CHAPTER 4: Unexpected Kiss

252 28 11
                                    

CHAPTER 4


"Hey woman, what are you doing here?" Nakangisi kong sabi.



Narinig ko siyang bumuntong hininga.



"Before ka mag-assume manyak na nilalang, gusto ko lang sabihin na pinabibigay ito ni Grandma dahil imbitado ang pamilya niyo sa kaarawan niya." Sabi niya sabay abot ng isang invitation card.



Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa imbitado ang pamilya namin, close ang pamilya ko kay Grandma Melina kaya lagi kaming imbitado sa mahalagang okasyon na nagaganap sa buhay niya. Pero ang ikinagulat ko ay ang pagtawag niya sa akin ng manyak!



"Anong sabi mo?!" Galit kong sabi sa kanya.



"Sabi ko imbita--"



"Hindi yon! Yung una mong sinabi." Naiinip kong sabi.



"Before." Maikli niyang tugon at binigyan ako ng nakakalokong tingin.



"Bobo ka ba?" Naiinis kong sabi sa kanya.



"Aba hoy! Hindi ako bobo hinayupak kang manyak ka! Gumraduate ako sa elementary ng valedictorian at top 1 ako simula grade 7 hanggang grade 9 tapos sasabihan mo'kong bobo?! Ikaw ba nagpapalamon sa akin?!" Bulyaw niya sakin.



Dahil ayokong patulan ang mga taong katulad niya ay kinuha ko nalang ang invitation card sa kamay niya, handa na sana akong saraduhan ang pinto ng sinigawan niya ko.



"Hoy bumalik ka! Magsorry ka sa akin! Bwisit kang man--"



Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad ko siyang binigyan ng halik sa labi.



"Ayan yung paghingi ko ng sorry, marami gustong humalik sa akin kaya maswerte ka ako pa mismo humalik sayo." Sabi ko tyaka sinarado ang pinto.




MOLLEY

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko, walang pumapasok sa isip ko kundi ang halik na iyon.



First kiss ko yon.



Walanghiyang lalake! Ibibigay ko lang dapat yon sa mapapangasawa ko tapos siya pa ang nakauna malilintikan talaga sa akin yon!

HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Where stories live. Discover now