XVII

7 2 0
                                    

Mika's POV

Magkakasama kaminh lahat sa isang restaurant. Treat daw ng parents nung mga lalaki. Yes!

"Um-order na kayo. Don't be shy girls." Sabi ni Mrs. Fajardo.

"Di naman marunong mahiya yan, especially this girl." Turo sa kin ni Vince.

"Kapal muks." Bulong ko at umirap.

"Masanay na po kayo. Ganyan talaga silang dalawa." Ngumiti si Yumi.

Natawa naman si Mrs. Quizon.

"I knew it." Kumindat siya at tumawa ulit kaya nakitawa na lang din ako ng peke.

"Mommy stop acting like a teenager." Saway ni Vince.

"Buti ka nga bagets mommy mo." Bulong ni Andrei na narinig naman naming lahat.

"What?" Tanong nj Mrs. Guevarra.

"Love you 'My." Ngumiti si Andrei at nagflying kiss pa.

"Mga reklamo kasi kayo ng reklamo. Be thankful you still have a mother." Singit ni Dane.

Nangiti ako. Oo nga. Swerte nila may mga nanay sila. Yung mismong nagluwal sa kanila. Kami may nanay kami, pero di maaalis sa ming hanapin yung totoong ina namin.

"Why?" Rinig kong tanong ni Mrs. Fajardo.

"Wala po. Ang swerte lang ng mga anak niyo sa inyo." Sagot ni Ela. Tumango kaming tatlong babae.

"Pero kayo malas sa anak niyo." Bulong na Aya na narinig ko.

Oo nga. Kung di kasi nasa apat na 'to yung diamonds di sana sila naga-alala ngayon na may mangyaring masama sa mga anak nila.

Nagkwentuhan yung mga matatanda. Kami namang mga babae tahimik lang.

Tinignan ko yung apat na lalaki. Si Dane parang may binabasa sa cellphone niya. Si Andrei naka-headset at gumagalaw ng konti yung ulo niya na parang umiindayog sa pinapatugtog niya.

Si Ethan naman ang tinignan ko. Nagta-type siya sa cellphone niya. Pero ang nakakapagtaka, sumusulyap siya minsan kay Ela. Napakunot noo ako. Nagtype ulit siya sa phone niya tapos titignan ulit si Ela.

Tinignan ko si Vince. Para namang engot 'to. Naglalaro sa cellphone niya halatang racing game dahil sa sound effect niya pa ng turbo saka kapag nabubunggo. Minsan gagalaw din yung katawan kung san yung way niya kaya nasusunggo si Dane at Andrei.

"Vince!" Saway ni Dane. "Nagbabasa ko."

"Quiet, malapit na ko ma-highscore!" Sabi ni Vince at nagpatuloy.

Si Andrei naman na halatang bwisit na eh tinanggal yung headset niya at parang kinarate yung phone ni Vince kaya bumagsak yun.

Sumandal ulit si Andrei sa upuan saka nilagay yung headset niya. Si Vince naman ay nanlalaki ang mata habang nakabuka ang bibig na nakatitig sa kawawang cellphone niya na nasa lapag.

Napairap ako at sinipa yung cellphone niya sa ilalim palapit sa kanya kaya napapikit siya.

"Bro! Yun na yun eh! Malapit na! F you bro!" Inis na sabi ni Vince pagkapulot ng cellphone niya.

"Words Vince." Saway ni Mrs. Quizon.

"Sorry Mom. Si Andrei kasi eh!"

"Tita ako pa ba? Likot ng anak niyo eh." Reklamo ni Andrei.

"Tumigil na kayo." Saway ni Mrs. Guevarra.

"So girls, what really are your surnames? Hindi kayo Reyes diba?" Tanong ni Mrs. Fajardo kaya napatingin kami sa kanya.

My GuardianWhere stories live. Discover now