BLINK

2K 114 111
                                    

written by: annedaleward

prompter: R.A.M

---

"Ate May, he changed his mind. Pupunta daw siya."

Tinitigan niya lang si Marco para siguraduhin kung nagsasabi siya ng totoo. "Aalis na din naman ako maya-maya, walang problema."

"Don't go just yet, Ate May. Patapusin mo na lang yung party ko."

"No, sinabi ko na sayo 'di ba? Ayoko dito pag nandito siya."

Kumamot lang sa batok si Marco tsaka nagsalita, "Hanggang ngayon ba 'di mo pa siya napapatawad?"

"Akala mo naman sobrang dali nun. Palibhasa kayong mga lalake, dahil mga GGSS kayo eh mas madalas kayong manakit. Hindi yung masaktan." madiing sagot ni Maymay.

"Grabe ka naman, Ate May. Nagbago na 'ko." pagkumbinsi ni Marco.

"Sus. Oh eh anong oras ba dadating yang gago mong bestfriend? Nang makaalis na kung nagbabalak siya ngayon mismo." tanong ni Maymay nang nakataas ang kilay.

"Sigurado ka ba talagang aalis ka? May mga dadating pang bisita."

"Oo. Magti-text na lang ako sa kanila na nauna na ako. Makakaintindi naman mga yun."

"Ate May naman.."

Lumapit na lang siya kay Marco at hinigit ito ng yakap. "Happy birthday. Enjoy ka. Ako din malapit na mag-birthday! Be there!" sabi niya habang nakayakap pa din.

"Nakakatampo. Pero sige, of course, I'll be there. Salamat ulit."

"Okay sige, last shot for tonight!! Smile!!" tutok ni Maymay ng camera kay Marco na siyang pose naman nito.

"Thanks, Ate May!! I'll see you!" bumeso siya kay Maymay at kumaway bago siya lumabas.

Meron na din sigurong mga naunang umalis dahil napansin niyang mas kumonti ang mga tao sa loob. Medyo humina na din yung music na tumutugtog dahil baka mapatigil ng 'di oras ang pa-party ng kaibigan kung isang buong anim na oras ang lakas ng tugtog simula nong hapon. Tuwing gabi lang naman parating dumadami ang mga dumadalo sa gantong selebrasyon, madalas kapag patapos na. May naririnig pa siyang dumadating kaya nanatili siyang nakayuko at nagmamadali. Baka sakali kasing makasalubong niya pa yung ex niyang dahilan kaya kailangan niya nang umalis kaagad.

Halos tatlong taon na ang nakalipas simula nang mag-hiwalay sila kaya't hindi na dapat apektado si Maymay. Nanggaling kasi sila sa isang grupo ng magkakaibigan kaya mas naging mahirap ito dahil kinakailangan niya pa ding makisama sa dating nobyo. Kung siya lang nga ang masusunod ay iiwas na lang siya.

Habang papalabas ay narinig niyang may nagsisimulang tumugtog, "I hope everyone has been enjoying so far..."

Hindi pamilyar ang boses na ito kaya mabilis na napa-lingon si Maymay sa kung saan ito nanggagaling.

Tama lang ang katangkaran nito, hindi masyadong nalalayo sa taas niya at kapansin pansin rin ang kutis nito. Kung pagmamasdan ay para bang isang real-life prince charming. Baka may lahi, sa isip isip ni Maymay. He reminds her of her celebrity crush... si Enrique Gil. Meron kasi silang pagkaka-hawig.

"This song is for you. Hope you'll like it." banggit nito sa mikropono tsaka ngumiti. Nagpalakpakan naman ang lahat, kabilang na si Maymay.

"When you feel your love's been taken, when you know there's something missing, in the dark, we're barely hanging on~"

MES: Picture PerfectWhere stories live. Discover now