Hah! Ewan! Kahit naman anong maramdaman ko, kung hindi kamo pareho, wala din. Saka isa pa, hindi na nga kami nagu-usap.

Gaya na lang kani-kanina, hinila niya lang ako, pinaupo sa upuan niya pero hindi niya ko pinansin. Hindi ko tuloy magawaang magpasalamat kasi baka di din naman niya pansinin.

Pagkatapos naming magkainan, sabay-sabay kaming bumalik ng room. Nangunguna kaming maglakad ni Mika habang magkakawit ang braso. Pagtingin ko sa likod namin, nakasunod sa min si Ela, sa likod niya sila Vince at Dane, sunod sila Aya at Andrei, nasa dulo si Ethan.

Pagkabalik sa room, inikot ulit namin yung upuan namin, may 20 minutes pa naman bago magsimula ang afternoon class.

"Mga bro, samahan niyo ko sa office. May twenty minutes pa naman." Aya ni Andrei sa kanila.

"Ano gagawin niyo dun?" Tanong ni Aya.

"Bakit? Mami-miss mo agad ako?" Nagtaas baba pa yung dalawang kilay ni Andrei.

"Hindi. Gusto ko pang malaman kung matatagalan ka, makikipag-usap muna kasi kami kala Jon." Nakasimangot na sagot ni Aya.

Sinamaan siya ng tingin ni Andrei.

"Wag kang magselos kung alam mong sa'yo. Tara na." Tinapik ni Dane yung bal8kat ni Andrei kaya sumunod na lang si Andrei pero masama pa din ang tingin kay Aya.

"Pinagseselos mo talaga?" Natatawang tanong ni Mika.

"Di ah? Pano magseselos yun eh di na nga ako malapitan ni Jon dahil sa kasungitan niya? Akala mo naman kanyang-kanya ko. Di ko pa nga sinasagot eh."

"Haha. Wag mo sabihing nagsisisi kang sinabi mong mahal mo din siya?" Singit ni Ela.

"Hindi ah! Ayoko din namang may umagaw sa kanya kahit di pa kami." Natawa na lang kami.

Ang gulo din ng babaeng 'to eh.

*****

  Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ko maintindihan yung sarili ko mula kanina. Kasi naman kanina ko lang din naisip na.... Posible ngang higit pa sa pagka-crush yung nararamdaman ko para sa kanya. Mas naioang tuloy ako.

Baka kasi kaya ko naisip yun, pumayag na din kasi silang wag na namin tuparin yung mga pangako namin, isa pa, si Aya at Andrei may feelings na sa isa't isa, kaya hindi na din ako natatakot kung lumalim man yung nararamdaman ko. Ang iniisip ko lang, kung sakali mang lumalim 'to at wala siyang nararamdaman para sa kin, anong gagawin ko? Ayokong masaktan, nakita ko kung gaano nalungkot si Aya nung mga panahong umiwas siya kay Andrei. Ayoko namang maging ganun.

"Hayyy. Makapagpa-hangin na nga lang sa labas." Sabi ko sa sarili ko at tumayo sa kama.

Since naka-sando at short lang ako, kinuha ko na lang yung jacket ko at nagsuot ng tsinelas. Lumabas ako ng kwarto, pagkababa ko, naabutan ko si Dane sa sala. Nakaupo siya sa carpet sa harap ng center table at may sinusulat. Suot niya na naman yung salamin niya.

Napailing ako kasi kapag ganyan yung ayos niya, di ko maiwasang di siya titigan. Naglakad na ako, nakita ko pa yung saglit na pag-angat niya ng tingin sa kin bago ulit bumalik sa ginagawa nya.

Lumabas ako ng bahay. Madilim na din pero dahil may street lights naman, naaaninag ko yung daan. Ang astig naman kasi, ang laki laki ng bahay nila Dane, wala namang kapitbahay, napakadalang din ng mga sasakyang nagdadaan. Medyo malayo layo na kasi yung susunod na bahay sa kanila.

Naglakad lakad lang ako sa kalsada, hindi naman nakakatakot kasi tahimik naman yung lugar, kampante akong walang manyak o lasinggerong gagala dito. Saka kaya ko namang protektahan yung sarili ko.

My GuardianWhere stories live. Discover now