Nagpunta kami nila Ken at Xander sa canteen para sundan si Josh. Gutom na gutom na kasi ang loko kaya iniwan kami.

Kaya lang nang makarating kami doon ay hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa eksenang inabutan ko. May palabok sa ulo si Josh at nakikipagsigawan kay Sab. Pinagtitinginan na sila ng ibang tao.

Lumapit kami sa kanila.

"Bakit may palabok ka sa ulo?" tanong ko kay Josh

"Nilagay ko sa ulo niya." Proud na sagot ni Sab.

"At sino ka para gawin 'yun sa kanya?!" sigaw ko kay Sab.

"At sino ka rin para sigawan ang kaibigan ko?!" sigaw sa akin ni Zoe. Natameme ako bigla. Si Zoe na 'yan. Ibang usapan na. Buti na lang naisalba ako ni Ken.

Ang tatapang talaga ng apat na 'to. Since they came sa Kingdom high, our stay here became more interesting and exciting.

Kaya lang ikinagulat ko ang next move ni Zoe. Hindi ko ineexpect na gagawin niya 'to.

Bigla siyang umakyat sa isang table at sumigaw. "Lahat kayo! Makinig kayo sa akin. Starting from this day, hindi na ako papaya na magpaapi sa inyong mga walang kwentang magpamataas na lalaki! Huwag nito nang balakin ang apihin ako at ang sino mang babae sa ekswelahan na 'to. Pantay pantay lang tayo ng binabayad na tuition fee kaya wala kayong karapatan maghari-harian! Kung gusto niyo na kayong mga lalaki lang ang nasusunod, huwag na kayong mag-aral dito. Magtransfer na lang kayo sa school for boys! Kaya simula ngayon, tatandaan niyo, na ang mga lalaki at babae na nag-aaral sa Kingdom High ay magiging pantay pantay!"

Binara sya ng lalaking malapit sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatalo. Astig talaga ng babaeng 'to.

Naglakad ako papalapit sa table kung nasaan siya at kumuha ng baso na may lamang juice at sumingit sa usapan nila.

"Zoe, sigurado ka bang kaya mo kami? Kaya niyo kami? Siguradong mas malakas kami kung ikukumpara sa inyong mga babae. Hindi ka ba natatakot?" tanong ko sa kanya. Hindi ko siya magawang tingnan sa mata kasi alam ko na kapag tumingin ako ay hindi ko magagawang sabihin ang mga bagay na 'yun sa kanya.

"Hindi ako natatakot sa inyo. Hindi ako takot sa'yo."

"Talaga? Anong gagawin mo kapag may ginawa na naman kaming hindi maganda sa mga girls? Anong gagawin mo kapag ginawa ko 'to?"

Tinapon ko ang juice sa isang babae. Hindi man magandang gawin 'yun pero dapat. Pinangangalagaan ko ang pagiging leader ko.

"May magagawa ka ba, Zoe? May nagawa ka ba? Wala naman 'di ba? Kaya huwag kang puro satsat lang. Pero sabagay, hindi kita masisisi. D'yan naman kayo magaling 'di ba? Ang mag-ingay."

Umalis na ako sa pwesto ko at gustong gusto ko na rin lumabas sa canteen noon.

"Ivan Charles Ethan Scott!"

Napalingon ako sa kanya nang isigaw niya ang buong pangalan ko.

Gusto niyang mag-sorry ako sa babae pero dahil nga sa lintik na clash na 'yan hindi ko 'yun pwedeng gawin. Nagtangka na akong lumabas sa canteen pero may ginawa siyang hindi ko inaasahan.

Hinawakan niya ang braso ko at pakiramdam ko nakuryente ako kaya hindi agad ako nakakilos nang ibuhos niya sa akin ang juice na hawak niya. Napatulala na lang ako sa mga sumunod na nangyari. Grabe. Taob ang mga lalaki namin sa kanya. Ang lakas at galing niyang makipaglaban. She really is something.



***

Nanunuod ako sa sala namin nang may umubo kaya napaharap ako kay... Zoe. Si Zoe lang pala.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!