Chapter 5

22 1 0
                                    

~Thalia's POV~

"ARAY ARAY ARAY ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!"

Urgh ang sakit ng mga pasa ko. HUHUHUHUHUHU...

"Tita naman eh, wag mong idiin masyado. Ang sakit ehh..." reklamo ko kay Tita Ria.

"Bakit di mo to sinabi sa akin ha? Mamaya, mumultuhin ako ng mommy mo...baka di na ako makatulog!" pangatwiran ni Tita Ria.

"Tita, ako na nga. Diba sabi ko sayo nabunggo ako ng pader kakaisip sa assignment ko kanina. At dahil sa pagkabunggo ko, sa sobrang sakit at ipinikit ko ang mga mata ko at di ko nakita ang 'Don't walk it's wet here' Sign kaya, kumaripas ako ng takbo tapos nadapa and then nauna yung mukha ko." pagpapaliwanag ko sa kanya at inagaw ko na yung alcohol at cotton sa kanya.

"Hayy, ikaw bata ka. Next time magsabi ka ng totoo, diba Kyla? Magasisinungaling na nga lang peke pa. Ay NAKU NAKU NAKU NAKU!"

HAH?? ALAM NIYA ANG TOTOO?? SINUMBONG NA BA AKO NI KYLA??

NO CHOICE NA TOH BAKA PAGALITAN AKO PAG NAGSINUNGALING PA.

Binigyan ko nalang si Kyla ng 'AKALA-KO-FRIENDS-TAYO' look, habang di siya nakatingin sa amin.

Nag reply naman siya ng 'BEST-FRIENDS-TAYO-HINDI-FRIENDS-ATSAKA-DI-KO-SINABI-NO' look.

Sabay kaming humarap ulit nang nagsalita si tita.

"Kayong mga bata ha?? Ikaw, Thalia" sabay turo sa akin.

"Next time, wag mo nang gawing palusot yung assignment mo."

"Opo ti-"

"Alam ko namang iniisip mo si Delton na yun ehh, SUS! Pero studies first muna ha? Ganun din kasi ako! Noong high school kami ni mommy mo."

*hinga ng maluwag*

Akala ko nalaman niya, ayoko siyang nag-alala sa akin eh. Ayokong maging pabigat, lalo na sa taong kumupkop sa akin, dahil walang may gustong kumuha sa akin.

Tiningnan ko ang pintuan nang bigla nalang itong bumukas at iniluwa si Tito Eric.

"AH! TITO! Eto na yung laptop na pinahiram niyo sa akin. Salamat talaga." pagpapasalamat ko at kinuha ko yung laptop na nasa sala.

"Uy Lia, ang maganda kong PAMANGKS--"

"Bakit napangasawa na kita? Di pa kita sinasagot ah." Cold na sabi ni tita. ALAM KONG PAKIPOT YAN EHHH.

"Sweetiebabes naman, alam kong sasagutin mo na ako~ Uy uyyyy" panunukso ni Tito kay Tita ko.

"Tita naman ehh, iwan ko na kayo ha?" sabay bigay kay tito yung laptop.

"Sa'yo na yan Lia." Sabay ngiti ni tito sa akin.

"ABA! TITO DUMADAMOVES ATA EH." sagot ko at bigla kaming tumawa ni Kyla.

"Pero tito--" magsasalita pa ako sana pero si TITO na NAMAN.

"Ok lang, marami naman ako sa bahay. Masisira lang lahat lahat dahil hindi ko naman ginagamit. So, sayang. Atsaka, diba kailangan mo talaga yan?" paliwanag ni tito Eric.

"Thank you talaga tito, tita naman kasi ehhh, SAGUTIN MO NA. HAHAHAHAHAH!" at kumaripas kami ng takbo ni Kyla sa itaas.

---SA KWARTO NI THALIA---

"So di mo sinabi! MABUTI!!" pumalakpak ako at ni-hug si Kyla.

"Lia, pag sa susunod may nang away sa'yo tawagin mo ako. ALALANG ALALA AKO SA'YO HAAA! Kung di mo ako tatawagin, sige ka isusumbong kita kay tita Ria." warning ni Kyla sa akin.

"Naku bes, kung tatawagin kita baka maistorbo ka lang kasi nga tinetrain ka ng Daddy mo. Ayokong maging sagabal." paliwanag ko.

"Best naman ehh, Kahit kailan di ka magiging sagabal sa buhay ko. Parang pamilya ka na namin. Love ka din naman ng daddy ko at ni mommy, kaya huwag na huwag mong kakalimutan na may nagmamahal sa'yo..." Halos maiyak na paliwanag ni Kyla.

"Kaya nga mahal kita bes eh." ngumiti ako sa kanya.

"Next time, tawagin mo na ako ha?"

"Opo madame."

"Oh sige, uuwi na ako. Bukas ulit ha?"

"Sure!"

At umalis na si Kyla.

~Kyla's POV~

Childhood friend ko si Delton, pero masaya naman kami noon. May nangyari nga lang. Pero never ko talagang minahal si Delton... simula noong nag bago siya.

Di ko na kailangan i-explain pa.

Huminto ang sasakyan at bumaba na ako.

"Thank you Manong Paulo, salamat sa pag drive. Uwi na po kayo ha? Ikamusta niyo nalang ako kay Baby Cecille niyo ho. Babay!"

"Salamat maam."

"Naku wag na ho kayong mag ma'am, Kyla nalang po."

At umalis na si Manong Driver.

Naligo na ako, at natulog. Pero bago ako natulog, may inisip ako...

Airon? Ako ba ang nasa puwang ng puso mo?

---------------------------------------

Please vote and comment! Thank you for reading.

Nga pala-- Motivation ko si kookiedino si Traiza_cutie at si MRLLGLR

THANK YOU TALAGA!!!

-PiYt

Aye Aye Goobye!!!



La douleur exquiseWhere stories live. Discover now