"Ihatid ka na namin." Alok ni Mos. Nag-angat naman ng tingin si Paige sa akin.


"Hindi na kuya, nakakahiya, hintayin ko nalang."


"Get in, mag-isa ka na lang dyan." Pangungulit pa nito.


"Hindi na po –"


"Get in Elise." That's it, medyo mabigat na ang boses niya kaya pumasok na ako.

That voice is familiar though, I've heard it from his sister before, when we used to be . . . bestfriends.


Kahit hindi naman sobrang layo ng apartment namin ay parang humaba ang biyahe dahil walang nagsasalita. Abala pa rin si Paige sa kaka-pindot ng cellphone niya habang si Mos ay nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.


Nang malapit na kami ay doon ko naalala na hindi nga pala ako uuwi sa amin. Isang patunay pa ang itim na BMW na naka-park sa may tabi. Miss Monique is inside.


"Uh k-kuya Mos, pwede ba'ng..."

Wait, hindi niya alam ang bahay nina Myrtle at Jonas. Medyo malayo rin galing dito at kung magco-commute ako ay hindi magkakasya ang pera ko.


"What Elise?" Napalingon si Mos.


"Uh, p-pwede bang sa resort mo nalang po ako ihatid? M-May duty po ako ngayon." Pagsisinungaling ko.


Doon nalang siguro ako magpapalipas ng gabi. It will be my first time and even if I don't want to, I have no choice. Kakapalan ko na ang mukha ko.


"Uh okay, doon din naman ang punta namin." Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Mos. Buti hindi na siya nagtanong. But the way Paige stares at me, halatang may pagdududa.


Nauna na si Paige sa loob. Sumunod naman ako kay kuya Mos. Napansin kong maraming kotse ang naka-park sa labas ng resort kaya ine-expect ko na madaming tao ngayon.


"You want to have dinner with us?" Humarap sa akin si Mos habang nilalaro nito ang susi ng sasakyan niya.


"Hindi na kuya, busog pa naman ako eh, kumain ako kanina." I lied again, nakaka-guilty na 'to. Alam kong concerned lang ang tao.


Tumango nalang si Mos at pumasok na sa rest house nila. Dumiretso naman ako sa isang cabin kung nasaan sina Patrick.


"Oh akala ko ba hindi ka muna papasok?" Pagbungad sa akin ni Yemen na isang lifeguard din. Madalas 'rich kid' ang tawag namin sa kanya dahil sa pangalang katugma ng salitang 'yaman.'


"Makikitulog lang ako ta's makiki-review na rin." Sagot ko sabay lapag ng bag sa baba ng double deck.


"Ba't di ka umuwi sainyo?" Ganito siya magtanong, akala mo laging galit pero hindi naman.


"Maingay do'n, hindi ako makakapag-concentrate sa pag-aaral."


Humagalpak ito sa tawa. "Huwag mo ngang ipagsama ang salitang concentrate at pag-aaral sa iisang sentence! Hindi bagay sayo!"

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon