CHAPTER 12: Caught

184 19 0
                                    

CHAPTER 12

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, napagkamalan ako ni Jace na si Samantha, wala naman akong karapatang masaktan eh, kase sa simula pa lang, alam kong deal lang itong lahat, na pagkatapos ng limang buwan lahat ng meron kami ni Jace maglalaho.




"Ms. Natividad!"




Bumalik ako sa tamang pag iisip ng marinig ko ang boses ng professor namin.



"Present sir!" Sabi ko sabay tayo.



Nakita kong nagtawanan ang mga kaklase ko.



"Hindi ako nag checheck ng attendance! Kanina pa kita tinatawag dahil hindi ka nakikinig saken! kung ayaw mo palang makinig nakabukas ang pinto pwedeng pwede kang lumabas!" Bulyaw sa akin ng professor namin.




"Sorry sir." Nakayuko kong sabi.



Nakinig nalang ako sa professor namin hanggang sa marinig ko ang bell, hudyat na recess time na.



Pinasok ko na ang mga notebook ko sa bag ng mapansin kong may babaeng nakatayo sa harap ko. Tinapunan ko siya ng blankong ekspresyon habang naghihintay kung ano ang sasabihin niya.




"Hi! Pwedeng sabay tayong mag-recess? wala kasi akong close dito." Masigla niyang sabi.



Dahil wala naman akong kasabay tumango nalang ako.



"By the way, My name is Sireh, Sy for short." sabi niya sabay abot ng kamay niya.




"Molley." maikli kong tugon.



"So? Halika na punta na tayo ng canteen."



I nodded. "Sige ba!"




-





Nandito na kami sa canteen, nakaupo ako sa table kung saan ako iniwan ni Sy, siya kase ang um-order ng kakainin namin. Busy ako sa pag-tetext kay Frio ng mapansin kong may umupo sa tabi ko.



"Hi Molley, wala kang kasama kumain?" Tanong ni Priyanna.




"Ikaw pala yan Priya, Actually meron, umoorder lang." sabi ko.




"Ow, sasabay sana ako sayo eh kase maaga kaming pinag recess ng professor namin kaso may kasabay kana pala, nakakalungkot naman." Sabi niya sa malungkot na boses.




"Okay lang naman na sumabay ka." nakangiti kong sabi.




"Yay! Ang bait bait mo talaga Molley!" Sabi niya at niyakap ako.




Maya maya ay nakita kong papalapit na si Sy sa direksyon namin ni Priya.
Tumayo naman si Priyanna at Hinarap si Sireh.




"Ano na namang ginagawa mo dito Sireh? Ayokong makipag talo sayo pwede ba." Pagtataray ni Priyanna kay Sireh.



"Excuse me? Hindi ikaw ang pinunta ko dito, kakain kami ng kasama ko, wag kasing masyadong assuming." Pagtataray ni Sireh.




HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon