Lababo

996 25 4
                                    

(May halong spg po ito)

++

"Bes, halika na!" Yaya niya sa akin. Agad kaming pumasok sa loob.

Pagpasok ko pa lang ng bahay nila ay medyo bumigat na ang pakiramdam ko.

"Anong nangyari sayo? Parang natigilan ka dyan? Wag kang mag-alala, hindi naman masyadong malala yung aayusin mo." Ani niya sa akin.

Tumango lang ako saka sinundan siya patungo sa kanilang kusina. Parang sobrang tahimik at parang ang lungkot nitong bahay.

"Eto na bes, handa lang ako ng hapunan natin." Ngumiti lang siya at naglakad na palayo.

Umupo lang ako ng bahagya upang makita ang sira ng lababo nila. "Madali lang ito." Wika ko sa aking sarili saka simulan ang aking gagawin.

Ilang minuto habang inaayos ang lababo nila ay nakaramdam ako ng parang nakatingin sa akin. Medyo kinabahan na ako ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang pag-aayos.

Ilang saglit, natapos na rin ako sa aking ginagawa. Pinunasan ko muna ang aking pawis at inayos ang mga gamit na aking ginamit.

Chineck ko pa muna kung wala bang tatagas o ano pang problema. Napabugtong-hininga ako dahil natapos ko na rin.

"Uhm, bes, ok n----." Napatigil ako sa aking sinasabi dahil nagulat ako sa isang magandang babae na bigla na lang napunta sa aking harapan.

"S-sino po kayo?" Bulaslas ko.

"Ate ako ng bestfriend mo. Hindi niya ba nasabi sayo?" Tanong niya sa akin habang hinahaplos ang aking braso.

Medyo nagtataka ako sa kinikilos niya pero pinasawalang-bahala ko na lang.

"May gagawin ka ba pagkatapos?" Tanong nito sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Kung wala naman, samahan mo naman akong magpainit." Wika nito saka ako tinulak.

"Miss, a-ano pong ginagaw-----." Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil sa bigla niya akong hinalikan.

Ramdam ko ang paghagod niya sa aking katawan na siyang nagpapawild sa alaga ko. Wala kong nagawa kundi ang gumanti sa kaniyang halik.

**

"Thanks, I love it." Sabi niya pagkatapos ang nangyari sa amin. Tumakbo siya palayo habang nakangiti.

Napangiti lang ako saka lumabas ng kanilang kusina na parang walang nangyari.

"Oh bes, tagal mo sa kusina ah. Mahirap bang ayusin yung lababo namin?" Tanong niya sa akin habang may dalang pagkain.

"Oo eh, akin ba ito? Penge ah. Medyo napagod kasi ako eh." Sabi ko sabay kuha ng tinapay na hawak niya.

Uupo na sana ko nang mapukaw ang aking tingin sa isang kwartong bukas. "Bakit parang ang daming bulaklak sa kwartong yon? Anong meron?" Tanong ko.

"Ahh,  yun ba? Kwarto ng ate ko yun." Sagot niya sabay kagat sa hawak ng niyang tinapay.

"Mahilig pala siya sa bulaklak."

"Oo eh." Napansin kong medyo humina ang boses niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"May problema ba?"

"Wala. Namiss ko lang si ate."

"Anong ibig mong sabihin? Nakita ko nga siya sa may kusina niyo kanina eh."

Napatingin siya sa akin matapos kong sabihin iyon. "Bes ano ba, wag mo nga kong pinaglololoko." Natatawang sabi niya.

"Seryoso ako, nakausap ko pa nga siya eh."

"Imposible namang makita mo siya, patay na si ate." Pagkasabi niyang non ay tila nagyelo ang buo kong katawan.

Kung patay na siya, sino yung babaeng nakausap ko kanina? Yung kasama ko?

Napatingin ako sa kwarto kung saan pag-aari daw ng ate niya. Nabitawan ko ang hawak kong tinapay dahil sa aking nakita. Ang ate niya.

"Bes, ok ka lang? Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot bagkos ay dahan-dahan akong umurong habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa ate niya na kasalukuyang nakangiti sa akin.

"Kailangan ko ng umalis dito." Wika ko. Tatalikod na sana ako upang tumakbo ngunit sa aking pagtalikod ay halos mawala ako sa katinuan.

"Ahhhh." Sigaw ko saka tumakbo palabas ng bahay. Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit di na ako lumingon.

Habang tumatakbo, hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang mukhang harap-harapan kong nakita.

Ang ate niya na gulo ang buhok, maputlang balat at walang mga mata.

++

++

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Makamundong HiwagaWhere stories live. Discover now