Letter #4

9K 239 19
                                    

Chapter 4

Znela

"Don't be shy!" sabi ni Terrence saka binuksan ang coke in can na binili ko, oo ako ang bumili! "Alam ko hindi ka pa kuma-" napatigil siya ng tinignan ko siya ng masama "What?" tanong niya saka ngumuso "Alam mo seatmate maraming nagugutom ngayon, kung sasayangin mo ang foods, naku malaking kasalanan yan!" sabi niya sa saka ibuksan ang kanya.

"Bakit andito ka? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya at halos maibuga niya ang softdrinks na iniinom "Stalker ba kita?" biglang namula ang mukha niya saka nagtatawa ng malakas, ngayon ko lang siya narinig tumawa ng ganun!

"Teka! Akala ko ba galit ka sa mga assuming?" natigilan ako dahil sa sagot niya, ngumisi siya saka nilapit ang mukha "Ano?" saka tinaas baba ang kilay, pinitik ko kamo ang noo niya!" AWW! NAKAKADALAWA KA NA AH!" sabi niya saka hinimas ang noo.

"Bakit ba kasi andito ka? Ano? Nagpapacute ka? Kala mo magugustuhan kita kasi sinave mo yung phone ko? Feeling prince charming kana kasi nahuli mo yung magnanakaw?" sunud-sunod kong sabi, ngumiti lang siya saka preskong sumandal sa upoan, walang ibang customer bukod sa amin, siya din namili ng mga kakainin namin tapos siya rin ang may lakas loob na sabihing wag mahiya, ang loko naman talaga oo!

"May presscon si Rio dyan sa may hotel..." seryoso niyang sagot "Tungkol sa pagbibidahan niyang teleserye, I was here to loosen up a bit, masyadong maraming tao sa loob, tapos umupo ako sa bench, tapos ilang minuto dumating ka, Happy?" inirapan ko siya matapos magsalita "Bakit ba ang sungit mo sa akin?" bigla niyang tanong saka ipinatong ang dalawang kamay sa mesa, he bent it saka pinatong din ang mukha, he was looking at me, sanay ba siyang makipagtitigan?

"Seriously? You're asking me that?" and I rolled my eyes on him.

"I am..." sagot niya habang hindi parin inaalis ang tingin sa akin.

"Matanong nga kita, kung ikaw lagyan ng chewing gum sa buhok hindi ka maiinis? Kung ikaw tapunan ng balat ng saging ang daan, hindi ka puputok sa galit? Kung ikaw lagyan ng buto ng manok ang bag dahilan para butasin ng mga insekto, hindi ba liliyab ang ulo mo?" I closed my fist at itinaas niya ang dalawang kamay dahil doon "Ngayon, tanungin mo ulit ako kung bakit naiinis ako sa iyo! Ikaw!" turo ko sa kanya "Ikaw? Wala ka na bang ibang gusto asarin bukod sa akin? Huh?"

"Oooh! Nagawa ko na ba lahat yun?" tanong niya kaya lalo akong umusok sa galit "Hey! Hey, kalma ka lang! I was so young that time. Ano ka ba?"

"YOUNG?" napatayo ako, napatingin siya sa paligid saka pinilit na paupoin ako saka pangiti ngiti sa mga crew na nakatingin sa amin "EH YUNG PAGLALAGAY NG MGA BALAT NG CANDY SA BAG KO? YUNG PAGSUSULAT SA NOTEBOOK KO NG KUNG ANU-ANO? YUNG PAKIKIALAM SA CELLPHONE KO? AT YUNG PAGLALAGAY NG BATO SA BAG KO? ANO? BATA KA PARIN BA HANGGANG NGAYON?"

"Hihihihi...." Sagot niya saka hinawakan ang kamay ko, he tried to calm me down and let me sit again "Ikaw naman, nagbibiro lang ako..." ABA'T!

"NAGBIBI-"

"SHHHH!" pigil niya sa akin "Kalma lang seatmate. Ikaw naman, sorry na..."

"Sorry?"

"Osige, ako na magbabayad lahat yan..." tinignan ko siya ng masama.

"TIngin mo wala akong pambayad?"

"Hindi naman sa ganon, ito naman..." saka siya tumingin sa orasan niya, I saw him typed something on his phone saka tumingin sa akin "Rio's press con is done, kailangan ko pang sunduin ang pamangkin ko..." tumayo siya, siya ang ang bayad sa may cashier saka ako binalikan.

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon