Chapter 11

14 3 0
                                    

~Thalia's POV~

One week na ng nagsimula ang relasyon namin ni Delton Di nga ako makapaniwala.

Pero dream come true talaga ito.

Palagi niya akong sinusundo, hinahatid pauwi. Malapit na pala yung 4th quarter exams namin. Hayy, 1 week before it starts.

Dahil hatid sundo ang peg ni Mr. Engrandé sa akin, nakikilala din siya ng aking tita. Grabe! Sobrang cute niya at kung tinatanong siya ng kung ano ano ni tita, nahihiya din. Nagsisisi na talaga siya, araw araw kasi siyang nag-eeffort sa akin. 

Sa mga nakikita ko?

Tulad ng sa school, palagi siyang umuupo sa tabi ko at sinasabayan kaming kumain nina Kyla, Airon, at...

Wala na naman si Mr. Sungit? 1 week na ata at wala pa rin siya.
Kung makikita ko naman siya, ganito ang mangyayari:

"Uy, Theodore! Tara kain tayo. Tutal, ako naman ang manglilibre, mag cecelebrate ako!"

Masiglang pagbati ko.

"Ah, yun pala. By the way Lia, may kakaiba bang-- you know, nangyayari sa'yo or should I say sa inyo?"

Tinutukoy niya kami ni Dís.

"Huh? Wala naman. Bakit?"

Ba't naging mas abnormal si Sunget ngayon?

"Wala, concerned lang ako sa'yo. At tsaka maybe next time. May gagawin lang ako."

Ang weird niya ngayon.

"Dapat may next time ha?"
Paninigurado ko.

"Sure."

--------------------

Ganun ang mangyayari.

"Thalia, kain na."

Pero minsan di naman sweet si Delton, parang robot. His actions feels like computerized to me. Na parang naplano na?

"Eh ikaw sweetie?"

Tiningnan niya ako ng boring na expression.

Alam ko na ang sasabihin niya.

"Diba sinabi ko na? Na ayaw ko ng endearment?"

"Diba sinabi ko rin na gusto ko ng endearment?"

"Ba't ba gusto mo talagang mag-endearment?"

"Ba't ba ayaw mo talagang mag-endearment?"

Tiningnan niya ako ng masamang tingin.

Tiningnan ko rin siya pabalik ng may evil na mukha.

Imagine niyo na may lightning sa gitna.

(=^ =)>--------------<(0^0)

Parang ganun.

"Opposites do really attract." Sulpot ng Amazona.

"AY ANAK NG--"

Mabibigla na sana ako ng biglaang tinabunan ni Delton ng tinapay yung baba ko. Mas nagulat pa ako sa ginawa ni Dís kaysa sa pagsulpot ni Kyla.

"Yeah..."

Malumanay na sagot ni Delton.

"Bah mo hinakpan hung vava ko Welfthon?" nahihirapan kong sabi sa kanya.

"Chew your food first baka masamid ka."concerned na sabi ni Delton.

"He's right bes." pagsalita ni Kyla at nginitian si Delton ko.

La douleur exquiseWhere stories live. Discover now