“Everything's fine?” He asked. All of us nodded.

Hindi nagtagal ay may lumapit na matandang NPC rin. “Maraming salamat sa pagliligtas nyo sa amin. Hayaan nyong maghanda kami ng munting salo-salo sa inyo.” Parang tunay na matandang pagkakasabi nito na wala naman kaming choice kundi um-oo.

And this place being magical, kahit nasa bar lang kami dito sa ibaba ay nakapaghanda sila ng salo-salo. I was about to grab my third glass (root beer lang naman, hindi nakakalasing) nang pigilan ako ni Stanley na namumula na ang pisngi. “No more drinks from you, baby girl.” And based on his voice, tinatamaan na ito. Nakailang baso na ba 'to?

“Coming from you, old man.” Sagot ko sa kanya. Tumawa ito at ginulo ang aking buhok na ikinainis ko. Ang hirap kaya magsuklay! Bakit ba habit na habit nila ang guluhin ang buhok ng ibang tao?

“You really are my favorite girl.” Wika nito bago napadukdok sa lamesa, at bago ko pa mamalayan ay tulog na ito. Oh well.

Muli ay nanumbalik sa akin ang sinabi ni Stanley. His favorite girl? Napailing ako at muli'y sumipsip ng rootbear. Nah, things will change, baka mamaya nga bigla na lang nila akong makalimutan, eh.

Magsasalin pa sana ako sa baso nang may umagaw nito sa akin. “Enough.” and again, I heard the coldest voice in our squad. Ang boses na minsan ko lang marinig.

“Hey, West.” Pagbati ko dito. He didn't answer, instead, his gaze transferred on the defeated Stanley. He tsked, before he looks at me again.

“Your bracelet suits you.” He suddenly spoke. Namula ang aking pisngo dahil sa sinabi nito. Oh… hell. This reaction again.

“Err… thanks? How about you, what did you get?” Itinaas nito ang dagger na may kakaibang emblem na nakaukit. Hindi ko masyasong makita pero sigurado akong rare din iton dahil sa kulay berdeng gem na nakalagay d'on.

“Mid-level dagger.” And unlike his daggers, mas malaki ito. Para na nga itong 'yung pinakamaliit na uri ng espada na hindi ko alam ang tawag, pero hindi dagger. Aish, basta!

“I think it's time to go back.” Napabaling kami sa naglalakad palapit sa amin na si Dustine habangnasa gilid nito ang ibaba. Nakita ko ang pagbusangot ng mukha nito nang makita ang natutulog na si Stanley at alam ko na kaagad ang iniisip nito. “There's an extra baggage, tss.” Which I was right.

Marky and Kayne volunteered to support the drunk Stanley, while Dustine goes to the NPC mayor to bid our goodbyes. Si Red ang nag ayos ng aming masasakyan habang kami naman ni Yvonne ay inaayos ang mga pagkaing pinapabaon sa amin para sa aming paglalakbay (syempre libre rin 'to). While Weston? Well, typically him, nasa sulok lang at naglalaro ng daggers nya.

“Let's go.” Wika ni Dustine. Humarap kami sa mga tao na nasa likuran at kumaway.

Umakyat kami palabas sa tunnel na ito at sakto sa bungad ay sumalubong sa amin si Red na may dalawang dalawang kabayo at isang kalesa (oo, tama, hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong tawag sa pinalumang sasakyan ni Cinderella).

Nang makapasok kami'y pakiramdam ko'y doon ko palang naramdaman ang pagod. Nakita ko ang pagsilip ni Red sa loob, at nang makita ang aming itsura ay natawa ito. “Magpahinga na muna kayo, mukha kayong sabog.” Natatawa nitong sabi. Kung hindi lang ako pagod, babanatan ko 'to. Psh.

And before I know it, I was losing in the pit of darkness.

***

Nagising ako nang maramdaman kong tumigil ang aming sinasakyan. Yeah, hindi naman ako tulog mantika minsan. Nag inat ako at sumilip, doon ko napansing nasa ibang lugar kami.

“Nasan tayo?” May kalakasan kong sabi, sapat na upang marinig nila. Dustine and Red are riding their own horses, while there are two NPC busy maneuvering this carriage.

“At the town of Azytoria. This was the nearest place so we'll stay here.” Town? Meaning, we'll rent again?

Tinignan ko ang town hindi kalayuan sa amin. Huminto ang sinasakyan namin dahil sa checkpoint, meaning, ay tinitignan ang mga dala namin. Ang town hindi kalayuan ay mapapansin ang kalakihan nito. A typical town with a town hall na siyang napalilibutan ng malalaking haligi bilang pamprotekta. Siguro ay doon ang evacuation center ng mga ito sa oras na panganib.

Kitang kita rin ang mga pulang bandera o mga pulang nakasabit sa paligid habang palapit pa lamang kami. I thought that was only a kind of design but when we're finally close, we could see some people blowing fire like what we've watched in every circus.

Ang mga damit at kagamitan ay karamihan ay kulay pula. And if I'm not mistaken, napadaan kami sa mga espadang nakadisplay ay nagbabaga at parang may buhay na apoy na nakapalibot doon. And when I saw the price… tch, nevermind.

“Nasan tayo?” Napatingin ako sa kauna-unahang nagising maliban sa akin. Stanley stretched his arms like he slept after a very tiring day— which was true.

“Azytoria.” Simpleng sagot ko at muling bumalik sa pagkakaupo. He yawned. Pagkayari ay kinakamot ang kanyang ulong nagtanong sa akin.

“Azy… what? Ah, my head hurts.” Binulong lamang nito ang huling mga kataga na hindi nakalagpas sa aking pandinig. I smirked.

“Pakalasing ka ulit.” Pinipigilan ko ang tawa dahil sa totoo lang, first time ko kasi itong makitang malasing. You know, kahit classmate ko sila (pwera kay Red), hindi ko pa sila nakikitang uminom dahil knowing these guys, mga good boys 'to kahit hindi lang halata. Siguro'y sobra-sobra na ito kay Stan kaya't hindi nya napigilang uminom.

Alam ko namang may tinatago rin sila, at iyon ang kanilang tunay na nararamdaman patungkol sa mundong ito.

“Hey…” Nakita kong sumilip si Red sa aming karwahe at isa-isang tinignan ang mga tulog pa, bago bumaling sa amin. “Pakigising sila, nandito na tayo.” Sabi nito at ngumiti bago lumabas. Nagkatinginan kami ni Stanley.

“Teka, saan na nga ulit tayo?” He asked again. Which I answered again.

“Azytoria.” And it was like he became hyper after hearing what I've said, which left me clueless.

Bakit kaya?

To be continued...

Conquerors of the New World ✓Where stories live. Discover now