Letter #30

4.7K 165 22
                                    

Chapter 30
Znela

"ZEEEEE!" sigaw ni Sam saka ako mahigpit na niyakap. Natawa ako dahil ang aga-aga umiiyak siya "Zee sorry na ah, sorry na kung pinainit ko ang ulo mo, sobrang sorry, ako ba ang dahilan? Huh?" sunod sunod niyang tanong.

"Huh?" pagtataka kong sagot sa kanya.

"Kaya ka umalis!" sagot niya, humahagulgol siya na parang namatayan kanina, agad namula ang mata at ilong niya dahil doon.

"Umalis?" ulit ko sa sinabi niya.

"Oo, naglayas ka ba? Kaya ka di nakapasok ng ilang araw? Sorry talaga Zee!" sabi niya, ngumiti ako saka hinila ang dalawang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Halika nga dito!" I cupped her face matapos iyon saka pinunasan ang mga luha niya. "I should be the one to say sorry." Nabigla siya, nakita ko iyon sa mukha niya "I'm sorry Sam, the way I acted. It was inappropriate." Tumayo siya ng tuwid at nakakunot ang noong tinignan ako.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Huh?"

"Anong nangyari sa iyo? Saan ka galing?" tanong niya ulit "Anong ginawa mo? Bakit parang may nag-iba? Bakit...B-Bakit ganyan ang aura mo?"

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko saka tumawa.

"YAN!" para siyang nakakita ng multo "Yan! Yan, yan mismo, tumatawa ka na ng ganyan, bakit? Anong ginawa mo? Nag drugs ka ba? Zee ah!" hinampas ko siya sa may braso saka ngumiti.

"Loka loka ka talaga!" sagot ko. Dumiretso ako sa may upuan ko saka nilapag ang bag.

"Saan ka nga galing?" pangungulit niya.

"Sa lugar kung saan hindi mo aakalaing totoo." Sagot ko sa kanya saka umupo. Nag talumbaba ako saka ngumiti sa kanya "The place was surreal. Sobrang ganda doon Sam." Umupo siya sa upuan niya na naweweirdohan sa akin. Natawa na lang ako.

Napatingin ako sa upuan ni Terrence, wala pa siya at mukhang late nanaman.

Flashback

"Oh bakit tahimik ka ata?" tanong ko ng malapit na kaming makarating sa bahay, Terrence insisted na ihatid ako, wala daw siyang pakialam kung makikita siya ni Mommy o Daddy. Di daw siya natatakot kaya pumayag na ako. "Na-miss mo agad ang Kibok-Kibok?" I asked him.

"Hindi naman, makakabalik naman ako doon kung kailan ko gusto eh." Sagot niya ng huminto sa harap ng bahay namin, gabi na kami nakarating.

Gustuhin man namin pero hindi na kami pwede magtagal doon, we still have responsibilities here in Manila, kung magtatagal pa kami lalo doon, pagbalik namin mas malaking problema naman.


"Eh bakit tahimik ka? Nakakapanibago ata." Sagot ko saka inabot ang bag ko sa likod matapos alisin ang seatbelt.

"Wala may iniisip lang." sagot niya sa akin saka pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako ng hinatid niya ako hanggang sa may gate.

"Ano iniisip mo?" tanong ko saka tumayo lang kami doon.

"Ah?"

"Sabi ko ano iniisip mo!"

Kapwa na kami nakababa ng kotse, hinatid niya ako hanggang sa may gate.

"Ahh, wala, iniisip ko lang kung may pag-asa ba talaga ako sa iyo." diretsong sagot niya. Biglang nag-init ang pisngi ko. "Sige pahinga kana, maaga pa pasok natin bukas." He was about to turn his back at me ng tinawag ko siya.

"Terrence!" mabilis siyang tumingin at bumalik, kumunot ang noo ko. "B-Bakit ka ganyan?" natatawa kong tanong. Biglang namula ang mukha niya pero sinagot niya naman ako.

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon