CNW 10: Watch Your Back

Magsimula sa umpisa
                                    

“Actually, it's every townhall's ongoing mission. I mean, lahat ng guilds leaders at kahit solo players ay pinadalhan nito.”

“Wow pachix.” I said as I rolled my eyes. “Kung may balak kayo, kayo nalang gumawa.” Sabi ko at tumayo. Then I saw Dustine smirked.

“Who said we'll do it?” Napatingin ako sa kanya at napatanga nang makitang dinelete nya ang mission na iyon. “Well, we don't care about the group who stole our popularity, right?” He jokingly added, which I rolled my eyes.

“Right! Dapat magfocus nalang tayo sa pagpapalakas. After all, we have only one goal.” Yvonne said. I forgot to mention that she already knows what happened back then and believe me, she believed us without even doubting a little!

But what Yvonne said was right. Dapat ay magpalakas nalang kami kaysa pagtuunan ang ganyang pansin.

I look at Dustine and saw him looking at us with smile on his face. Sinimangutan ko ito nang tumama ang kanyang paningin sa atin. “Kailan tayo muling magpapalevel?” Pag iiba ko ng topic. Mabilis na napaayos ng upo si Dustine at mistulang naging captain ito kaagad.

“About that, I'm planning that we should start adventuring. Which I mean, place by place.” Simpleng sabi nya pero nagets namin kaagad dahil nakita kong nagtanguan sila.

“Ibebenta ba natin 'tong bahay?” Kayne said, which Dustine shooks his head.

“This house belongs to us, after all, we have residency marked on this town hall. Babalik at babalik parin tayo dito.” He said which is right. Kahit gaano kalayo ang aming pupuntahan, darating parin sa point na uuwi kami sa aming bahay.

“So everyone, deal?”

Which all of us nodded. “Deal.”

Dustine nod. “As of now, rest, because our adventure will start tomorrow.” I don't know if I should feel nervous or excited or both but I know this is only for us.

Unti-unting nagsialisan ang iba. Dustine said they should rest pero masyadong excited ang mga lalaki, na nakisama rin si Yvonne, kaya't nasa likod sila at magpapractice daw. I also heard them say na tuturuan nila ng self defense si Yvonne which is I'm glad.

“And Levina?” Narinig ko ang boses ni Dustine bago ako umalis. Humarap ako sa kanya at nakitang tumayo ito bago naglakad palapit sa akin. Then, he tapped my shoulder. “Always watch your back.” What he said brought chills on my spine.

I know, I know. “Kayo din.” Dagdag ko na siyang ikinatango nya.

Being top 10 isn't that easy, after all.

***

“Have you heard it?”

“No, what it is?”

“Is it true?”

Yumuko ako kahit alam kong wala namang nakakakilala sa akin. We're on the market, and on our way to buy things we will needed for our adventure which starts tomorrow.

“The Alpha from the Anonymous Group is the highest rank, not to mention their guild are at the top.” Oo na, alam ko na, 'wag nyo ng paulit-ulitin, nakakarindi eh.

“He's hot I think.” Napairap ako.

Naramdaman ko ang kamay ni Yvonne sa akin (dulot ng malambot na kamay nito) at nang mapatingin ako sa kanya'y nakikiusap ang kanyang mukha (na habaan ko ang pasensya ko). I inhaled deeply as I count one to ten on my head.

Hindi ko rin alam kung bakit ang laki ng inis ko sa kanila. Even tho Red said I should forget about what happened back then, I can't help it. Hindi iyon basta-basta makakalimutan, 'di ba?

“But I heard another top guild is in our town.” Nagpantig ang taynga ko at nang makita ko si Yvonne ay bigla itong napayuko. Shit…

“I heard the top 3 is here, and the username is Nightingale.” Doon ay biglang natahimik ang lahat, at nang mapatingin ako sa paligid ay nakita kong nakagawi ang kanilang tingin sa akin. Shit… right. Nakalabas ang username ng bawat manlalaro kaya makikilala at makikilala ka pa rin! Mas lalo akong yumuko.

“Hey Princess, Yvonne.” Dahil sa aking narinig ay naiangat ko ang aking ulo, at sa aking harapan ay nandoon si Stanley at may hawak na maliit na… ano 'yon? Side bag?

“Ano gagawin namin dyan?” At tsaka bakit ang liit?

“Dito nyo ilalagay ang mga gamit nyo.” Napa-huh ako. Kasya ba ang mga gamit namin dyan? Hindi ko nga alam kung may magkakasya dyan, eh!

Pero naunahan ako ni Yvonne. “Ito ba yung magical bag na tinatawag nila?” Tanong nito kay Stanley na ikinatango ng isa. Huh? Magical bag? What are they talking about?

It was like they saw my confused face that's why they start explaining. “This magical bag was made by a magician who got tired of seeing women carrying heavy bags. So he invented it, in which, you can put everything inside without feeling the heaviness of it. Magic, 'di ba?” Pag eexplain ni Yvonne bago nya inabot sa akin ang isang maliit na bag.

“Kasya lahat?” I asked, which both of them nodded. Okay, let's see. “Nasaan na pala sila?” Tanong ko kung saan sinagot naman ni Stanley.

“Buying yours and Yvonne's weapons, which are daggers and crossbow.” He explained. I forgot to mention that Dustine made it clear to us that we can call each others' real name kapag kami-kami lang din ang magkakausap. “Oh andyan na pala sila.” Nang mapatingin ako sa kanila ay nakita ko silang papalapit, habang bitbit ang may kalakihang crossbow at mga daggers na may lalagyan pa.

“Here,” Inabot sa akin ni Red ang dagger na may lalagyan pa. “Put it on your thigh, just like what Weston did.” Sabi nito na dahilan ng pagtingin ko kay Weston ay nakitang assassin na assassin ang outfit nito. Syempre, minus the armors. Kahit naman sila Red ay nakalabas ang kanilang sandata.

So I did what Red said, while hearing Yvonne happily getting her own weapon. Nang matapos ako ay tumingin ako sa kanila na naghihintay ring matapos sa aking ginagawa. So I look at Dustine, and saw him nodded.

“Remember to always watch your back. Let's go.” Dustine said to all of us before we proceed.

And to tell you, bawat madaraanan namin ay napapatingin, which is… awkward for me.

To be continued...

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon