Kabanata 17

25.1K 473 20
                                    

Kabanata 17

Pain

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa maamong mukha ni yano sa harapan ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaplos ang makinis at gwapo niyang mukha. Yano, hanggang kailan mo ako sasaktan ng ganito?

Tumayo ako at hinalikan siya sa labi. Mahimbing ang pagkakatulog niya, agad niyang nakuha iyon ng makarating siya rito sa bahay. Bagsak agad siya ng marating ang pintuan. Heto ako, nasasaktan. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang pabayaan. Galit ako pero hindi ko siya kayang iwan.

"Hindi ko na kaya, yano." sambit ko. Kabilang ang tahip at mahahabang pilik mata sa paghalos ko sa kanya. Napangiti ako ng mapait.

"Natatakot ako... yano, takot na takot akong paggising ko isang araw wala na akong maramdaman sayo kundi galit." lathala ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago siya iwanan roon. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa may terrace. Pumikit ako ng yumakap ang malamig na hangin sa balat ko.

"You'll regret this!"

Pagka-upo ko sa antique na upuang kahoy doon ay nanuot ang sakit mula sa naalala kong salita galing kay yano. Akala ko ba hindi ako papatalo sa curse niyang iyon? Bakit parang hinang hina na ako, parang kaunting sakit nalang, bibigay na ako. Damn, I hate this spirit!

"Brat! Akala mo ba mamahalin ka ni yano? Pakakasalan ka niya pero ako parin ang mahal niya."

Muli ay nakuha kong maluha. Tama ka, kara. Ikaw parin talaga, ngayon ay tanggap ko na. Hindi kita kayang palitan sa puso niya.

Nagising ako sa malamyos na tapik sa braso at maging sa pisngi ko, naramdaman ko rin ang paghapit ng malamig na hangin sa katawan ko. Maging ang pagdaloy ng sakit sa katawan ko. Shet! nakatulog pala ako dito sa terrace. Labas na ang sikat ng araw ngunit malmig parin ang hangin. Siguro ay may darating na bagyo. Napasinghap ako ng makita ang maamo ngunit may pag alalang mukha ni yano, ang asawa ko.

"Why did you slept here?" agap nitong tanong. Inayos ko ang upo ko at agad na nadapo ang kamay sa umbok ng tiyan ko. Ngumiti ako habang hinahaplos ang tummy ko.

"Okay lang ako." sagot ko, walang koneksyon sa naging tanong niya.

Agad na bumalandra ang medyo inis sa mukha nito, kunot noo at taas ang kilay niya habang tinititigan ako.

"Umiyak ka ba?" tanong niya matapos ang mahabang pagtitig sa akin.

Bumuntong hininga ako bago naisipang umiling. Hindi ko siya sinagot.

"devon.." may pagdadalawang isip niyang sambit. Nakikita kong pinal at sigurado siyang umiyak ako. Gusto ko tuloy makita ang itsura ko. Baka ang pangit pangit ko na. Baka naman lubog na lubog na yung mga mata ko.

Umiling lamang ako at ngumiti. Kapag sinabi kong umiyak nga ako, may mababago ba? Mamahalin mo na ba ako kapag iyon ang sumbat ko, yano?

"Im okay.." saad ko. Narinig ko ang mahinang buntong hininga niya.

"Huwag ka ng matutulog rito, next time. Okay? May kwarto tayo dev, hindi naman nagkukulang ang malaking kama sa ating dalawa." pangangaral na lamang niya na sinagot ko ng marahang pagtango. Hinaplos niya ang mukha ko dahilan ng pagkapitlag ko. Kita ko ang pag aalala sa mukha niya. Totoo ba ito, yano? Lahat ba ito ay totoo o pawang kalokohan lang? Iniwalis ko ang palaisipang iyon. Ako ang may gusto nito, hiniling kong gawin niya ang mga bagay na ito. Nuong una ay ang saya saya, nakakataba ng puso. Pero habang tumatagal pala, ang hirap hirap na. Iyong tipong alam mong hindi ka dapat umasa, pero hindi mo mapigilang umasa hanggang sa huli, magmumukha ka lang tanga at kawawa.

"Nagkita kayo ni kara?" tanong ko. Natawa ako roon, dati rati ay kapag tinatanong ko siya ng ganito ay nakabusangot at buhol buhol ang mukha ko. Ngayon ay napipilitan akong ngumiti upang iparamdam na okay lang sa akin ang lahat ng iyon. Bakit ganito, bakit kailangan kong baguhin ang lahat para sayo, yano.

"N-no.." ramdam ko ang kaba mula sa naisagot niya. Natawa ako.

"Tumawag ka kagabi, akala mo ako siya." panimula ko. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Muli ay bumuo ako ng makahulugang tawa. Naluluha na naman ako pero kailangan ko iyong pigilan.

"Ang swerte niya.." nanginig ang boses ko at bakas rin dito ang inggit. "Ang swerte swerte niya." nanginginig ang mga labi ko, marahan iyong kumibot-kibot habang nilalabanan ang maalab niyang tingin. Napayuko ako at kusang sumuko sa titigang iyon. Napangiti ako ng mapait at muling naglabas ng halakhak na sarkastiko.

"Ayoko na..." saad ko dahilan ng pananahimik niya. Nakita ko ang sunod sunod niyang paglunok at kasabay ng muling pagtatama ng titig namin ay ang pagkakawala ko ng tubig sa mata, ang sariwang mga luha.

"Yano.." tawag ko sa pangalan niya ngunit tila parang iba na ang mundo niya, nakatulala lamang siya sa akin ngunit alam kong hindi siya nakikinig. Hinawakan ko ang kamay niya at duon lamang siya nagbalik wisyo. Ngumiti ako habang patuloy ang pagluha. Mahal na mahal kita, yano. Pero tama na. Hindi ko na kaya, siguro ay sapat na ito upang masabi kong kahit hindi tayo ang finish line, naipaglaban parin kita sa abot ng aking makakaya. Lahat ng ito ay panibago para sa akin, lahat ng ito ay kinatatakutan ko, ngunit para sa anak at sa sarili ko, kakayanin ko. Ikaw ang naging mundo ko at ngayon ay kailangan ko ng tumakbo sa ibang mundo. Ang sikip na sikip na kasi, hindi na ako makahinga.
"Pinapalaya na kita. Hindi mo na kailangang magpanggap na concern ka, hindi mo na ako kailangang alagaan. Okay lang na hindi mo na ako mahalin, yano." saad ko pa. Hindi siya umimik. Nanatili siyang tahimik habang nakamasid sa akin.

"Im sorry.." I said between my sobs. Pinisil ko ang mga kamay niya na hawak ko.

"Im sorry for ruining you, yano. Sapat na ang kasalanang nagawa ko, hindi ko na iyon kaya pang dagdagan. Tanggap ko na, na hindi mo talaga ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Pero sana ipangako mo, paglabas na paglabas ng anak natin. Alagaan mo siya, mahalin mo, kahit gaano kabigat ang galit mo sa akin, sana ay huwag mo siyang idamay. Kahit siya nalang.... Kahit siya nalang iyong makaramdam ng pagmamahal mo."

Nasapo ko ang dibdib ko ng makaramdam ako ng kirot at paninikip.

"Kailangan ko itong gawin bago ako mapuno." dagdag ko.

"Yano, ayokong paggising ko isang araw galit nalang ang puhunan ko para sayo. Mahal na mahal kita. Hindi ko mataim na magalit sayo, hindi ko mataim na kamuhian ka. Kaya habang maaga, gusto ko nalang isuko ka. Hindi sapat ang lakas ko para ipaglaban ka pa, wala ni-isa ang pinanghahawakan ko para manatili ako sayo. Ang hirap hirap mong mahalin, napakasakit mong mahalin."

UNWANTED(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz