Chapter 38 - NOT HER

137 4 2
                                    

"Kuya" sabi nung binata. He looks similar to me. Kamukha ko siya. He running towards me at in my suprise niyakap niya at umiiyak siya.

"Kuya nagbalik ka."

------------

★Julian POV★

Nakapasok na kami sa loob ng bahay. Tinitigan niya ako na para bang ayaw na mahiwalay ang kanyang paningin sa akin. I feel awkward kahit yung lalaking kasama niyang lumabas umiiyak na rin ng makita ako.

Sinama ako ni Yuki sa isang kwarto. Yuki daw ang pangalan niya at sinasabi niyang kapatid ko daw siya. Parang sinabi ng mga parents ko may kapatid nga raw ako. Tinignan ko sya, tama nga sila may pagkakahawig kami.

Nilibot ko ang paningin ko. Napako ito sa isang family portrait. Four people si Yuki ung pinakabata at ako??? Tama nga ba ang nakikita ko, ako nga nasa litrato.

"Kuya, look this." wika ni Yuki ang nagpapukaw sa akin.  Inabot niya sa akin ang isang box kung saan nakalagay ang mga family album ng family niya. Una kong binuksan ang album na may pangalang 'Night'.

--_--_--_--_

★Joyce POV★

"Ana, may pupuntahan lang ako saglit hah." sabi ko kay Ana after namin mag-check in sa Hotel. Nandito na kami ngayon ni Ana sa Taiwan. Pupuntahan ko na muna sila Yuki at Wuwu katulad nga ng sinadya ko dito.

"Pwede sumama?"

"Sorry but something personal. Next time ko na lang ikwento sayo kapag malinaw na rin sa akin ang lahat." tumango na lang siya bilang pagsang-ayon.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa residence ng mga Shirisaki. After 20 minutes nasa gate na ako ng mga Shirisaki. Kinakabahan man kailangan ko ng malaman ang mga sinasabi nila na buhay daw si Night. Ilang araw din akong di makatulog  mula ng malaman ko ang balita.

Nasa harap na ako 'Shirisaki Residence' parang kailan lang ito ang huling lugar na pinuntahan ko bago ako pumunta ng Philippines ito rin pala ang lugar na una kong pupuntahan pagkabalik ko dito sa Taiwan. Namiss ko na sila, si Wuwu tsaka si Yuki ang creator ni Night01.

Nagdoorbell na ako. Maya-maya lang may sumagot.

"Xiaofei? Ikaw na mga ba yan?" boses ni Wuwu.

"Wuwu, ako na nga ito." sagot ko. Maya-maya lang bumukas na ang gate at pumasok na ko sa pinto. Bumukas na rin ang pinto at lumabas buhat dun sa pinto si Wuwu. Patakbo niya akong sinalubong at yumakap siya sa akin, niyakap ko na rin siya. Namiss ko rin kaya siya, nagiging emosyonal na naman ako hindi ko na naman namalayan na umiiyak na pala ako.

---------

★Charles POV★

Alam ko dito siya pumasok nung sinundan ko siya. Anong ginagawa niya dito may kakilala ba siya sa lugar na ito. Halos mag-3 hours na hindi pa rin siya lumalabas. Anong important business naman kaya ang ginagawa niya dito. Hindi kaya nahanap na niya si Joyce.

Bumukas ang pinto ng mansyon lumabas buhat dun si Julian at ung dalawang lalaki kanina na sumalubong sa kanya. Nagtago ako sa isa sa mga puno dito mahirap na baka makita ako ni Julian at malaman pa niya na sinusundan ko siya. May gusto lang ako malaman kung ano ang business niya sa mga taong iyan. Parang magkakilalang magkakilala sila. May kinalaman kaya si Joyce sa business ng mga ito.

Nagyakapan muli sila nung medyo batang lalaki, ang weird bakit umiiyak ito. Lumabas na si Julian sa gate para mag-abang ng taxi. Mas napagmasdan ko ng malapitan si Julian umiyak din pala siya mugto ang mga mata. Weird lang ano ang meron sa mga ito? Yan ang kailangan kong alamin ngayon, alam kong may mga sikreto silang tinatago malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ito kay Joyce ko.

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon