Prologue

15.2K 218 76
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, bussinesses, places, events, locales, and incidents are either products of author's imagination or used in a fictitous manner.

Any rescemblance to actual person living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, modify, transmit, display or create derivative works from or exploit the contents of the story in any way unless permitted by the author. Plagiarism is a crime.

This story is unedited, meaning there might be some grammatically incorrect phrases or sentences. 

***

Yssalline De Villa's POV

TAIMTIM akong naglalakad papunta sa classroom ko. Sinusundan ko ang schedule ko sa araw na to. Sabi ng nanay ko, dapat magtino ako kundi hindi na ako makakatapak samin. Iniiwasan ko din naman hindi madawit sa mga nakabangga ko pero hindi ko maiiwasan lalo pa't ako ang target nila.

Maganda ang eskwelahan na pinasok ko ngayon, maganda ang pasilidad. May malinis na corridor, may maaamong estudyante pero ang isang tanging kakaiba ay walang uniporme ito. Malaya kang makakasuot ng kahit ano maliban sa pagsuot ng malalaswang mga pananamit.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, mukang wala naman akong mababangga dito dahil napakabait naman ng mga tao dito, mabuti na rin iyon.

Napatingin ako sa relo ko at may labing limang minuto pa naman bago ang unang klase. Naisipan ko muna bumili ng pagkain kaso may namataan akong pinagkakaguluhan hindi kalayuan sa akin.

I maintained my posture. I wear a fitted Black silk T-shirt, fitted black pants and boots. Nakacurl ang buhok ko, yung malalaking curl, straight ang taas pero may malalaking curl sa ibaba. Maputi ako at medyo chinita, may slim na pangangatawan pero magaling ako sa mga resbakan. Medyo cool at astig ang dating ko.

"Omay... Ang Cold playboy natin!!! " tili ng isang estudyante. Napaawang ang bibig ko ng banggitin ang salitang playboy. Naalala ko ang boyfriend ng kaibigan ko na isang playboy din.

"Argh, ang prince natin, gusto ko rin magpabuntis sa kanya" sigaw ng isa sa mga estudyante roon. What the fuck?! Papabuntis? Mga tao nga naman. Walang inisip kundi kaligayahan.

Inis akong umalis sa publiko at nagibang daan imbis na pupunta ako ng canteen ay didiretso na lang ako sa classroom. Pero iba ang nangyari, natalisod ako at napaupo sa sahig. I hated it... Wala pang nakakabangga sakin ng ganun, kahit sa ibang school. Narealize ko na kang na may tumalisod sakin at inis kong nilungon iyon.

Nakita ko ang isang lalaking naka grey pants, may hawak na babae,nakahawak pa sa beywang nito. Sobra akong naiinis, naaalala ko ang bilin ni mama, kailangan magtino ako para sa ikakatahimik ko.

"Ooops sorry miss" nakangising sabi niya. Makikita mo ang Cold na aura niya kahit na nakangisi pa siya err. Napaawang ang mga bibig ng mga usisera doon.

"Hala, siya ata yung transferee, magiging mainit ang dugo sa kanya ni Cold playboy" bulong ng isa sa mga estudyante. Damn! Rinig ko naman.

Iniripan ko lang at maintained ang pagiging cool ko. Baka nga isang sipa ko lang sa kanya ay matatakot din yan e.

"Mister, kung hanap mo ay gulo, wag mo ako subukan." May diin lahatng sinabi ko, napatigil ang mga bulungan dahil sa nagawa ko "Wala akong paki kung sino ka man, at wag mo rin ako pakialamanan." Napatingin ako sa kisame ng eskwelahan at napataas ng kilay. "Sa tingin ko ay kilalanin mo muna ako kung gusto mo akong ipatumba" simpleng tugon ko. Napatingin ako sa relo ko. Argh! He wasted 5 minutes! Naglakad ako palayo na parang walang nangyari pero bago noon ay nakita ko siyang nawala sa wisyo niya at naging cold na naman ang aura.

Papalayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay napasuntok ako sa kanya pero agaran niyang naiwasan. Inis akong humarap sa kanya at akmang sisipain siya pero nahawakan niya iyon at binigyan ako ng depensa. Aba! May alam pala siya sa martial arts ah? Binigyan ko siya ng aking mga moves kumbaga ngunit nadepensahan niya lahat hanggang sa tumigil ako at hiningal. Halos di makapaniwala ang mga tao na naroroon at pati ako rin.

Nakita ko pa rin ang cold na aura niya, wala kang mababakas na kahit anong emosyon dito. Mukhang alam na niya ang background ko. Inis kong pinagpag ang aking damit para makaiwas sa tingin niya.

"Gusto ko lang sana magpakilala Miss Yssa" gulat akong napatingin sa kanya dahil batid niya ang pangalan ko. Napatingin ako sa kamay niya, nakahalukipkip ito sa pantalon niya. "Ako si Abdiel Motelvan, ang apo ng may-ari ng school na to. Ako rin ang tinutukoy na Cold playboy. Ikaw palang ang nakakagawa ng ganito sa akin kaya papalagpasin ko ito" That explains kung bakit niya ako kilala. Wala akong paki sa kanya.

Buong lakas ko siyang sinipa sa tiyan at di siya nakaiwas. Buti nga sa kanya, ang yabang e! Nagulat ang mga tao at may dumating na mga securities. Argh, I'm in trouble again! Napaubo lang ang gagong Abdiel na yun at napangisi, lakas loob siyang ngumisi sa akin pero this time... Wala ka nang mababakas na Coldness mula sa kanya. Isang anghel na nakangiti ang nakikita ko sa ngayon.

Umalis ako na parang walang nangyari at dumiretso ng aking first class. Masyado kasing pakialamero.

The Playboy's Baby (Published under HiNovel)Where stories live. Discover now