Hospital Bed

137 5 1
                                    

++

Nasa punto na ako ng aking buhay na kung saan ayaw ko na pumunta sa Hospital.

Why? Let me tell you my story.

Ako si Hannah. Isa na akong college student. Balak ko sana magnurse kaso nang mangyari ito sa akin, hindi ko na tinuloy.

Sa sobrang stress at pagod ko sa pag-aaral, di kinaya ng katawan ko. So I decided na magpahinga.

Hindi ko gusto sa hospital pero nais ng mama ko na dito ako magpahinga kasi walang mag-aalaga sa akin kapag sa bahay lang ako.

Nagpunta na kami at doon nagpahinga. Pero lagi na lang napuputol ang tulog ko kapag sumapit ang alas-tres ng madaling araw.

I don't know why pero lagi ganon yung nangyayari. One time, iniwan ako ni mama mag-isa sa hospital dahil inaayos yung bahay namin.

Hindi ako makatulog kaya na nagfacebook lang ako magdamag hanggang sa hindi ko namalayang umabot na pala ako ng alas-tres.

Pinatay ko na ang phone ko upang makapagpahinga. Pero habang nakapikit ang aking mga mata, ramdam kong parang may humihimas sa aking batok.

Hindi pwedeng may tao na gagawa non dahil nakatihaya akong nakahiga. Hindi ko na lamang iyon pinansin at saka tumagilid ng higa.

May narinig ako na parang nagwawala at nagmamakawang sigaw ng babae. Ramdam mo ang hinagpis nito.

Napaupo ako at hinanap kung saan ito nagmula. Tahimik ang buong paligid.

May nag-udyok sa akin na tumingin sa ilalim ng kama. Nagulat ako sa aking nakita.

Isang babae na nakalutang mula sa sahig at ang mga mata niito'y nakatingin sa akin.

"help me, I'm in hell."

++

++

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Makamundong HiwagaWhere stories live. Discover now