IX

27 3 0
                                    

Mika's POV

Nakakatamad din pa lang makipag-sagutan minsan. Kaya pala yung iba kahit maraming gustong sabihin, pinipili na lang manahimik.

Kagaya ngayon, itong nagtuturo sa min magmodel panay ang dadak. Kaso nakakatamad siyang sagutin kaya nanahimik na lang ako.

Nagsimula na ang practice namin ngayong week. Next next week na kasi ang intrams. Tapos after non sembreak na dahil magu-undas.

"ILANG BESES KO NG SINABI NA HINDI GANYAN ANG TAMANG PAGLAKAD. ANO BA? GAGUHAN BA? MGA P*TA KAYO AH!" Sigaw ni Bakla. Maka-mura naman.

"Ang gulo mo din kasi magturo." Bulong ko na mukhang narinig ni Vince kaya napa-chuckle siya.

"MIKA! VINCE!" Tawag niya sa min kaya ngumiti ako at lumapit.

"Isuot mo yung 7 inch na heels na yan." Utos niya sa kin.

Ginawa ko naman yun. "Bakit po?" Aba! Kung ayaw mapagalitan, matutong makipag-plastikan! Ay este, maging magalang pala. Hahahaha!

"Turuan mo nga itong mga babae na 'to. Ikaw Vince dun sa mga escorts. Naku! Nai-stress ako sa inyo! Babalik muna ko sa lalaban sa mga intrams."

Ngumiti na lang ako tapos tumalikod sa kanya at nagmake-face kaya natawa yungv ibang muses.

"You know what Mika? You're not that bad naman pala. Haha." Sabi ni Lerma. Musenng ibang section.

"Tara na't magpractice. Mamaya bumuga pa ng apoy yang si Barney." Natawa na naman sila.

Barney, baklang dinasour. Hahahaha!

Nagsimula ko ng turuan yung 16 muses. ang dami diba? Apat na section kasi ang meron sa bawat grade level. Kaya nga sa sports wear since kaunti lang ang common sports, pwedeng magka-mukha basta hindi magka-grad level. Buti ng at walang swimwear kung hindi di talaga ko sasali.

Maganda naman ang katawan ko pero ayoko mag-expose, mamaya maglaway pa yung mga lalaki ma-rape pa ko. Mahirap na, Dyosa ko pa naman.

"Okay apat-apat muna." Pumwesto na yung unang apat.

Nagmodel sila ng nagmodel. Buti nga at 7 inch pa lang ang pinapa-practice, dapat kasi 10 inch eh. Actually nahihirapan ako sa ganun kaso dapat yatang pagsanayan.

"Oh Mika, okay na ba kayo dito?" Tanong ni Barney.

"Yes Bar--- este Yes Boss!" Sabi ko at ngumiti.

"Good. BREAK MUNA GUYS!" Napa-unat ako ng kamay at agad na tinanggal ang heels ko.

"Kapagod." Sabi ko habang nagu-unat.

"Sinabi mo pa." Napatingin ako kay Yumi na nagsalita. Suot pa din niya yung heels niya.

"Bakit di mo pa tanggalin yan?" Tanong ko. Umiling siya at ngumiti.

"Lahat ng intrams maglakad ng naka-heels. Kaya eto, kasa-aksama ko muna 'to." Napatawa ako.

"Let's go." Narinig kong sabi ni Dane.

"Sige Mika. Sundan ko muna yung lalaking yun. Pahirapan na naman sa paglakad 'to." Lumapit ako ng konti sa kanya.

"Mamaya kapag nasa Canteen na kayo, hubarin mo muna yan. Hindi ka naman makikita ni Barn--- Aray naman!" Napahawak ako sa ulo ko at lumingon sa likod ko.

"Huwag mo idamay sa pagiging disobedient mo si Yumi." Sabi ni Vince.

"Disobedient mo mukha mo, concern lang ako dito. Mamaya sumakit paa niyan, tingin mo makaka-galaw ng maayos yan bukas?" Umirap ako at nauna ng naglakad. Kapal ng mukha mamalo sa ulo. Sapakin ko siya eh.

My GuardianМесто, где живут истории. Откройте их для себя