Manika

463 10 0
                                    

++

Takot ka ba sa manika? Ako kasi, oo.

Natatakot ako sa tingin at ngiti nila. Di ko alam pero simula nung nagkaroon kami ng manika, ayoko na sa kanila.

++

"Bakit? Ang bata pa niya para mamatay! Anak ko, bakit mo kami agad iniwan?" Pilit kong pinapatahan si inay sa walang hupa niyang pag-iyak habang karga ang bunso kong kapatid.

Nung nalaman niya kasing namatay ito dahil sa kakulangan ng hangin sa loob ng katawan ni inay, hindi na huminto ang pagtulo ng kaniyang luha.

Masakit ang katotohanan na ito ngunit kailangan naming tanggapin.

-

Makalipas ang ilang linggo simula nung namatay at nailibing ang aking kapatid ay lagi nang may bitbit si inay na manika.

Lagi niya na rin itong yakap, ni hindi nilalayo sa kaniya. Tinatawag niya rin ito sa pangalan na dapat para sa yumao kong kapatid.

Siguro nga'y masakit para sa kaniya ang nangyari kaya pinababayaan na lang namin siya.

Pero dumating sa punto na tinuturing niya na rin ito na parang isang tao, pinapakain, pinaliliguan at pinapatulog niya ito.

Sinubukan naming kunin ito sa kaniya ngunit nagwala lang ito na parang baliw at sumisigaw ng paulit-ulit ng "Wag ang anak ko." habang nakatingin ng masama sa amin.

Natatakot na kami sa inaasal ni inay kaya't napagdesisyunan namin na sunugin ang manika.

Nagplano kami na gumala muna sila ngunit ang totoo nito'y humahanap lang kami ng tyempo na bitawan niya ang manika upang magawa namin ang plano.

Nung una'y ayaw pa ni inay pero sa huli'y napapayag din namin ito. Naiwan ako sa bahay mag-isa at naatasan na ako ang sumunog dito.

Agad akong tumakbo pataas upang kunin ang manika sa kwarto nila inay. Pagkapasok ko'y isang malamig na simoy ng hangin ang bumungad saakin.

Hinanap ko agad at nakita ko itong nakaupo sa isang tumba-tumba habang nakatapat sa may bintana.

Lakas loob ko itong nilapitan at kinarga pababa sa garahe sa likod ng bahay namin. Habang hawak ay wari ko'y nakatingin ito sa akin na parang may pinapahiwatig ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.

Nang makarating sa garahe ay agad kong itinapon sa isang gilid. Tumakbo ako sa loob ng bahay upang kunin ang posporo.

Pagbalik ko sa garahe ay bigla na lamang namatay lahat ng ilaw. "Ano ba yan! Ngayon pa sila hindi nakapagbayad ng kuryente." Kinapa-kapa ko ang aking paligid baka kasi may mabangga ako at mabasag.

Habang nangangapa, may nahawakan ako na para bang buhok ng tao. Naisip ko na baka ito lang yung manika.

Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak dito nang bigla na lang may humawak sa aking kamay na siyang naging dahilan kaya't napaupo ako sa sahig. At sakto namang nagkaroon ng ilaw.

Nagulat ako at napaatras dahil napunta ako ngayon sa kwarto muli ni inay. Nilibot ko ang aking tingin nang mapungaw ito sa isang tila bata na nakaupo sa tumba-tumba.

Ang kaninang pagkalito ay napalitan ng pagkatakot dahil dahan-dahang lumingon sa akin ang inakala kong bata na siya palang manika.

Ang dating cute at maayos na manika, ngayon ay nakaitim na itong damit, nakakatakot na mukha.

Mas lalo akong natakot nang dahan-dahan niyang tinagilid ang kaniyang ulo saka ngumiti ng malademonyo.

"Hi ate."

++

++

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Makamundong HiwagaWhere stories live. Discover now