Letters From Mr. Genius #1

5.6K 172 72
                                    

Chapter 1

Terrence

Five years had passed pero wala paring nagbago. Kung saan siya andoon ako but she never knew.

I put on my hoodie saka bahagyang yumuko matapos kong makita ang mga papalapit, nagmadali akong bumalik sa kotse habang nakayuko, nanginginig kong nilabas ang susi ng kotse dahilan para mabitawan ko iyon. I hurriedly pick it up but to my surprise isang maputing kamay ang nag-abot sa akin nun.

I can't move. I can't talk. I was paralyzed for a moment matapos kong makita ang mukha niya. She smiled at me pero bago pa siya magsalita, narinig ko na ang pagsigaw ng pangalan niya mula sa likod. She looked away and smiled sa taong tumawag sa kanya. She smiled, s-she smiled at muli nabuo nanaman ang araw ko.

————-

"Another round?" tanong sa akin ng bartender, I nodded saka tinaas ang shot glass ko. For three consecutive days wala akong ginawa kundi ang mag-inom. I looked at my phone matapos nun mag-vibrate, I tossed it on the corner saka humingi pa nang susunod na round and the next thing I know, nakatulog na ako sa sobrang kalasingan.

"Wake up!" ilang beses niyang tinapik ang pisngi ko bago ko nagawang imulat ang mga mata ko "Terrence, I said wake up!" ngumisi ako matapos makita ang mukha niya, itinaas niya ang isa kong kamay saka ipinatong sa balikat niya "Nandito ka na pala sa Pilipinas hindi mo man lang sinasabi!" she nagged saka ako tinulungang makalabas club.

She handed me a cup of hot coffee na binili niya sa malapit na convenience store, I accepted that saka ininom. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan ng sasakyan saka pumikit, doon ko naramdaman ang malamig na basang towel na pinupunas niya sa mukha ko.

"You don't have to do that." sabi ko pero hindi siya tumigil.

"Alam mo bang galit na galit na si Kuya?" tanong niya sa akin pero di ko siya sinagot "They asked me kung saan ka nagpupunta pero ano ang isasagot ko? Wala ka namang sinasabi sa akin!"

"Do I need to report everything to you?" natigilan siya matapos kong sabihin iyon. Nakita ko ang paglunok niya saka pagtingin sa malayo, unti-unti niyang ibinaba ang towel na hawak kaya naman napapikit ako at napahinga ng malalim "I'm s-sorry, I didn't mean to offend you.."

"Galing ka sa libingan niya di ba?" bigla niyang tanong, huminga siya ng malalim saka tumingin sa harap. She was sitting on the driver's seat, umiwas na lang ako ng tingin saka nagsalita.

"How did you find me?" pag-iiba ko ng usapan.

"Look Terrence I admit na wala akong alam sa nakaraan mo pero sana naman bigyan mo ako ng idea para alam ko kung ano ang gagawin ko!"

"Nash..." I called her, tumingin siya.

"It's been five years Terrence, five years ka na ring nagmumukhang tanga!" I closed my fist but I tried to control my emotion.

"Wala kang alam!"

"EXACTLY! KAYA NGA HUMIHINGI AKO NG PABOR SA IYO EH, BIGYAN MO NAMAN AKO NG IDEA KAHIT KAUNTI!" she shouted at me "Every time na pumupunta ka doon sa puntod ni Sam hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, hindi ko alam kung siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan o kung may iba pang babae Terrence!"

"It's not what you think it is..." sagot ko na lang, doon ko nakita ang pagpatak ng luha niya. Huminga siya ng malalim saka hinampas ang manubela.

"POTANG INA NAMAN OH!" she cursed "Alam kong we're not officially in a relationship pero Terrence naman, ilang taon na tayong ganito, wala naman akong ibang hiniling sa iyo kundi bigyan ako ng idea kung ano ang nakaraan mo ng malaman ko kung ano ang dapat kong gawin o maitutulong sa iyo!"

Yumuko ako saka pumikit sabay ng pagmamasahe sa sariling ulo. Nahihilo ako, nasusuka, siguro dahil sa dami ng ininom ko kanina.

"Nash let's talk about it some other time..." sagot ko sa kanya, doon niya ako hinampas dahil sa inis, hinayaan ko lang siya.

"YAN? YAN ANG SASABIHIN MO SA AKIN AFTER MONG MAWALA NG ILANG BUWAN NA HINDI KO MAN LANG ALAM KUNG SAAN KA NANGGALING?"

Tinapon niya sa akin ang susi ng kotse "All what I did is to care for you, tinanggap ko kung anong meron diyan sa pagkatao mo, tinanggap ko na hanggang ngayon merong ibang babae na nagmamay-ari ng puso mo, patay man siya o buhay!"

Hinila ko ang pinto ng sasakyan saka lumipat sa driver's seat. "I'll call you when I reached home..." sabi ko na lang saka ko mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan at umalis ng lugar.

I carelessly drove back home at doon ko nadatnan si Kuya at si Ate. "WHAT ARE THESE?" tanong niya habang hawak ang box na puno ng sulat. I grabbed it immediately at hindi siya sinagot. He pulled my arm saka ako malakas na sinuntok.

"TOFFER!" sigaw ni Ate saka humarang sa kanya "Can't we talk about it? Will you please calm down?" hindi ako sumagot saka nagpatuloy sa paglalakad. I heard Kuya shouted at me, he's mad and I don't blame him.

"It's been years Terrence, can't you straight up your mind and do your job?"

"Please Toffer not now, kakauwi lang niya at-" alam kong madalas ako ang nagiging rason ng pag-aaway ni Ate at ni Kuya, I don't want to see that, I don't want the be the reason kung bakit nagiging magulo ang pamilya na ito pero kahit anong g-gawin ko, kahit anong pilit ko h-hindi ko magawang ibalik sa dati ang lahat.

There's part of me which is missing at alam ko kung ano iyon, alam ko kung sino iyon.

"THE BOARD OF MEMBERS ARE REQUESTING TO FIRE YOU!" he said, lumunok lang ako pero hindi ko siya nilingon "I AM DOING ALL MY BEST PARA PAKIUSAPAN SILA BUT LOOK WHAT YOU ARE DOING!"

"I'll talk to them..." mahina kong sagot pero nakatalikod parin.

"WHEN?" tanong niya "Kung naibenta na lahat ng shares ng company dahil sa mga maling galaw mo?" I closed my fist saka siya hinarap.

"So this is all about the deal I lost." Sagot ko sa kanya, I saw Ate shook her head at parang nagmamakaawa sa akin na tumigil na sa pagsasalita "So this is all about the mistake I've done two fucking years ago?"

"Yes." He plainly said, I smirked.

"Terrence we lost the Brewery matapos mong makipagtaasan ng ihi sa Marco Antonio na iyon!" duro sa akin ni Kuya. "Akala ko matalino ka pero simpleng desisyon hindi mo magawa ng tama!" sinuntok ko ang pader matapos kong marinig ang sinabi ni Kuya.

"Nash called me." I heard Kuya said "She was crying, Terrence kung patuloy mo lang siyang papaiyakin mabuti pang iwan mo na siya!"

"I never asked her to stay!" sagot ko "I never asked her to care for me neither!" nakita ko ang pag iling niya matapos akong sumagot ng pabalang.

"Go to your room!" utos niya, I smirked.

"I'm not a kid anymore para utusan mo ng ganyan!" sagot ko, doon na humarang si Ate sa kanya dahil lalapit nanaman siya sa akin.

"Then don't act like one! You're pathetic." Rinig kong sabi niya saka ako tinignan at umiling-iling

"Alam mo kung bakit ka ganyan? Hindi ba dahil rin sa iyo? You made that decision in the first place bakit hindi mo sisihin ang sarili mo? Bakit kailangan mong idamay ang mga tao sa paligid mo? Pasalamat ka Terrence, pasalamat ka may mga taong handang tumayo sa tabi mo even after you turned out like that!"

"H-Hindi mo alam kung ano ang rason ko para gawin iyon..." sagot ko sa kanya "W-Wala kayong alam kung gaano kasakit at kahirap ang talikuran at iwan ang taong mahal mo! Wala kayong alam kung gaano kasakit, kahirap tanggapin na hanggang tingin na lang ako sa malayo at kahit kailan hindi ko na siya pwedeng kausapin o hawakan man lang!" I looked away saka pinigilan ang pag-iyak.

"Wala kayong alam because all what you did that time was to ask me to move on and forget about her!" I looked down and closed my fist "W-Wala kayong alam..."

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon