"Sir, hindi po namin alam kung paano siya nakatakas. Masyado nang aggressive si Harvey. I heard him, palagi niyang sinasambit ang pangalan ni Mam Bianca."paliwanag ng nagsusupervise ng pasilidad.

"Bakit hinayaan n'yo? Delikado ngayon ang lagay ng mag-ina ko sa kanya."bulyaw ni Vincent dito.

"Vincent?"saway ko dito.

"Pasensya na po talaga."


"Okay, nasaan po yung note? Pwede ko po bang makita?"kalmado kong sabi dito.


"Ito po Mam." Agad kong binasa ang note. Sobra ang kaba at takot ko habang tinatapos na basahin ang sulat ni Harvey.




"I know, right now pinapahanap na ako ng asawa mo sa mga pulis. 'Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan pati ang anak mo. But, I will do what I can do just to get you and Calvin from Vincent. Handa akong pumatay makuha lang kayo. Ganito kita kamahal Bianca.

I love you, Bianca. Be ready. See you soonest.

                              - Harvey





"Don't worry, hinding-hindi ko paayagang makuha ka ng baliw na 'yon sa akin."si Vincent.

"'Wag na din po kayong mag-alala. Pinaghahanap na po sila ng awtoridad."sabi ng isa sa mga pulis na kasama namin.

"Dapat lang na mahuli siya. Hindi natin pwedeng hayaan si Harvey na makalapit sa amin."malakas na sabi ni Vincent.

"Yes Sir."




———————————————

Vincent's POV

"Itutuloy pa ba natin ang plano natin na bumili ng kakailanganin sa birthday party ni Calvin?"tanong ni Bianca sa akin habang nasa byahe.

"Yes."nakangiti kong sagot dito.


"Hindi ba delikado? Kinakabahan ako 'e."


Hinawakan ko ang kamay ni Bianca. "Hindi ko naman kayo pababayaan. Tama na 'yang pag-aalala." Ramdam ko ang malamig na kamay ni Bianca. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagdadrive ko. Pero hindi rin maiwasang hindi ko isipin ang nakapaloob sa sulat. He's insane. Kahit na magkamatayan pa. Hinding-hindi niya makukuha sa akin ang mag-ina ko.



Dumating kami sa Mall ng bandang tanghali. Kaya naman dumeretso kami sa isang restaurant para magtanghalian. Nakakatuwa pagmasdan ang anak namin. Masaya itong kumakain. Makalat at hindi maiwasang hindi magsasalita. Alam na alam mong si Bianca ang nanay niya. Being talkative is one of her personality na namana sa kanya ng anak namin.

Habang pinagmamasdan ang mag-ina ko, sumagi sa isip ko ang laligtasan nila lalo na ni Baby Cal. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari at kung gaano kadelikado ang sitwasyon nila ng Mommy niya.


"Nabusog ba ang Baby namin?"malambing kong tanong kay Baby Cal matapos naming kumain.


"Yes po. Maya bili ko ice cream."saka ito nagpacute.


"Later Baby. May bibilhin tayo for your birthday."si Bianca habang inaayos ang damit ng anak namin.


"Tayted na ko Mommy. Gusto ko maraming toys."si Calvin na tuwang-tuwa.



"Okay. Ibibili ka ni Daddy at Mommy ng toys. Basta, magbehave ka. Wag kang lalayo sa amin ni Mommy mo."bilin ko dito.



"Opo."


"Very good talaga ang Baby Calvin ko. Let's go."yaya ni Bianca. Binuhat ko na si Baby Cal saka lumabas ng restaurant.





————————————



Inakay na lang ni Bianca si Baby Cal sa paglalakad. Baka daw kasi masanay ito na palaging binubuhat kaya pinaglakad na niya. Masunurin naman ang anak ko.


Matapos namin mabili ang mga loot bags na gagamitin namin and toys ni Baby Cal, doon naman kami nagpunta sa isang bakeshop.



"I want a three layer cake for our sons birthday."sabi ko sa manager ng bakeshop.



"Ilang taon na po ba ang anak n'yo Sir."tanong ng babae sa akin.


"Turning three."sagot ko.



"Vincent, anong magandang design sa mga ito?"si Bianca saka ipinakita sa akin ang booklet ng mga fondant cake designs.





"Hmmm, si Baby Cal ang tanungin natin."suggestion ko. "Baby Cal?"tawag ko. Huli na nang mapansin kong wala na ito sa tabi namin. "Bianca, nasaan si Cal?"




"Nasa tabi ko lang siya kanina."natatarantang sabi nito.




"Miss, babalik kami."paalam ko sa babae doon. "Bianca, go to the customer service para mapaging si Baby Cal. Ako naman ang maghahanap."




Naghiwalay kami ng lakad ni Bianca. Habang tinitingnan ang mga bata na nakakasalubong ko, narinig ko na ang pagpage sa pangalan ng anak namin. Nang silipin ko ang second floor mula dito sa third floor ng mall, I saw a man wearing a cap. And Calvin is with him. Nang tawagin ko si Calvin, nakita ko kung sino ang lalaking may dala sa kanya. He grin at me. "Harvey?"

Nagmadali akong bumaba sa escalator para habulin sila. Pero sadyang madaming tao, hindi ko na alam kung saan sila nagpunta. Hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon kapag may masamang mangyari sa anak namin.



———————


Bianca's POV


Habang nasa customer service, bigla na lang nagring ang phone ko. Nang tingnan ko ang phone ko, isang unknown number ang tumatawag. Bigla akong nakaramdam ng labis na kaba. Nanginginig kong sinagot ito.




"H-hello?"




"How are you my dear?" It's him.





"Anong kailangan mo?!"bulyaw ko.



"I'm with your son. Say "Hi" to your Mommy."saka itong tumawa. "Mommy. Kuya bili akong ice cream."





"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko."iyak ko. "Parang awa mo na."pamamakaawa ko.




"Bakit ko naman sasaktan ang soon to be my son? Don't worry, you know I love you."rinig na rinig ko an pagtawa niya.





"Ibalik mo na sa akin ang anak ko."umiiyak kong pagmamakaawa ulit.




"Uhhh, ayokong umiiyak ka. Sige, ibabalik ko sa ngayon ang anak mo. Next time, magkasama ko na kayong kukunin kay Vincent."




"No!"



"Bye Sweetie."




"Harvey! Harvey!"sigaw ko sa phone pero natapos na pala ang tawag. Nang idial ko naman ay hindi na ito macontact pa.


"Anong gagawin ko ngayon? Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin ang anak namin."





——————————



Ngayon lang natapos ang update. Patayan oras sa work e.

Unedited.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Where stories live. Discover now