Am I alone?

689 17 2
                                    

++

[nak anong oras ka uuwi?]

"Pauwi na mom."

[ok nak, ingat. I love you.]

"I love you too mom, bye." Pagkasabi kong iyon ay agad ko nang pinatay.

Ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Napansin kong medyo madilim sa loob nito.

"Bye girls, Kita na lang tayo bukas" Paalam ko sa kanila saka lumabas ng sasakyan.

"Ingat ka ah? Baka may mumu kang kasama dyan." Pang-aasar nito.

"Oo nga Marie. Wag kang magccr." Dagdag pa ng isa kong kaibigan.

"Magtigil nga kayo. Puro kayo kalokohan." Inirapan ko lang sila at iniwang nagtatawanan. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nilock ang pinto. 

"Andito na ko." Sigaw ko pero wala akong narinig na sagot. Dahil sa sobrang pagod ko ay pinasawalang bahala ko na lang ito. Umakyat na ako ng hagdan saka dumeretso sa aking kwarto. Nagpalit lang ako ng damit at humiga sa kama.

"Asan na kaya si mom?" Tanong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang aking phone saka tinext ang aking nanay.

"Aish. Bakit ngayon pa?" Binagsak ko ang aking phone sa may lamesa sa aking tabi. Kung kelan kailangan ko ng load saka pa naexpired.

Napatitig na lang ako sa may kisame. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ngunit naramdaman kong may aninong dumaan sa may pinto kaya't agad akong napatingin dito.

"Mom?" Tawag ko dito pero wala pa ring sumasagot. Kinapa ko ang phone sa lamesa pero nagtataka ako kung bakit wala akong mahawakan dito.

Kinabahan na agad ako kaya't napabangon ako bigla. Tinignan ko ang lamesa sa aking gilid at hindi ko nakita ang phone ko dito.

Hinanap ko agad ito sa bawat sulok ng lamesa pero wala. Ang pagkakaalam ko dito ko lang pinatong 'yon eh.

Habang hinahanap ko iyon ay may nasipa akong matigas na bagay papunta sa ilalim ng kama. Lumuhod ako at sinilip kung ano iyon. Pagtingin ko ay phone ko lang pala.

Nakakapagtataka dahil hindi ko naman narinig na nahulog ito. Aish, dala lang siguro ng pagod.

Dali-dali kong kinuha ito at umupo sa kama. Inopen ko ang messenger at chinat si mommy.

"Mom, asan ka?" Hinintay ko ang chat niya pero active 5 mins ago siyang online.

Napatingin na naman ako sa may pinto dahil napansin kong may dumaan muli dito. Tumayo na ako sa pagkakaupo at lumabas ng kwarto.

"Mom, andyan ka na ba?" Dumeretso ako sa kwarto ni mommy at dahan-dahan itong binuksan.

Nawala ang kaba ko nang makita kong may nakahiga sa kama ni mommy. "Mom, tulog ka lang pala." Tumakbo ako papunta sa kaniya at tumabi dito.

"Akala ko mom umalis ka, kinabahan tuloy ako." Sabi ko sabay niyakap mula sa kaniyang likod. "Mom, bakit parang pumayat ka saka humaba ang buhok mo?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ko sinagot dahil mukhang tulog na tulog ito. Binaliwala ko na lamang saka pinikit ko ang aking mga mata. Pero bago ako tuluyang antukin ay biglang tumunog ang aking messenger.

Nagulat ako dahil tumatawag sa akin si mommy. Napaupo ako at lumingon sa aking katabi ko. Nakatalikod pa rin siya sa akin at mukhang mahimbing ang tulog.

Sinagot ko ang videocall ni mommy. Medyo kinabahan ako nang nakita ko talaga siya sa call.

[nak, sorry di ako nakapagpaalam sayo. May emergency kasi dito sa bahay ng lolo mo. Baka bukas na ako makauwi. Tsaka mukhang hindi ka naman nag-iisa dyan at may kasama kang kaklase mo. Behave kayo at ilock niyo ang pinto. I love you nak, lowbat na ako. Bye] 

Pagkapatay ni mommy ng tawag ay naramdaman kong parang bumabangon ang aking katabi. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan dahil kung hindi si mommy itong katabi ko, sino siya?

++



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Makamundong HiwagaWhere stories live. Discover now