XXI

15 2 0
                                    

Aya's POV

Nagsusukbit na ako ng bag nang may kumatok sa pintuan. Hinintay ko na lang bumukas yun dahil isa sa tatlong babae lang yan.

"Una na ko Aya. May sinusumpong na naman." Paalam ni Mika, di na ko hinintay makasagot at umalis na din agad.

Kailan kaya babalik sa dati yung dalawa na yan? Mas gusto ko pa yun kaysa sa pakikisama nila sa isa't isa ngayon. Pero parang mas ayos itanong... Babalik pa kaya sila sa dati?

Lumabas na ako sa kwarto at inabutan sila Ethan at Ela na nasa sala.

"Hindi na nga. Anong silbi ng motor ko kung---"

"I don't care. You'll come with me." Hinawakan ni Ethan yung pulsuhan ni Ela at hinila siya.

"Ethan naman ang kulit mo!"

"Shut up. Mas makulit ka. I told you already, you will come with me." Nagsasagutan lang sila hanggang makalabas ng bahay.

"Atleast nagpapansinan na ulit sila diba?" Sulpot ni Yumi sa tabi ko.

"Pwede na. Sasabay ka ba kay Dane?" Tanong ko.

"Oo. Nami-miss ko na nga gamitim yung motor ko eh."

"Di mo gamitin?"

"Wala akong ganang makipag-sagutan kay Dane. Saka amo ko siya kaha dapat ko lang sundin yung gusto niya." Sagot niya.

"Let's go." Hinila na ni Dane si Yumi palabas ng bahay.

"Tara Aya." Hinawakan nk Andrei yung pulsuhan ko saka din ako hinila.

Ano 'to? Hilahan day?

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko.

"Nawawala kasi yung isang collection ko ng headphone. Hinanap ko pa."

Dalawang araw na din ang nakalipas nung kinantahan niya ko sa kwarto niya. Nung una medyo nailang ako pero naisip ko wala namang malisya yun. Ako naman yung nag-request na kumanta siya.

"Sana mamaya mo na lang ginawa yan." Tinignan niya ko ng masama.

Sumakay na kami sa kotse niya at pinaandar na niya yun.

"You don't know how importang those collections for me. Mawala lang isa sa kanila baka magluksa na ko ng ilang buwan. I love them. They are my girlfriends." Napangisi naman ako at lumingon sa labas ng bintana.

"Di ka nga babaero, headphones naman pinagsasabay-sabay mo." Bulong ko.

"I heard it! Of course, I won't choose anyone of them."

"Ewan ko sa'yo. Pakasalan mo yang mga headphones mo. Nakita mo ba?"

"Hmmmmm." Tango niya. "I found it in Vince's room. Hiniram nga pala niya yun nung nakaraang araw."

Tumango na lang ako at sumandal sa upuan. Hindi na namin ginagamit na mga babae yung mga motor namin kasi una, mula nang mawala sila Nanay, pinaki-usapan kami nila Mrs. Guevarra na kung pwede wag na muna namin gamitin yun kasi baka ma-miss namin ng sobra sila Nanay dahil dun. Pangalawa, si Dane laging sinasabay na si Yumi. Mula pa yan nung intrams eh. Si Vince naman tinatangay lagi si Mika. Si Andrei nakiusap sa kin kaya pumayag na din ako. At yung kanina, first time lang na sumabay si Ela kay Ethan.

"Tingin mo Drei? Bakit kaya nagbago na lang bigla yung pakikitunho ni Vince kay Mika mula ng mawala yung magulang namin?" Tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Nagkibit balikat lang naman siya at hindi na nagsalita.

"Galit pa din ba siya dahil sa paninisi namin?" Tanong ko ulit.

My GuardianWhere stories live. Discover now