Chapter 6

21 3 0
                                    

~Thalia's POV~

*yawn*

"Ate, magkano lahat lahat?"

"Two hundred and Fifty four pesos and 75 cents mam."

"Eto po." at ibinigay ko sa kanya ang 300 pesos na baon ko last week.

Bumili ako ng ingredients para sa cake. Icecelebrate ko ang araw na nagkita kami ni Delton. Parang monthsary!

Umuwi na ako ng bahay, at i checheck ko sa kalendaryo. JUNE 14 ang una naming pagkikita!

TIMING!

September 14, rin Birthday ko!!!

Halos 3 months na ang pangliligaw ko kay Dís.

PERO DI PA AKO PAGOD NO!

Di kasi ako nakapag celebrate, noong 2nd Pagkikita-monthsary namin ni Delton.

Teka teka?

September 13 ngayon ah! Mamayang gabi ko nalang gagawin ang cake!

60 pesos a day lang kasi ang baon ko, at ang lunch ko may dala ako. Kaso last week, nagkaroon ng trangkaso si tita ko, kaya di ako nakapagbaon. Siyempre, alam ko din kung paano magluto, kaya palagi akong gumigising ng maaga. So dahil early akong magising, magluluto pa ako ng almusal, dahil nga may influenza(flu) si Tita.

Iniwanan ko din siya ng kanyang almusal at nilagay sa pinggan tapos dinala ko ang kanyang ulam sa kwarto niya. Sinubuan ko din si tita, at kumain naman siya. Medyo mababa na ang kanyang lagnat, kaya pinainom ko na siya ng medicine niya. Tinawagan ko si tito Eric na bantayan si Tita Ria. May number kasi ako niya dahil bet na bet ko siya para kay Tita ko. Alam ko naman na di gagalawin ni tito si Tita, may tiwala ako sa kanya. Tapos pumunta na ako sa school.

Ewan ko kung paano niya nakuha pero, noong isang araw umuwi sila ni tito Eric na basang basa sa ulan. Hayyy, lovebirds.

Di ako nakatulog ng maayos kagabi, late pa ako nagising. AY! DI NA NAMAN AKO NAKAKAIN NG ALMUSAL!! Naiwan ko rin ang lunch ko. HAYYYYY...

5 araw na akong di kumakain at tuwing dinner nalang ako kumakain..

Mukhang ang malas ko ngayon ahh.

---SA SCHOOL---

"Class dismissed."

*Kring kring kriiiing*

Buti at natapos na, ang pagklase ni mam. Sinubukan ko ang aking makakaya na huwag matulog at makipag-usap sa katabi ko. Sobrang boring ngayong araw. Di ko na din nakita si Kyla this week. At nang tinry kong kausapin si Airon kung nasaan si Kyla, di niya ako pinapansin. Kaya, parang nag aavoid na siya ngayon sa akin. Pero kinakausap niya naman ako ng normal. Di ko na nabring up si Kyla sa usapan.

Naku ang dalawang ugok! Ano naman ang nangyari? LONELY KO KAYA.

ANG MALAS KO!

Kaya wala akong kasabay umuwi ngayon. Binisita ko si Kyla, may sakit din siya. Kaya noong pumunta ako sa kwarto niya. Nilagyan ko siya ng Basang tuwalya sa noo niya at inalagaan ko muna siya. Hayyy...

Sabi niya daw, di na siya mag totorpe kaya sinabi niya na kay Airon ang feelings niya.

Naaawa na ako kay Kyla. Kaya ng nakatulog na siya habang umiiyak, iniwan ko na siya at sinabi kay Tito Drev at Tita Kath, na salamat sa permission na pagbisita sa anak nila.

La douleur exquiseWhere stories live. Discover now