

"Kaya ko naman-" Napahinto ako sa pagsasalita nang lumapit siya sa 'kin.

Napatingala ako sa kanya. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha. Hindi naman magkamayaw ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Halos pinipigilan ko na ang paghinga ko.

Tumitig siya sa 'kin. Napatitig na rin ako sa kanya. "Get your ass out of here, Charlie Slate."

Marahan akong tumango at agad na tumalikod. Malalaki ang mga hakbang ko na nagtungo sa kwarto. Napasandal ako sa pinto sabay huminga ng malalim.

"I thought he was going to kiss me." Wala sa huwisyong sambit ko. Napatulala ako sa kawalan. I tried so hard para mawala ang pagkagusto ko sa kanya.

Natatakot ako na pag nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya, baka layuan niya ako. Simula pagkabata, kusa na lang tumitibok nang sobrang lakas ang puso ko pag nakikita siya. Hanggang ngayon, gano'n pa rin ang epekto niya sa 'kin. I'm starting to wonder if, if he's my mate-

"Cha, go to the bathroom now. Malelate tayo."

Nagising ang diwa ko nang marinig siya malapit sa pinto. "Comin'."

Kinuha ko ang extrang towel bago lumabas. Nararamdaman ko ang titig niya sa 'kin hanggang makapasok ako sa banyo. Huminga na lang ako nang malalim at nagsimulang maligo.

Pumikit ako habang dumadampi sa balat ko ang maligamgam na tubig. Ano kayang iniisip ni Whiskey sa 'kin? Malalaman ba yun pag nasubukan ulit ang mental telepathy?

Naaalala ko. Ginawa namin lahat iyon sa kakahuyan sa Laelaps after no'ng Ball. Muntik na kaming malunod sa sariling pag-iisip. Tinatago iyon ng Hollis Family, kasama na iyong tattoo na crescent moon. Pero ngayon, unti-unti na itong nalalaman ng iba.

"Cha."

Napadilat ako ng mata nang marinig ang boses ni Whiskey. "Ano 'yon?" Ini'off ko ang shower para mas marinig nang maayos ang sasabihin niya.

"30mins ka ng nandiyan. Papasok na talaga ako pag 'di ka pa lalabas. Malelate na tayo." Aniya. Seryoso ang kanyang pananalita.

Nanlaki ang mga mata ko at napagtantong kanina pa pala ako natapos sa pagligo. Dali-dali kong sinuot ang bathrobe, ginapos ko ng towel ang buhok ko bago lumabas. Nag peace sign na lang ako sa kanyang nang makita siyang naka towel lang at handa na maligo. Napailing-iling na lang siya at agad na pumasok.

A Beast In The City Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon