My Nerdy-Promdi Love

1.6K 115 250
                                    

Written by : R. A. M

Prompt by: maywardism

---

Ilang beses tiningnan ni Maymay ang address na nasa papel na hawak niya. Hindi pa rin siya mapakaniwala na ganito kalaki ang bahay ng tita Cathy niya. Kaibigan matalik at kababata ng kanyang ina, ilan beses na rin niya ito nakita sa bahay nila sa Camiguin noong bata pa siya. Ayon sa kwento ng kanyang ina masuwerte ito dahil matalino at nagkaroon na pagkakataon makapag-aral sa Maynila. Nang makatapos umabot hanggang langit ang suwerte dahil natanggap at makapagtrabaho sa ibang bansa, sa Germany. Halos matagal na rin itong hindi bumibisita sa kanila kaya laking pagtataka niya ng paluwasin siya ng mama niya para makapagtrabaho sa kompanya ng napangasawa ng kaibigan nito. Sa totoo lang hindi niya alam kung makilala pa siya nito dahil bata pa siya ng huling uwi nito sa probinsya nila. Graduate siya ng computer secretarial at sabi ng mama niya na si tita Cathy mismo ang nagsabi lumuwas siya at sa Maynila na magtrabaho. Hindi pa nga siya naniwalaan noong una pero nang maglabas ito ng pera para pamasahe niya saka lang siya naniwalang totoo nga balita. Sobrang saya niya sapagkat pangarap niya talagang makapunta sa Maynila at doon magtrabaho para matulungan niya ang ina sa pagtratrabaho. Kaya baon ang maraming alaala ng mga kapatid at ina lakas loob siyang lumuwas ng Maynila.

Pero ngayon nasa tapat na siya ng malaking Gate ng bahay ng tita Cathy niya saka naman siya nakaramdam ng matinding hiya at panliliit sa sasarili. Muli siyang napayuko at tiningnan ang sariling kasuotan. Kung sa probinsiya ay papasa na ito sa pang-alis at pangmalakasan pero sa Maynila magmumuka lang siya babaeng inutusan mamalengke sa bayan. .

"Kaya mo ito Marydale, tinuruan ka ni mama Lorna ng pagiging mabuting tao na may dangal at mabuting kalooban. Kaya wala kang dapat ikahiya kung ano man ang itsura mo. Isa pang ang dahilan kung bakit ka lumuwas ay para sa pamilya mo. Kaya lakasan mo lang loob mo at i-door bell mo na iyang pindutan na yan! " sabi niya sa sarili.

Huminga muna siya ng malalim saka barabarang pinindot ang pindutan. Ilang beses na niyang pindutin ito pero wala taong lumabas para harapin siya.

" Ay naku ang laki nga ng bahay pero hindi naman marinig kung may tao ba sa labas. Iba talaga kapag mayaman magpapatayo mgalaking bahay pero hindi naman nakakarinigan" sabi niya ulit sa sarili niya.

Napansin ni May na lumabas na naka uniform na babae palapit ito sa kanya habang may tangan-tangan na ito na plastic. Nung lumabas ito ng gate ay tiningnan siya nito mula paa hanggang ulo. Saka siya pinagtaansan ng kilay. Pinagkatitigan siya nito ng matagal at saka tumalikod at nilagay itim na plastic sa isang malaking drum ng basura sa may gilid.

"Mamasukan ka bang katulong?" tanong nito nang tumapat ito sa harapan niya.

"Ahhh e...!" hindi makapagsalita ng maayos na.

"Nasaan ang resume? Tagasaan ka? Saan probinsiya? Pang-ilang trabaho mo na ito?" sunod sunod na tanong nito.

Tuluyan ng napataas ang kilay ni Maymay sa babaeng maliit na nasa harapan niya.

"Ate Alora... Alora!!!!" pagsigaw na sabi ng isang babae papalapit sa kanila.

"Sino siya?" nakangiting tanong ng babae.

"Ma'am Annika mukang Mamasukan rin pong kasambahay, kaya lang mukang galing probinsya hindi maintindihan ang mga tanong ko!" sabat ni Alora.

"Naiintindihan naman kita kaya lang kasi sunod-sunod ang tanong mo kaya hindi ako maka singit!" sabat ni May.

"Ay naku pagpasensyahan mo na ito si ate Alora sadyang masyado lang ito seryoso sa buhay! Ano nga pala ang ang sadya mo?" matatas na tagalog nito.

MES: Picture PerfectWhere stories live. Discover now