CHAPTER 27: Obsessed

Začít od začátku
                                    



"Frio, pinangarap ko rin yan para sa atin, noon. Pero ngayon, hindi na. Kahit anong pilit ko Frio wala na talaga eh. Kaya hayaan mo na ko Frio." Maglalakad na sana ako paalis ng bigla niyang hatakin ang buhok ko.



"Bat ba ang kulit mo ha! Sabi ko akin ka lang! Putangina Molley baliw na baliw na ko sayo! Handa akong pumatay para lang mapaakin ka! Hindi ka pupunta sa kanya! Sasama ka sa akin! Sa akin lang!" Sabi niya at sapilitan akong hinatak.


"Aray Frio nasasaktan ako!"



"Huwag kang maingay sa una lang masakit to pagkatapos nito masarap na!" Nakangisi niyang sabi.


Padabog niya kong sinakay sa kotse niya, bubuksan ko sana ulit ito pero masyado siyang mabilis at nilock agad ito.


"Uh-oh bawal tumakas Molley, akin kalang." Nakangisi pa rin niyang sabi.



"Frio san moko dadalhin?" Kinakabahan kong sabi.


"Sa langit."



"Shit Frio! Ibaba moko! Pupuntahan ko si Jace!" Sigaw ko.



Hininto niya ang sasakyan at naramdaman kong dumapo ang palad niya sa pisngi ko.



"Wag mong babanggitin ang pangalan na yan habang kasama mo ko! Girlfriend kita kaya akin ka! Akin lahat lahat ng meron sayo! Ang puso mo, ang katawan mo at ang buong pagkatao mo!" Nanlilisik ang matang sabi niya sa akin at muling pinaandar ang sasakyan.



"Frio pakiusap itigil mo na to." Naiiyak kong sabi.



"Alam mo Molley, hindi naman ako ganito dati kasi malakas ang loob kong hindi ka mapupunta sa iba dahil patay na patay ka sa akin, akala mo hindi ko nahahalata? Hah! Pero lahat yon nagbago ng makilala mo yong gagong yun! Sa sobrang selos ko sainyong dalawa nag try nakong gumamit ng drugs para lang makalimutan ka, pero Molley mahal na mahal kita! at mas lalo pa kitang minahal ngayong sinagot mo na ko. Hindi na kita hahayaang mapunta sa iba." Sabi niya.


Mas lalo akong natakot, nagawa ni Frio yun dahil sa pagmamahal niya sa akin?



"F-Frio bakit ka g-gumamit non! Pwede kang makulong! Tignan mo ang naging epekto sayo! Hindi ka dati ganyan Frio!" Lumuluha kong sabi.



"Shhh Molley, my princess don't cry na, andito na si Frio ang superman mo hahaha!"



Hininto niya ang sasakyan, at sapilitan akong pinababa. Nasa tapat kami ngayon ng 5 star hotel.

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Kde žijí příběhy. Začni objevovat