Bata

833 22 8
                                    

++

"Asan na ba tayo?" Tanong ko kay Carl na kasalukuyang nagmamaneho ngayon.

"Sana natutulog na ko ngayon." Mangiyak-ngiyak ni Ella.

"Kasalanan ko bang naligaw tayo? Nagmamaneho lang ako dito." Inis na sagot ni Carl sa aming habang binabagtasang lubak-lubak at madilim na kalsada.

"Wag na kayong mag-away, walang madudulot yan." Awat sa amin ni JD habang humahanap ng signal.

Binalot kami ng katahimikan. Tumingin lang ako sa bintana upang hindi na muling uminit ang aking ulo.

Kanina pa kasi kami paikot-ikot. Mukha ngang pabalik-balik na lang kami dahil sa kanina ko pa nakikita ang puno ng balete.

"Gusto ko na umuwi." Nakapikit at umiiyak na saad ni Ella. Nakita kong niyakap siya ni JD sa likod para naman medyo gumaan ang loob niya.

"Hindi mo pa ba nakikita ang papalabas sa kagubatan na ito?" Tanong ko kay Carl na kasalukuyang namamawis na ngayon.

Tinignan ko ang dinadaanan namin. Halos ilaw na lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa madilim na daan.

Nakaramdam na ako ng takot dahil lumalalim na masyado ang gabi. Wala pa kaming nakikitang tao mula pa kanina.

"Tss, ginusto ko bang mal-----tang*na." Napasubsob kaming lahat dahil biglang prumeno ng malakas ni Carl.

Sumalpok ang aming kotse sa may puno dahil sa ginawa nito.

"Ano ka ba naman Carl." Inis kong sabi saka bumaba ng sasakyan nang padabog.

Chineck ko muna kung gaano ang naabot na sira ng sasakyan.

"Shit." Rinig kong sabi ni Carl nang makababa siya sa sasakyan. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili na parang baliw.

"Waahhh." Sigaw ni Ella habang naiyak at nakatakip ang kaniyang bibig.

"Pre, anong ginawa mo?" Natatakot na tanong ni JD.

"H-hindi ko sinasadya pre, i-iniwasan ko lang yung bata kanina." Aligagang sabi ni Carl habang pinaghahampas ang kotse.

Habang nagtatalo sila dahil sa nangyari. Napansin kong may batang nakasilip sa may di kalayuang puno.

"G-guys, nakikita niyo ba yun?" Tanong ko sa kanila ngunit hindi man lang nila ko pinansin.

"Guys." Ulit ko pero wala pa rin at parang hindi ako nakikinig. Nakita kong tumakbo paalis yung bata kaya wala kong nagawa kundi ang sundan ito.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para habulin siya. Siguro gusto ko lang matanong kong ok lang ba siya. Baka kasi nasugat siya kanina.

Ilang saglit, nakita kong tumigil siya sa kaniyang pagtakbo at dahan-dahan tumingin sa akin.

Medyo nagulat ako dahil mukhang napalayo na ako sa kanila at napunta na ako sa sementeryo.

Naglakad ako papunta sa kaniya pero hindi pa nakakalapit ay bigla na lamang siyang nawala.

Agad akong tumakbo patungo sa pwesto kung asan siya kanina. Nagulat ako dahil bigla na lamang ako nahulog sa kung saan.

"Asan ako?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang aking paligid. Medyo masikip siya na halos di na ako makagalaw.

"Sasama ka na sa akin." Nagulat ako sa may bigla akong narinig na nagsalita sa aking tabi. Isang bata.

Tinignan ko ang mukha na kanina ay maamo, ngayo'y nakakatakot na.

"Waaahhhh." Sigaw ko. "Hindi pwede to, buhay pa ko." Naiiyak kong sabi nang malaman kong nasa kabaong na ako.

Dahan-dahan akong tumingin sa batang katabi ko. Isang nakadilat na mata ang sumalubong sa akin.

++

++

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Makamundong HiwagaWhere stories live. Discover now