Letter #8

8.2K 231 23
                                    

Chapter 8

Znela

Nasa school ako buong araw kaya buong araw ko rin siyang iniiwasan. Matapos ang ginawa niyang pang-aasar sa akin mas lalo pa yung lumala. Sinasadya niyang maglakad sa harapan ko sabay kikindatan ako. Ilang beses niya rin akong nililingon at naririnig ko ang pagtawa niya kung nahuhuli niya ako na nakatingin na sa kanya pero seryoso, hindi ko siya gustong tignan, I'm just being cautious! Yun lang yun!

"Zee kelan ka-" natigil si Sam sa pagtatanong sa akin matapos ko siyang hilahin sa corner, na-zoom in kasi ng mga mata ko na paparating si Terrence and there's no way na maglalakad ako sa iisang daan na kasama siya! Nakakabuset ang bawat titig niya sa akin! Parang may gustong sabihin! Parang nang-aasar na hindi ko maintindihan, susundan pa yun ng hagikgik niya na nagpapakulo lalo ng dugo ko!

"Seriously?"

"SHHHH!" takip ko sa bibig ni Sam saka sumilip sa paparating na si Terrence, sumisipol sipol pa siya habang naglalakad, nanlaki ang mga mata ko ng tumigil pa siya malapit sa corner na pinagtataguan namin ni Sam. Biglang umiinit ang ulo ko sa babaeng nagbigay sa kanya ng maliit na cake, sa lahat ng lugar malapit pa sa amin! Ang mga walang hiya!

Agad akong tumalikod saka pilit na kinorner si Sam, gusto kasing makiusyoso sa nagbigay ng regalo kay Terrence eh halos araw-araw namang nangyayari yun!

"Thank you- Ahhh? What are you doing there?"  bumagsak ang balikat ko matapos kong marinig ang tanong ni Terrence.

"Saaammm!" matigas kong sabi saka siya tinignan ng masama, she smiled and giggled bago ako mahinang tinulak para makadaan siya.

"A-Ahh ito kasing si Zee-"

"I was just talking privately to Sam!" sabat ko saka hinila si Sam papalayo doon. Pero narinig ko siyang nagsalita kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Are you avoiding me?" he asked saka naglakad palapit sa amin, binalik niya sa babae yung cake na binigay sa kanya kaya nag-iba ang itsura nito.

"M-ME?" turo ko sa sarili ko saka pumiyok pa, Sam covered her mouth para pigilan ang pagtawa, tinignan ko siya ng masama.

"Yes..." sagot ni Terrence saka ngumiti matapos ibulsa ang dalawang kamay.

"Why? I mean, wala akong rason para iwasan ka!" pagsisinungaling ko kaya tumalikod na si Sam sa aming dalawa at di na napigilan ang pagtawa. Siniko ko siya saka siya humingi ng sorry sa akin.

"Reason? Ahhh..." sagot niya tapos umaktong parang nag-iisip "I think you are avoiding dahil ilang beses na kitang nahuling nakatitig sa akin!" may kalakasan niyang sabi. Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa niya at napatingin ako sa paligid.

"I wasn't looking at you!" medyo kalmado ko pang sagot "Akala mo lang yun pero yung katabi mo ang tinitignan ko!"

"Katabi ko?" ulit niya saka ngumisi "Yung chair? O yung bag?"

"TERRENCEEEEEE!" pang-gagalaiti ko sa kanya, he laughed at me mukhang enjoy na enjoy pa.

"No but seriously pinapahanap ka sa akin ni Miss Chin, punta ka daw ng Math Department..."

"Totoo ba yan?" tanong ko at tumango siya. Nagpaalam ako kay Sam at laking gulat ko na sumunod si Terrence sa akin "Oh? Anong ginagawa mo?"

"Naglalakad!"

"Wag kang pilosopo!"

"Wag mo rin akong titigan parati!" sagot niya saka sumipol sipol! I closed my eyes and fist saka nagdasal ng mataim-tim para sa lalaking naglalakad sa harap ko.

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon