Chapter 1-The Letter

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wag po kayong mag-aalala, maalis lamang po ang tinik ay magiging okay na po siya."

"Ikaw ng bahala sa kanya Zia."

Ngumiti ako bilang sagot.

Binigla ko ang pagtanggal ng tinik gamit ang tyani para saglitang sakit lang ang maramdaman ni Ash, tahol siya ng tahol ng mga oras na iyon, at pare-pareho kaming nagulat kung gaano kalaki ang tinik, tulo ng tulo ang dugo sa kanyang paa. Pinunasan ko agad ang dugo saka pinahidan ng halamang gamot at binalutan ng benda.

Matapos ang matagal na pagtahol ni Ash ay unti-unti rin siyang kumalma, "Kamusta ang pakiramdam?"

"Mas okay na kumpara kanina nung nakatusok pa sa paa ko ang tinik. Pero nandoon pa din ang sakit." sagot ni Ash.

"Ganyan talaga, mag-iingat ka na sa susunod ah." sabi ko habang hinihimas ang kanyang ulo, sumiksik naman siya sakin.

Matapos ang ilang minuto ay nakatulog na si Ash.

Bigla na lang akong hinawakan sa balikat ni Aling Rosa, "Maraming salamat Zia, mabuti na lang at nandito ka. Pasensiya ka na kung ito lang ang maibibigay ko." inabot niya sa kamay ko ang limang pirasong pilak na agad ko ring ibinalik sa kanyang palad.

"Hindi po ako tumatanggap ng kahit ano, sa inyo na po iyan at mas kailangan niyo po iyan."

"Pero iha..."

"Ang makatulong po sa mga hayop ay ang kasiyahan ko, ginagawa ko po iyon ng bukal sa puso at hindi nanghihingi ng kapalit dahil iyon rin po ang itinuro sakin ni lolo, kaya sa inyo na po iyan."

"Salamat Zia, napakabuti talaga ng iyong puso."

Hindi ako nakapagsalita, hindi ako sanay na makatanggap ng papuri. Si Manong Carlos ang matandang nakatira sa tapat ng bahay namin, mabait at madalas kaming dalhan ng mga naaani niya, kahit ngayon na wala na ang lolo dito ay hindi niya pa rin ako nakakalimutan.

Ngumiti na lamang ako kay Aling Rosa dahil hindi ko alam kung paanong magrerespond sa kanyang sinabi, binuhat na niya si Ash at dahil doon ay bigla itong nagising.

"Bye Ash, mag-iingat ka na okay?" sa huling pagkakataon ay hinimas ko ang kanyang ulo.

"Awwwww... awww... awwwww..." sagot nito na ikinangiti ko.

"Maraming salamat Zia, pangako mag-iingat na ko." iyan ang sinabi ng munting aso.

Nang makaalis sila ay nag-inat-inat ako, gising na ang buong sistema ko, ibig sabihin start na naman ng bagong araw, oras na para gawin ang pang-araw-araw na gawain ko, isang ordinaryong araw, ang kaibahan lang ay wala na ang lolo para sigaw-sigawan ako sa mga palpak kong nagagawa lalo na sa paggamit ko ng magic wand.

Inilabas ko ang aking book of spells na ibinigay sakin ng lolo, basic spells lang ang nandito, simpleng mga pagpapagalaw ng bagay-bagay o pagcoconvert ng solids to liquids.. etc. Ito ang nagsisilbi kong guide sa training ko ng pagcocontrol ng magic dahil gusto kong matuto, gumaling, lumakas at maging isang Greatest Wizardess. 

Syempre hindi ko iyon makakamit kung hindi ako makakapag-aral sa wizard school. Pero ayaw ng lolo na mag-aral ako sa kahit anong school for wizards, nagalit siya sakin nung araw na nahuli niya kong tumatakas para sa entrance exam ng Laurelia  Royal Wizard Academy o Laurelia - my dream school. Ang school kung saan grumaduate ang idolo ko na si Sid Damien na Greatest Wizard ngayon. Ang school na tanaw na tanaw mula sa bintana ng kwarto ko.

The Greatest WizardessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon