Until We Meet Again

1.8K 123 157
                                    

Ate ko Anna, Ate Green—dahil talaga sa inyo kung bakit ako nandito e. HAHAHAHA sabi ko naman sa inyo e, hindi pa ako ready. Huhuhu nakaka-disappoint tuloy tong napasa ko. HUHUHU SORRY NA AGAD T_T pero THANK YOU! And Thank You MEShies sa mainit na pagtanggap. Parang kailan lang nung gusto kong sumali rito kaso di naman kasi ako kasing husay ng mga nandito kaya nagdadalawang isip pa rin ako hanggang ngayon HAHAHAHA pero grabe! Lahat kayo ambabait niyo kahit feeling rayter rayteran lang ako at feeling close sa inyo. Huhuhu LOVEYOU MEShies and THANK YOU ULIT! Wag kayong magsawa sa'kin ah? WUHAHAHA MUAH!

At siyempre kay Maymay,Happiest birthday to you my loves! I wish you all the best that life has to offer. God bless you! —KyLiiemichy

---

Written by: KyLiiemichy

Prompt by: annedaleward

---

Sa gitna ng kasiyahang nagaganap nang sandaling 'yon, may dalawang pares ng mga mata ang nagtagpo. Mga labing sabay na napangiti, at ulo na sabay na bahagyang tumungo.

Inilibot ni Mary ang mga mata nang may marinig na musika, si John naman na matamang nakatingin lang dito ay piniling lapitan ang babae para ayain itong sumayaw.

"Hi," bati ni John sa babae.

"Hi," nakangiting bati rin naman ni Mary.

"You like the song?"

Tumango ang babae. "Hmm.."

Magiliw na ngumiti ang binata. "Do you know what time it is?"

Saglit na napamaang ang babae. Sinong hindi? Isang makisig na lalake lang naman kasi ang kinakausap niya ngayon. "Ah"—tinignan ni Mary ang suot na relo—"Nine na." Bahagyang tumawa si John nang sagutin siya ng babae. "Bakit? Mali ba?" Nagtatakang tanong tuloy ni Mary.

"It's time. . ." Ani John t'saka niya iniabot ang kamay kay Mary. "It's time for you to dance with me," nakangiting pag-aanyaya nito na magiliw na nagpangiti ni Mary kasabay ng bahagyang paghilig ng ulo niya sa kanan.

"Napaka-corny. Hindi mabenta," ani Mary na may kasamang bahagyang pagtawa.

"John. My name is John," natatawa ring sagot ni John.

Kasabay ng pagtayo ni Mary para tanggapin ang alok nito ay ang muling pagsilay ng kanyang ngiti—ngiting pumukaw sa atensyon ni John kanina habang kausap ng babae ang mga kaibigan. "Mary. . ."

Parehong napatingin ang dalawa sa kamay nila nang magdantay 'yon. Hindi man sila sigurado kung dahil lang 'yon sa lamig ng klima at temperatura ng katawan nila—ngunit may hindi maipaliwanag na kung anong reaksyon ang nangyari nang dumampi ang parehong palad nila. Unang nag-angat ng paningin si John at sumunod si Mary. Titigang muling nagpangiti sa kanila kasabay ng pagbabalewala sa pangyayaring 'yon—pangyayaring pareho nilang hindi malilimutan kahit pa balewalain nilang pareho nang sandaling 'yon.

Akala nilang dalawa ay parehas na ang reaksyong kaninang naramdaman, ngunit parehas silang naging alerto sa bawat hawak at haplos na nangyari nang magsimula nilang ipwesto ang mga kamay sa isa't isa—ang isang kamay ni Mary na nasa balikat ngayon ni John, at ang isang kamay ni John na ngayon ay nakahawak sa bewang ni Mary.

Nang simulan nilang sabayan ang saliw ng tugtog ay pareho silang nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Walang nagsasalita pero alam nilang nagkakaintidihan ang bawat pangungusap ng kanilang mga mata.

Ngunit hindi nakuntento si John kaya nagpasiya siyang magsalita. "You're not from here, aren't you?"

Dahan-dahang umiling ang dalaga. "Ikaw?"

MES: Picture PerfectWhere stories live. Discover now