CNW 16: The Blazing Town

Start from the beginning
                                    

Oh, I thought they're foreigners. Sa pagkakaalam ko kasi ay nagsama-sama ang lahat ng tao sa buong mundo upang magparticipant sa larong ito… or laro nga ba? Basta, lahat ng klaseng tao ay nandito.

At sa totoo lang, first impression ko sa kanila ay mukhang english spokening dollars. Joke lang!

Napatingin ang babae sa akin kaya't mabilis kong iniwas ang aking tingin. Tumama iyon sa isang babaeng pabaling-baling sa kaliwa't kanan na para bang may hinahanap… ako. I sighed heavily before looking at what they called Prince.

“Sorry, I have to go.” Wika ko at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ni Yvonne. Call me rude, pero baka mawala sa paningin ko ang babaemg 'to dahil sa dami ng tao rito. Nang makalapit ako dito'y hinawakan ko ang palapulsuhan nito na ikinaharap nito.

“Who are— Levina! Kanina ka pa namin hinahanap! Bakit bigla kang nawala?” Pumaymewang ito sa aking harapan na para bang nanay na pinagagalitan ako. Naalala ko sa kanya si Inay. Mabilis kong binura ang aking iniisip at inilagay ang daliri sa aking labi. Nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig. “Ops, sorry!” Parang doon nya lang narealize na tinawag nya ako sa totoo kong pangalan.

Umiling ako habang nangingiti. “Nasan sila?” Ngunit imbis na sagutin ay nanatili itong nakatingin sa akin. “Catnip?” Sabi ko na ikinatauhan nito.

“Sorry… I thought your username was missing.” Sabi nito na ikinanuot ng noo ko. “But I can see it now!” Mabilis na sabi nito.

Pinagsawalangbahala ko nalang iyon. “Alam mo ba kung nasan sila?” Tanong ko sa kanya na ikinatango nya.

“Let's go.” Kinuha nito ang kamay ko para hindi ako mawala sa dami ng tao.

“Saan ka nagpunta?” Iyan ang paunang salitang aking narinig nang makarating ako sa lugar kung nasaan sila. Dustine and Red look so superiors with their arms crossed. Sila Marky ay nasa isang tabi na para bang ang sinasabi ng kanilanh mukha ay, ‘lagot ka, kung saan-saan ka kasi nagpupupunta.’

“I'm sorry, may hinahanap kasi akong…” uhm… “Coat na nagustuhan ko, iyong maitatago ang identity?” Palusot ko at napakagatlabi.

“So you bought it.” Sabi ni Red ngunit ang tingin ay sinasabi'y ‘ipaliwanag mo sa'kin mamaya’, aish, kilalang kilala talaga nila 'to.

Magsasalita pa lang ako nang maunahan ako ni Yvonne. “Kaya pala akala ko'y nawawala yung username nya nung nahanap ko sya.” Sabi nito habang may binabasang libro na isinarado nya at tumingin sa amin. “Ang mga nasa friend lists mo lang ang makakakita ng username mo sa itaas, habang ang mga hindi ay walang makikita kung nakasuot sa ulo mo ang hood nito mismo. Wait, inufriend mo ba 'ko? Bakit hindi ko nakita noong una? Tsaka nakababa naman ang hood mo nung nakita kita.” Naguguluhan akong umiling sa harap nya. Unfriend? Walang unfriend-an na nagaganap.

Nakita kong huminga ito ng malalim. “Thank god.”

Pero… “Huh?” Napatanong ako. Hindi pa naman ako bumibili, eh. Pero hood? Unti-unti kong kinapa ang nasa likod ng aking ulo at halos mapanganga nang maramdaman ang hood nito. What the heck?

“Para kang nakakita ng multo.” Stanley joked. “Tara na! Libot na tayo!” Ganado nitong sabi at biglang tumayo bago naunang lumabas sa kainan kung nasan kami.

“Sus! Hahanap ka lang ng chix eh!” Sigaw ni Marky ngunit sinundan naman ito. Napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at nawala sa akin ang topic, aish!

Nagsisunuran na rin kami ngunit ramdam ko pa rin ang pagkabadtrip ni Dustine. Hayst, oh sige na nga! Pakagoodgirl muna tayo ngayon.

Nakapagpapalit na kami ng pera at ngayo'y balak naming libutin ang town na 'to. Sa pagkakaalam ko'y may mga quest rin dito na timatawag na town quest na makikita lamang sa town hall kaya wala sa amin. Ang town quest na iyon ay bawat town talaga ang gumagawa para mapasaya ang mga bumibisita rito, ngunit sa pagkakataong ito'y parang badtrip ang leader namin… at kasalanan ko 'yon.

Imagine, halos napakalayo nito sa akin at sinasadyang 'wag tumingin sa akin. Kapag lumalapit ako ay ito na mismo ang lalayo na para bang may nakakahawa akong sakit. Pero 'di ko sya masisisi, ilang beses ko na ba syang hindi sinunod? May karapatan syang magalit dahil leader namin sya at… nag aalala lang sya na baka mapahamak ako.

Habang inililibot ko ang aking paningin ay tumama iyon sa isang lugar na talagang nagustuhan ko. May mga nakasabit ditong sandata na nagbabaga pa mismo. Doon ay napag isipan kong bumili… ngunit hindi para sa akin.

“Sandali lang guys ha?” Sa gilid ng aking mata ay nakita kong napatingin sa akin si Dustine gamit ang masama nitong tingin ngunit mabilis na iniwas. Alam kong nararamdaman rin nila iyon, ngunit hindi sila nagsasalita. “May bibilhin lang ako.”

“Pakisabi sa mga aalis na 'wag masyadong lalayo para wala tayong hahanapin.” Pagpaparinig ni Dustine bago ito naglakad palayo. Sumimangot ako habang ang iba naman ay nailing sa inasal nito.

“Narinig mo 'yon, bunso.” Sabi ni Red at ginulo ang buhok ko. “Sundin mo si kuya.” Sabi nito habang natatawa. Sa pagkakaal ko'y araw lang ang tanda ni Dustine kay Red. Wala, share ko lang.

Tumango ako, nakasimangot pa rin. “Pwede nyo kong samahan, 'dun lang ako.” Tinuro ko kung saan may mga nakadisplay na espada ngunit ang mga kasama ko ay wala na, at tanging si Red na lang ang natitira dito.

Sinundan nya ng tingin ang aking tinuro. “Magaganda ha, pero pakiramdam ko'y mahal. Matetempt lang akong bumili kaya ikaw nalang.” Ginulo nito ang buhok ko at tinuro ang coffee shop na nasa gilid namin. “Hintayin kita dito. 'Wag kang magtatagal, ha?” Sabi nito. Tumango ako. Itinaas nito ang hood ng aking ulo at ngumiti. Now I know what his action means. Nagpaalam na itong papasok na kaya'y nagpaalam na rin ako dito.

Una kong pinuntahan ang shop na nagagandahan ko, ang may pinakamaraming tao, ngunit nang hindi ako makasingit at sumuko na ako. Bakit ang hirap maging maliit, hano?

Naglalakad ako palayo dito nang mapansin ko ang isang shop na hindi gaanong pinupuntahan. Para lang itong normal na shop kasi, hindi katulad ng iba na may apoy pang disenyo. Ang shop na ito'y tanging may mga nakasabit lang na normal na sandata bilang disenyo.

Pumasok ako sa pinakaloob. Tulad sa labas ay walang gaanong pumapasok, para bang hindi talaga nila ito napapansin. Halos wala ring tao sa loob ngunit pansin kong may mga nakaayos na sandata sa bawat gilid. I cleared my throat. “Hello?” May kalakasan kong boses na sabi.

Katahimikan. Muli ay inulit ko ang aking pagsigaw ng mas malakas, nang makarinig ako na para bang may nahulog hindi kalayuan. Nataranta ako at mabilis na nagtatakbo dito upang makita kung anong nangyari. Binuksan ko ang pinto kung saan ko narinig ang ingay.

Init. Iyan ang sumalubong sa akin. Using my coat, itinakip ko iyon sa aking mukha bilang panangga. Hindi kalayuan ay may nakita akong matanda na nakaupo habang may binubuhat na napakaraming sandata.

“Mawalang galang po pero tulungan ko po kayo.” Napahinto ako sa aking narealize. Hindi ba't kahit anong lengguahe naman ang pwedeng gamitin sa mga NPC?

Mukhang nagulat ito sa aking presensya na dahilan upang mabitawan nito ang hawak nito na siyang nakalikha ng malakas na ingay. “Oh my!” Mabilis akong napalapit dito at inalalayan ito. “Hala, okay lang po ba kayo?”

“Okay lang ako iha, salamat.” Tinulungan ko itong tumayo. “Nagulat lang ako at may pumasok dito. Nang magsimula kasi kami'y walang gaanong bumibili dito dahil hindi namin kayang paningasin ang mga sandatang ito.” Wika nito at tinuro ang mga sandatang nasa lapag.

Sabagay, ang mga tao kasi ay mas gusto ang magandang appearance, kaysa sa quality nito mismo. Huminga ako ng malalim at umupo. Hinawakan ko ang pinakamalapit na sandata sa akin nang magulat ako ng bigla iyong umapoy. Kulay violet. Mabilis akong napalayo dito sa gulat at sa kabog ng aking dibdib. I saw the gem of my bracelet beaming in violet.

What the heck was happened?

--

May kadugtong po hekhek. Mamaya ko nalang ipupublish.

Conquerors of the New World ✓Where stories live. Discover now