Prologue

7.1K 219 6
                                    

Prologue

“Behold! Here comes the future Alpha! Everyone! Freeze!” Natatawang panimula ni Bravo. Agad na nag tinginan ang mga tao sa kanilang pwesto.

Umirap si Mason sa narinig. “Shut the fuck up.” Asik niya sa malamig na boses, umupo siya sa bakanteng upuan na nasa dulo ng mesa.

Napailing-iling na lang sila sa inasal ni Mason. Kasalukuyan silang nasa Grill ng Manrae. Hinihintay pa nila ang ibang patrols at defense sa gaganapin na pagpupulong ngayong gabi.

“Bravs! Saan ang kapatid mo?” Mahinang sabi naman ni Foxtrot.

“Hahahaha! Umiibig si soro boy!” Kanchaw ng katabi niyang si Golf. Bahagya naman niyang sinuntok ang braso nito.

“Kasama ni Juliet si Romeo. Olats ka na soro boy!” Tugon naman ni Bravo sa kanya. “Oh, Jack o Whiskey mga par?”

“Pakyo. Hindi lang ako oy! Tahimik lang ang iba riyan.” Sabi ni Foxtrot sabay sulyap kay Whiskey na tahimik lang na nagbabasa ng libro.

“Jack! Ayoko sa Whiskey!” Asik ni Golf kapagkwan ay humalakhak.

“Ulol! Tawagin mo yung waiter—”

“Mason!” Napabaling ang lahat sa bagong dating na si Echo. Hinihingal pa ito. Napatingin naman si Whiskey sa kapatid niya.

Sumenyas si Bravo sa waiter ng alak. Agad naman itong nagtungo sa kanilang pwesto at binigyan sila ng isang bucket ng ice at mga alak. Binigyan ni Bravo ang mga kasama.

“What?” Tugon ni Mason sabay sulyap kay Echo.

Napakamot siya ng ulo bago magsalita. “Eh kasi, hindi makakarating 'yong iba.”

“Names.” Tugon ni Mason.

Napalunok si Echo bago sumagot. “Si Kilo, Romeo, Quebec, Juliet at Sierra. Parating na si Charlie. Kausap ko siya sa phone kanina.”

Napailing siya sa narinig. “Morons. Sit now.”

Dali-dali namang umupo si Echo sa tabi ni Whiskey na para bang napaso sa boses ni Mason.

Tumikhim siya bago magsalita. “My dad wants us to patrol here, in Manrae, 24/7. Half of us, probably. ”

Suminghap si Bravo sa narinig. “Pero Mason, imposible yang gano'n. Magkukulang ang magpapatrol sa Laelaps—”

“Pwede rin naman na kalahati ng defense at patrol ang dito sa Laelaps.” Sabat ni Whiskey at inayos ang kanyang salamin.

“Patas lang 'yon kung gano'n.” Dagdag pa ni Golf sabay lagok ng alak. “But we can't assure na dito talaga tayo sa syudad, alam naman natin na may palaro na gaganapin pag summer. We need to go there.”

“Hindi ba 'yon pwedeng e'cancel?” Tanong naman ni Echo.

“Little pups are excited about that. We don't want to fail their childhood.” Tugon ng kapatid niyang si Whiskey.

“I'll try to figure out. I just don't know what's going on in my dad's mind. This is going to be a mess.” Napatingin si Mason sa labas.

“Hey, sorry am late.” Nilapag ni Sierra ang dalang coat sa mesa. “What's up, morons?”

“That's my line, Sie.” Sabat ni Mason, sumimsim siya ng alak habang nakatingin pa rin sa labas.

“Pahiram ng line mo.” Binelatan niya ito. “I'm with—” Lumingon siya sa pinto ng Grill. “I'm with Charlie. Where did she go?”

“Nag cr, Sie.” Tugon ni Echo. “Akala ko 'di ka makakapunta.” Bahagya siyang ngumiti.

Nagkibit balikat si Sierra. “Well, I'm here.” Mahina siyang tumawa bago magpatuloy sa pagsasalita. “Magkasama kami ni Charlie no'ng tumawag ka. Sumama na lang ako. Bukod do'n, si Mason nagpatawag ng meeting na 'to eh.”

A Beast In The City Où les histoires vivent. Découvrez maintenant