Letters From Mr. Genius #18

2.8K 89 23
                                    

Chapter 18

Znela

I was about to close my eyes ng biglang tumunog ang phone ko. Inabot ko iyon at sinagot without looking at my screen.

"Hello?"

"She won't eat." Merong pag-aalala sa boses niya "What should I do?" agad akong napabangon matapos marinig ang boses ni Terrence. "H-hey!" ulit niya.

"A-Ah bakit? Ano bang binigay mo?" tanong ko saka kumunot ang ulo.

"Yung dog food niya." sagot niya "Pero ayaw niyang kainin eh. Anong gagawin ko?" may pag-aalala tanong niya "Mommy!" sabi pa niya na kinagulat ko "M-Mommy, sabi ni Shorty." Agad naman niyang dugtong. Inabot ko ang iPad ko saka nag search tungkol sa di pagkain ng puppy.

"Dinurog mo ba?" tanong ko "Binabad mo ba muna sa water bago ibigay?"

"Ayy binababad ba talaga?" tanong niya at doon ko narinig ang paggalaw-galaw niya.

"Ano ginagawa mo?" tanong ko

"Nasa kitchen, kumukuha ng water." Simpleng sagot niya at doon ko narinig ang pag-iyak ng puppy.

"Gutom na!"

"Wait lang!" sagot naman niya agad. Ewan ko kung bakit ako napangiti at napasandal sa headboard. Inaantay ko ang susunod niyang sasabihin. Inaantay ko siyang magsalita. Gusto kong marinig ang boses niya.

"Zee, gaano karaming tubig?" tanong niya, kaya tinignan ko ulit sa iPad.

"Hmm, walang specific na sinabi pero tantyahin mo na lang, enough lang para mapalambot yung dog food." Sagot ko, narinig ko ang paglapag niya ng stainless bowl sa sahig at feeling ko rin naupo siya sa tabi ni Shorty. "Okay na?" tanong ko

"Wait lang." maikli niyang sagot "T-Teka gaano katagal?" tanong niya ulit

"Five to Fifteen minutes?" hindi ko sure na sagot "Bantayan mo na lang kung okay na."

"Okay." Sagot niya pero di parin binababa ang tawag

"O-Okay na? Pwede nang i-end an-"

"No, wait lang." agad niyang sabi "Busy ka ba?" tanong niya ulit.

"H-Hindi naman, I'm about to sleep na." sagot ko saka kinagat ang pang-ibabang labi.

"Ang bango mo." Bigla niyang sabi, biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko

"A-Ako? Paano mo naman nalaman eh-"

"Hindi, si Shorty!" sagot niya kaya bigla akong napatigil "Pinaliguan ko kasi kanina." Pagmamalaki pa niya. Nag pout ako saka di na sumagot "Pero sure ako, ang bango-bango mo din. Para tuloy kitang gustong puntahan at amoyin."

Nag-wala ang puso ko matapos ang sinabi niya. Hindi ako nakasagot o nakaimik. Ilang segundong blanko ang pagitan namin. I just cleared my throat matapos tapikin ang magkabilang pisngi. Mabuti na lang wala siya sa harap ko, nako kung hindi, nakita na niya ang pulang-pula kong mukha!

"Zee?" mahina niyang sabi, malalim ang boses niya and the way he said it, parang nasa tabi ko siya at bumulong lang sa akin.

"Hmm?"

"W-Wala..." sagot niya at ramdam ko ang hesitation doon

"Ano nga?" sagot ko naman.

"C-Can I see you now?" tanong niya

"N-Now? As in n-now?" tanong ko at napatingin ako sa oras

"Hindi na ba pwede?" tanong niya ulit

"A-Ah gabi na kasi. Baka pwedeng bukas na lang?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Bigla kong napisil ang sarili kong pisngi matapos kong ma-realize kung ano ang sinagot ko

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon