X

10 2 0
                                    

Yumi's POV

Naupo ako sa hagdan pababa ng stage dahil sa sakit ng paa ko.

"Kayo, sanayin niyo yung mga paa niyo na naka-heels. Walang maghuhubad niyan. Sige na. Magbreak na muna kayo." Sabi ni Valz.

"Ang sakit na ng paa ko eh." Bulong ko.

Tumayo ako at nanlalatang lumapit kay Mika.

"Kapagod." Rinig kong sabi niya paglapit ko.

"Sinabi mo pa." Napatingin siya sa kin, pati sa paa ko.

"Bakit di mo pa tanggalin yan?" Tanong niya. Umiling ako at ngumiti.

"Lahat ng intrams maglakad daw ng naka-heels. Kaya eto, kasa-kasama ko muna 'to." Natawa naman siya.

"Let's go." Nilingon ko si Dane. Ahh. Di yata makaramdam yung isa na 'to na nahihiraoan na ko eh noh?

"Sige Mika. Sundan ko muna yung lalaking yun. Pahirapan na naman sa paglakad 'to." Lumapit sa kin si Mika.

"Mamaya kapag nasa Canteen na kayo, hubarin mo muna yan. Hindi ka naman makikita ni Barn--- Aray naman!" Natawa ako ng konti nang batukan ni Vince si Mika.

"Huwag mo idamay sa pagiging disobedient mo si Yumi." Sabi ni Vince.

"Disobedient mo mukha mo, concern lang ako dito. Mamaya sumakit paa niyan, tingin mo makaka-galaw ng maayos yan bukas?" Nauna ng lumakad si Mika.

"Tara na." Aya ko kay Dane at naglakad na.

Pagdating sa canteen, medyo mahaba yung pila kaya naupo muna ako. Ang sakit sa paa eh.

"What do you want to buy?" Tanong ni Dane.

"Bakit?"

"Ako na bibili." Tumango ako at sinabing donut at chocolate drink na lang.

Umalis na siya kaya tinaas ko muna yung paa ko na may heels at tinanggal yung nasa kanan. Inikot-ikot ko yun tapos hinilot. Sinunod ko naman yung kaliwa.

Habang hinihilot ko yung paa ko, nilagay ni Dane sa lamesa yung binili niya.

"Balik na tayo don?" Tanong ko.

"Finish your food first."

Sinuot ko na ulit yung heels at kumain na. Nang makaubos na kami ay timayo siya at naunang maglakad kaya sumunod na ko.

"OH MGA INTRAMS MUNA MAGPRACTICE!" Pagkarating namin yan agad ang salubong ni Valz.

Pumila na kami sa backstage para makapaghanda. Inisa-isa na kaming paglakarin. Tapos yung formation inayos na habang yung iba nilagyan muna ng libro sa ulo.

Inayos niya kami na pa-triangle. Unang naglabasan kaming mga babae tapos sumunod yung mga lalaki.

Habang nakaayos kami ng ganun, pinapulupot niya yung right arm ng guys sa bewang naming mga girls tapos pinadikit nila kami ng konti sa guys.

Inulit pa namin yun tapos yung sa pagpapakilala. Sabay kaming lalakad ni Dane hanggang sa gitna.

Nung magkatapat na kami, humarap kami pareho sa audience tapos nagpose. Sunod ay humarap ulit ako sa kanya at hinawak yung kaliwang kamay ko sa kanang balikat niya, yung kanang kamay naman niya ay humawak sa kaliwang bewang ko. Tapos yung ulo namin pumaling sa mga nanonood.

Sunod ay nagtalikod kami tapos ay nagpalit ng pwesto. Naglakad na ulit kami pero pa-cross tapos ay nagpunta sa magkabilang gilid ng stage. Una daw magpapakilala ang mga lalaki kaya siya muna yung lumakad, tapos sumunod naman ako.

My GuardianWhere stories live. Discover now