Rear Mirror

498 14 0
                                    


++


"Di pa ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila habang nakatayo na sa tabi ng pinto at nakapamewang.

"Matatagalan pa yata kami Jen."

"Oo nga, sobrang dami pa kasi nito. Gusto mo, una ka na?"

"Sure kayo?" tanong kong muli. Nagtanguan sila at binigyan ako ng ngiti. Napabugtong-hininga muna ko bago tuluyang lumabas.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang makarating ako sa sakayan ng jeep. Nagtataka ako dahil walang masyadong nadaan na sasakyan kaya't tinignan ko ang relo ko kung anong oras na.

"Hala, alas-nwebe na pala? Patay ako nito kay papa." Sambit ko sa aking sarili. Naghintay muna ako ng sampung minuto saka nakasakay.

Umupo ako sa may pinakabukana ng jeep. "bayad po." wika ko sabay ayos ng upo.

Ilang minutong nasa byahe, isa-isa nang bumaba ang ilang pasahero hanggang sa dalawa na lang kaming natira ni kuyang driver.

Nilagay ko ang aking bag sa aking hita sapagkat napansin kong kanina pa sumusulya-sulyap ito sa kaniyang rear mirror. Medyo kinakabahan na ako dahil lumalalim na ang gabi at wala ng masyadong tao sa paligid.

Sumilip ako sa labas kung malaman ko kung malapit na ba ako sa amin. Napakunot-noo ako dahil parang ibang daan na ang tinatahak namin.

Nilabas ko ang cellphone ko upang itext ang aking ama pero kung seswertehin ka nga naman, lowbat ito.

"Uhm, k-kuyang driver? B-bakit mo parang sa iba po t-tayo dumaan?" Pagmamalakas loob kong tanong.

Tumingin muna itong muli sa kaniyang rear mirror at binaling muli ang tingin sa daan. "Hubarin mo ang iyong damit." Napahawak ako sa aking damit dahil sa sinagot nito.

"A-ano pong ibig n-niyong sabihin?" Nanginginig kong tanong.

"Sunugin mo ito pagdating niyo sa inyo." Napatingin ako sa kaniya na may halong pagtataka.

Nanigas ang buo kong katawan at nabalutan ng kaba at takot dahil muling sinabi nito.

"Kaya ko iniba ang daan dahil nung napatingin ako sayo kanina ay wala kang ulo."

++

Makamundong HiwagaWhere stories live. Discover now