#26; A blonde Princess with?

Magsimula sa umpisa
                                    

Medyo basa pa ang buhok nito at may tuwalyang nakasabit sa balikat, wala siyang pang itaas at muntikan na akong mabilaukan doon. Kaharap ko ang kaniyang katawan! His own bare body! Ang abs nitong hindi halata pag malayo ay kitang kita pala pag ganito kalapit.

Muli pang napababa ang aking tingin at napagtanto na Pink boxer lamang ang kaniyang suot suot.

Na-tuluyan akong mabilaukan. Mas matindi pa sa nangyari kay Fruga kanina, pakiramdam ko'y luluwa na ang kaluluwa ko. Masakit sa lalamunan at hindi ako makahinga sa tindi ng nararanasan.

"Uy ano 'yan?" Fruga said, nagtataka sa akin. Paano niya nagawang magtanong pa kahit nakikita niya namang hihimatayin na ako dito?

"Adora!" Nag-panic naman agad si Zoe at talagang humawak pa sa aking braso at niyugyog ako. Lalo akong hindi makahinga dahil sa ginawa nito, Parang lalabas na sa ilong ko ang ilang piraso ng hotdog sa ginawa ni Zoe!

"Oy syet-- TUBIG MUNA!" Sumabay na sa panic attack si Fruga at lumapit ito sa amin, sapilitang pinatungga ang isang basong tubig sa akin.

Napapikit ako, di ako prepared sa tubig kaya ang ilang butil ay lumabas lamang sa ilong ko at pakiramdam ko'y nalunod pa ako ng kaunti. Take note, nalunod ako sa isang basong tubig. Pwede na ba akong ilagay sa guinness world record?

But all in all, nakahinga rin ako ng maluwag. Nalunok ko ang isang tipak ng walanghiyang hotdog na iyon at yoon ang mas importante.

"Adora! Okay ka lang ba? Masakit ba? Anong nangyari sayo?" Zoe is still in the panic mode, hindi ko pa siya maharap dahil nauubo parin ako. Napapikit na lamang muli ako at napahawak sa aking leeg. Sheesh, ang hapdi ng lalamunan ko--- parang dinaanan ng tubo o kung ano! Hindi na ulit ako kakain ng hotdog. Not anymore.

"Kalma, boy. Nabilaukan lang 'yan." Fruga calmly said, prenteng naupo ito pabalik sa kaniyang pwesto at binalikan ang kinakain. talaga namang----

"Hindi dapat ni-lalang ang mga bagay tungkol kay Adora." Sagot ni Zoe dito, medyo iritado ang kaniyang hitsure at rinig rin ang pag-kainis sa kaniyang boses.

Napalingon ako sa kaniya habang takang-taka sa inaakto nito. He crossed his arms and pouted at Fruga. Napakurap-kurap ako sa nakitang view.

Sheesh! He just unwittingly exposed his body more. Atleast put something on before you come out of the bathroom, Or else--- I might just go blind.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Walang ka-interes na sagot ni Fruga. He took a big bite on his sandwich and drank his milk. "Musharap." Tatango-tango niyang sabi sa sarili.

"You're not listening." Zoe stated. Napaubo ako lalo. Hindi na ako pinapansin nito at masama na ang tingin kay Fruga na hindi man lang makaramdam.

"Wait---" I coughed and didn't finish what I was about to say. I grimaced and once again touched my neck. Ang hapdi parin. Uminom ulit ako ng tubig para mabawasan ang pagubo.

"I am listening Zoe. And ofcourse eating. Hehe." Ngumisi si Fruga kay Zoe, but Zoe just pouted even more habang nakatingin sa hotdog na nahulog sa sahig.

"Don't feed her," Madiin nitong sabi. Kumunot ang noo ko, hindi lang dahil sa ubo parin ako ng ubo--- dahil na rin sa narinig mula kay Zoe.

"Okay? Wala naman akong balak, di ko siya anak." Nagkibit balikat lamang ang pusa bago muling kumagat sa sandwich. talaga namang--- siraulong 'to.

"Bawal ka tumabi sa kaniya." Zoe added. He tapped the table with his fingers infront of me. Sheesh, ano nanamang iniisip niya? Hindi ako makasingit, nauubo parin ako kapag sinusubukan kong magsalita.

"Okay, pero may kondisyon---" The human-cat answered, bigla namang napakunot ang noo ko. Anticipating what he might say to Zoe. Kapag kalokohan iyan ay itatapon ko na siya sa kung saan.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon