🔯 Black 25

7.7K 312 7
                                    

3 Down.

2 To go...

ENJOY READING...

"So?" tanong ni Henry habang nakaupo sa harap namin. "May hindi magandang nangyari tama ba?" nag nod kami.

Kaharap naming girls ay boys dahil ayaw namin katabi sila. Charot.

"Alam naman naman natin na nakapasok na kami ni Min sa inner circle, na nakakasalamuha na namin sila pero alam nyo ba na may nangyari sa meeting nila kahapon?" sumeryoso ang mukha nila at saka ako tumingin kay Min.

"Kailangan natin mag ingat ng sobra. Hindi doble kundi triple na pag iingat. Hinahunting nila tayo ngayon at gagawin nila ang lahat makuha lang tayo, tayo ang pinaka main target nila. Hindi nila alam kung nasaan tayo kaya naman hindi tayo pwedeng magpakita sa kanila at isa pa hindi magandang idea na ilipat ang magulang at mga kapatid natin ng lugar dahil sa hinahanap din sila para gamitin sa atin."

"What?! Halang talaga ang kaluluwa nila! Anong akala nila isa silang dyos? Aba ayos sila ah!" galit na sabi ni Kass.

Oo nga pala hindi namin nakwento sa kanila ni Yana ang nangyari sa amin sa loob ng meeting room.

"Hindi na bago yun sa atin Kass. Ano pang nangyari?" tanong ni Yana.

Ramdam ko na naiinis sila Henry at Marvin dahil sa ginawa namin ni Min pero wala naman silang nagawa kundi ang makinig na lang.

"Kapag nakuha nila tayo papakinabangan muna nila tayo bago ibigay sa matataas at hindi maganda ang magiging lagay natin kapag nangyari yun kaya hangga't maaari hindi talaga tayo dapat magpahuli." Sabi ko at nag nod naman sila. "They don't have any idea kung nasaan tayo and we should stay it that way. Hindi nila alam kung nasa Academy ba tayo or nasa dulo ng earth dahil si kuya Jared na ang bahala sa kanila." Dagdag ko pa.

"Tama at hindi din tayo pwede magpahalata na spy tayo or what so ever dahil kikitilan tayo ng buhay in instant gaya ng nangyari doon sa meeting room na yun. Walang second thought na pinatay nila ang spy. Hindi lang tayo ang spy sa organization meron ding iba pa. May tatlo pa maliban sa atin at ang isa nasa inner circle." sabi naman ni Min.

"Ang spy nakapasok sa inner circle?" takang tanong ni Ange and nag nod naman ako.

"Oo may babaeng spy na nakapasok sa inner circle. Hindi ko alam kung paano nya nagawa yun at kung paano nya namentain na hindi mahalata pero isa lang masasabi ko, magaling sya. Pero kahit na ganun hindi pa rin tayo pwede magkipag alyansa sa mga tao sa organisasyon. Panatilihin ang pagiging low profile natin." paliwanag ko pa and they nod.

"Ano nang plano nyo?" tanong ni Henry.

"Don't tell us na tuloy pa rin yang plano nyo?!" Inis na sabi ni Mark.

"Sinabi lang naman namin ang nangyari sa meeting at wala kaming balak baguhin ang mga plano namin." Inis na sabi ni Kass.

"Bakit ba wala kayong tiwala sa amin? Kaya naman namin to ah!" -Yana.

"Hindi naman sa wala kaming tiwala sa inyo." -Victor.

"Yun naman pala eh bakit ayaw nyo?" Naiiyak namang sabi ni Ange.

"Dahil ayaw namin na mapahamak kayo. Ayaw namin na mangyari sa inyo ang nangyari sa amin." natahimik naman sila sa sinabi ni Marvin at tumingin sa amin. "Alam na namin ang kaya nilang gawin kaya iwan nyo na to sa amin."

I sigh. "Mapahamak kami? Hindi naman namin gagawin yun Marvin." seryoso kong sabi at tumingin sa kanya. "Hindi mangyayari sa amin ang nangyari sa inyo dahil gaya nyo alam na rin naman namin ang kaya nilang gawin, gaya nyo alam na rin namin na hindi sila basta basta. Hindi kami gagaya sa inyo dahil umpisa pa lang alam na namin ang mga dapat at hindi dapat naming gawin."

"Inaalala lang naman namin kayo Kesh."

"At ganun din kami sa inyo Marv!" natigilan naman sila sa sinabi ko. "Alam nyo ba na nagmukha kaming tanga na hindi namin alam kung anong nangyayari sa inyo? Alam nyo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan namin nang malaman namin ang lagay nyo? Hindi! Hindi nyo alam."

Wala na sabog na ang bulkan.

"Tama si Kesh." wow Jullia for the first time nagsalita ka rin. "Alam naman nila Kesh na delikaso ang ginagawa nila at alam ko rin naman na ayaw nyo mapahamak sila Kesh pero tiwala lang alam nila yan."

"Jullia."

"Yes kuya?"

"Umuwi ka na."

"No way!"

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon