🔯 Black 29

7.5K 314 8
                                    

Nagre- request ba kayo? Hahaha okay fine eto na.
NEXT UPDATE... After this.

Enjoy Reading...

  Back to work na naman kami. Yung tipong parang sa trabaho lang kami nagkakilala, may iilan naman na kami na naging close dito at talagang nasa listahan namin sila kaya naman medyo nahihirapan din kami na mag usap.

"Charmaine." napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Josh. "Sabi ni sir Black kung pwede mo daw ayusin ang mga file sa office nya mamaya pag alis nya sobrang gulo na daw."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Josh. Wala syang alam oo, ramdam ko pero feeling ko hindi ito maganda.

"Pwede ba ako magpasama?" I asked.

"Pwede naman siguro. Nakita ko yung aayusin at masyadong marami yun. Parang pinaparusahan ka ata ni sir Black." Napangiwi naman ako.

"Okay sige. Thanks Josh." I said and he just wave his hand and then walk away.

Isa si Josh sa mga nakaclose namin dito at isa din sya sa matagal na dito at hindi lang yun isa din sya sa pinaka magaling na spy. Right, hindi ko alam na ganito pala kadali pumasok sa organization na ito. Masyadong matiwala ang mga tao.

"Hey Luisa, Rose and Jade samahan nyo ko later." sabi ko at tumingin naman sila sa akin.

"Saan?" Jade asked.

"Sa office ni Sir Black may ipapaayos daw sa aking mga files at sa sobrang dami daw I need a company. Okay lang?" Nagtinginan sila and then nag nod naman.

"Sure no problem." nakangiting sabi ni Luisa.

"Basta libre mo kami ng dinner later." natawa naman ako sa sinabi ni Rose.

Casual lang kami mag usap at di din naman kami laging nag uusap dito dahil baka makahalata sila. Sinadya ko ring marinig ng mga ka-office mate namin ang gagawin namin para naman maiwasan ang chismis although ramdam na ramdam ko ang inggit nila.

Yung mga taong to ang mga loyal sa organization at sila din ang mata at tenga ng mga higher up ng organization. Sa hindi malamang dahilan nahahalata ko. Oh wait di pala sa hindi malamang dahilan since nararamdaman ko ang nararamdaman nila.

"Oh sya sige na lilibre ko kayo." I said and I go back to my work.

So far wala pa akong nararamdamang kakaiba sa loob ng office na to, so far. Pero alam ko na nagpipigil lang ang mga tao dito. They wanted us dead, of course dahil sa inggit. Sila na matagal na dito di nakakakuha ng attention galing sa matataas at kami na baguhan eh nakakasalamuha na sila.

Kahit din alam na namin ang mga plano nila hindi pa rin namin maiwasan na hindi mag alala. Once kasi na nakahuli sila ng mga taga academy baka kung anong gawin nila kaya nagbibigay kami ng secret code kay kuya Jared.

*

"Oh my god." agad ba sabi ni Luisa.

"Yah oh em gee." dagdag pa ni Rose.

Hindi naman ako makapagsalita sa nakikita ko. "Mukhang totoo ata sinabi ni Josh."

"Bakit anong sabi nya?" tanong ni Jade.

"Na mukhang parusa ata ito." at pare parehas kami ngumisi.

Magrereklamo na sana kami pero nang hawakan na namin ang mga papel halos lumubog naman ang puso namin sa kaba. Seryoso ba na pinagkakatiwala sa amin to ni Sir Black?

"Cha- Charmaine sure ba ito?" di makapaniwalang sabi ni Luisa.

"Hayaan na basta walang makakalabas tungkol dito. We should keep our mouth shut." they nod.

Ramdam ko na may hidden bugs sa loob at ramdam ko rin naman na may mga hidden camera so wala na kaming nagawa kundi ang gawin ang dapat gawin. Kass is trying her best na kunin ang copy ng mga nasa bawat foldet ng hindi nahahalata.

Ito yung mga taong may potential na maging isang killer, assassin at iba pa. Nakalagay ang mga personal nilang mga information, ang hobbies nila, mga karaniwang ginagawa.

I never thought na ganito pala sila magbantay.

Sa isang folder naman nakalagay ang mga dapat nilang makuha at mapasakanila. Nandoon ang iilang pangalan ng mga taga Mint Academy at syempre ang mga pangalan ng lahat ng Verdant hindi din kami mawawala doon.

Sa ibang folder naman nakalagay ang mga dapat patayin nila. Date and time. Name and schedule. May mga iilan na nasa government kasama na ang parents ni Yana, may iilan na nasa business world at kasama na doon ang mga kamag anak nila Kass at Jasmine. Sa mga normal family naman ang parents ni Jullia ang kasama.

Oh em gee!

Minadali namin ang paglilinis dahil hindi na namin kaya pa ang mga nababasa namin at isa iyon sa mga forbidden folder ng organization, ng company. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Mister Black kaya sakin nya to ipinaayos pero ang masasabi ko lang.

Malalaman ko rin yun.

Hindi kami papayag na madamay ang family namin dahil lang sa ginawa namin, hindi kami papayag na masaktan sila dahil sa amin.  

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon