XXXI

15 1 2
                                    

Mika's POV

Ang daya naman. Akala ko magtu-tuloy tuloy na! Buti na pang talaga at hindi ako nagsalita sa kanya tungkol sa nararamdaman ko. Kaso sana pala talaga hindi ko na lang nalaman.

Aba! Isang linggo! Isang linggo na naman kaming nagi-iwasan! Lumalayo na naman siya. At ang nakakainis? Nakakaselos kasi lagi silang nagkukulitan ni Arlina. Parang may pinagu-usapan sila na sila lang ang may alam. Baka pwede naman nilang i-share hano?

"Nguso mo." Pinalo ni Ela ng mahina yung bibig ko. Tinignan ko siya ng masama. Kailan pa 'to nakipagpalit ng pwesto kay Ethan? Siya na kasi yung nakatabi sa kin.

"Tss. Sweet nila eh." Natawa naman siya.

"Selos ka na naman. Yaan mo na. Nandyan naman si Jonathan eh." Oo, alam nilang tatlong babae. Kaso imbis na pagaanin yung loob ko, aba nangunguna pa silang tatlo sa pagdo-down sa kin. Kesyo bagay daw yung dalawa, sweet daw, hindi naga-away, magkasundi talaga. Ay bahala sila!

Walang klase ngayon kasi inaayos ng mga teachers yung para sa christmas party bukas. Sa field gaganapin at tent yung tutulugan. Naglinis kasi kami ng room at ginilid lahat ng mga upuan.

Magkakadikit yung upuan naming walo. Pero ano pa bang aasahan ko sa mga lovebirds kong kaibigan?

Si Aya at Andrei eh kala mo siga na nasa gitna ng room, may mga katabi namn silang kaklase namin pero silang dalawa talaga sumasakop. Pano naka-upo si Aya sa lapag habang hawak yung phone ni Andrei. Tapos si Andrei nakahiga sa lap niya. Oh edi sila na!

Si Yumi at Dane naman nasa sulok, magkatabi sila sa upuan na katabi ng mini library. Nagbabasa sila pareho ng libro. Buti pa 'tong dalawa na 'to hindi PDA.

Si Vince tatanungin niyo kung nasan? Ayun sa may gawing pinto kaharutan si Arlina. Sakit nila sa mata.

Nasa gawing bintana kami ni Ela. Kami na lang naman ang hindi lumalablayp. At wala na kong balak kung yung taong gusto ko eh nakiipaglandian sa iba. Isa siyang malandi na tinubuan ng gwapong mukha at katawan! Ay hep! Siyempre hindi ko naman makakalimutan si Ethan kahit na hindi siya nagsasalita. Katabi lang siya ni Ela pero hindi niya naririnig yung pinagu-usapan namin dahil may headset sa tenga niya.

"Guys laro! Trurh or dare!" Sigaw ni Beatrice.

Nagbilugan naman yung iba sa min. Kasama na sila Aya, Andrei, Dane, Yumi, Vince at Arlina. Tinignan ko si Ela na nakaharap kay Ethan. Tinanggal niya yung suot na headset ni Ethan.

"Sali tayo." Sabi niya. Tinignan lang siya ni Ethan ng seryoso. Tumayo si Ela at hinila siya patayo. "Tara naaaa!" Walang nagawa si Etham kundi sumunod.

"Mika tara na!" Aya ni Aya.

Tumayo ako at tatabi sana kay Aya pero bigla niyang hinila si Vince patabi sa kanya tapos umasog pakabila si Ela na katabi si Ethan kaya nagkaron ng space sa gitna nila ni Vince. Umirap ako at umupo dun.

Hindi naman nagsalihan lahat. Mga 20 lang kaming nakabilog.

Nagsimula na nilang iikot yung bote. Unang natapatan si Yumi.

"Ako agad? Osige. Truth!"

"Oy kayo kaibigan, kayo magtanong." Sabi ni Ericka.

"Status niyo ni Dane?" Diretsahang tanong ko. Kami alam na namin. Yung mga kaklase namin hindi pa. Nahahalata lang nung iba pero walang assurance sa kanila.

Nagtinginan yung dalawa. Nagkibit balikat si Dane kaya si Yumi na sumagot.

"Between bestfriends and lovers? Ewan. I'm special for him, I like him tapos ang usapan!"

My Guardianحيث تعيش القصص. اكتشف الآن