Chapter 12: Bothering

Start from the beginning
                                    

"AYU!! MEET NAVIN!!" parang nataranta naman siya. Anong meron sa kanilang dalawa?

Napatigil naman ang baliw na babae. So....who is this?

"pero Ate Jessy...."

Jessy's POV

Jusko jusko!!! Bakit ba biglang susulpot si yosiboy out of nowhere at si Ayu pa ang nakaharap niya?!!! I mean .. Gusto ko palaging nakikita si Navin. Dahil gusto ko malaman kung sino ba talaga siya.

"AYU!! MEET NAVIN!!" napipilitan ako ngumiti. Pero nyemas kinakabahan ako ng sobra. Grabe lakas ng kabog ng puso ko. Ayaw ko neto. Sinamaan ako ng tingin ni yosiboy. Wala parin nga nagbago sa kanya. Palagi siyang galit sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Pero ate jessy...." kinurot ko ng patago si Ayu. Bakit ba kasi hindi namin agad napag usapan ang tungkol sa paghahanap kay Matthew at suspect namin na nawala ang memorya niya at iisa sila ni Navin.

Pero suspect lang naman yun. Pero iba eh! Siya talaga si Yosiboy para saken.

Yung mata niya na kung titigan mo kulay gray... Yung pouty lips...

"hey. I asked you..who is she? And do you know each other?" natameme naman kasi ako sa looks ng gwapong nobyo ko. Sensya naman. Hay nako. Namiss ko talaga siya.

"ah... She's my.. She's my friend. Hehe. Si Lordes Pearl. Ayu lang tawag namin sa kanya, Ayu siya pala yung sabi ko sayo na dating bestfriend ko noong... Highschool.tama nung highschool."

Please Ayu sana ma gets mo ako. Bakit ganyan ang itsura mo?! Huwag ka mag mukhang clueless please.

"Highschool? Diba..." agad ko sinunggab ko sa kanya ang french bread. Kinuha ko lang sa tray ni Navin.

"ahm... Wait lang. Mag Cr lang muna kame."

"hey..how about your order--" hindi ko pinatapos si yosiboy este Navin.

**@Comfort Room

"Ate Jessy sa mata ko siya si kuya Matt. Ano nanaman ang nahithit niyo at sinasabi niyo si Navin siya? Sino ba talaga siya? Matthew o Navin?" napatampal ako sa noo ko.

"Ayu, nakakaloka mang sabihin pero hindi ko rin alam. Hinihintay ko si Matthew, pero hindi na siya bumalik simula sumakabilang buhay na si Alvin. So naisip ko baka sinisi niya ang sarili niya nung namatay si Alvin, kaya hinanap ko siya. Pero nagtataka ako.... Kamukhang kamukha niya si Matthew, pero hindi siya si Matthew. Ah.!! Hindi ko alam Ayu." mahabang explanation ko naman sa kanya. Sana naman makuha niya ang ibig kong sabihin, dahil maging ako gulong gulo na rin.

"So... You assumed na--na amnesia siya? Ganun?" tanong niya saken.

"hindi ko pa alam Ayu. Pero pakiramdam ko, parang ganun na nga. Malakas ang loob ko na siya si Matthew."

"Oh my goodness. Parang nasa teledrama tayo! Pero kahit ako naman masasabi ko na siya talaga si kuya Matthew. Im so sorry ate Jessy at nararanasan mo ito. Tara lumabas na tayo." agad niya ako hinila palabas ng banyo. At bumungad samin ang masungit na tingin ni Matthew.

"tsk... I don't know if you ordered this for take out or dine in. So I have to waste my time and wait for you girls to get the hell out of comfort room. So madams, here's your food. Can I excuse myself now?" wow.. Yosiboy talaga ang ugali. Ang sungit parin. Napangiti lang ako. Namiss ko ang kasungitan niya.

"Don't smile like that. " sinamaan niya ako ng tingin. Ano nanaman ang nagawa ko?

"hehe. Sorry na po. I just miss your sungitero looks." biglang bulalas ko. Bakit ko ba sinabi yun. Ewan ko ba kung namumula siya sa inis o sa kilig? Hehe. Pero marahil sa Inis. May girlfriend nga siya, diba? Haaay.

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now