Chapter 29 Part1- Beh??

259 3 1
                                    

Even if my heart's still beating just for you, I really know you are not feeling like I do.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

-=BELLE P.O.V=-

Buti na lang mag 5pm na hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa loob ng elevator kanina. Yung inasta ni Zongshi na kinabigla ko. Akala ko ba like na niya mag-move on pinapasakit niya lang sarili niya. Kahit ako nasasaktan na rin para sa kanya. Ano ba ito napaka-OA ko naman ganito ba talaga mainlove?  Inaamin ko true na talaga ito, inlove na ako sa kanya, siya lang naman ang first kiss ko at never ko pinagsisihan yun na naibigay ko sa kanya ang 1st ko, kaya lang mukha siya ang magiging 1st heartbreak ko ohh LORD wag naman po sana, sisikapin kong maging mabuting girlfriend ako sa kanya ibigay mo lang si Zongshi sa akin please PAPA JESUS. Pero sisikapin kong mapaibig ko si Zongshi sa akin at makalimutan niya si Pinsan.

Teka si Zongshi ba yung palabas ng building.

“Zongshi” tawag ko sa kanya, hala hindi man lang nalingon. Mahabol na nga lang.

Grabe hingal ko ang bilis naman niyang maglakad. “Zongshi, pauwi ka na ba? Sabay na tayo.” Tanong ko, bakit hindi man lang niya ako matignan o sumagot man lang tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

“Baka wala pa si Pinsan sa bahay ngayon.” Sabi ko na lang para kahit man lang huminto siya at tanungin ako. Sa wakas napatigil din siya sa mabilis na paglakad niya, nakakahingal kaya.

“Bakit nandun pa siya? Saan condo ni Night?” tanong niya.

“Night?”  naku naman madalas ko marinig ang pangalan na yan.

“Este ni Saavedra, past 5 na ah, tsaka hindi kasama sa work description niya ang maging yaya niya.” Iritableng wika niya.

“Hindi ko rin alam ei, lam mo naman si Pinsan maawain baka kasi wala kasama si Sir Saavedra may sakit yung tao. At kahit man ako yun ganun din ang gagawin ko, kawang gawa na lang yun. Hindi ka kasi laking Pinas kaya wala kang alam.”

“Saan ung condo? Kanina ko pa tinatawagan naka-off ang phone niya, baka kung ano na ginagawa nung Saavedra na yun sa Xiaofei ko, wala ako tiwala sa kanya.”

Xiaofei ko? Narinig ko na naman yan, haist ang sakit-sakit na, Zongshi bakit mo ko ginaganito. Madagukan nga ng maalog ang utak, kagabi lang sabi niya sa akin na tulungan ko siyang kalimutan si Joyce tapos ngayon…

“Aray bakit mo ko binatukan?” naku napalakas ata ang pagbatok ko sa kanya halos matumba siya sa impact ngayon ko lang napagtanto mabigat pala kamay ko.

“Para matauhan ka.” Walk-out na ang beauty ko, kakainis letse bakit ba ang sakit.

“BELLE.. BELLE” sigaw na habol niya sa akin.

“Ako naman ang lalayo sayo. Bahala ka maghabol diyan tse” sabi ko sa kanya. Nagring phone ko, wrong timing naman. Baka maabutan ako ni Zongshi. Wala rin magawa kailangan kunin sa bag at alamin kung sino itong istorbong natawag. Number lang sino naman kaya ito.

“Hello. Who you?” parang text lang ang peg sa pakikipag-usap sa tawag.

“Yes Beh,  ikaw pala? New number mo?” nilakasan ko ang pagkakasabi para marinig ni Zongshi kasalukuyang palapit na siya sa akin.

“ Oo naman namiss na kita. Kailan ba uli tayo magkikita?”

“Tutulungan niya daw akong makalimot may nilalandi naman. Ang flirt niya talaga siya pa nagtatanong kung kailan sila magkikita” Pabulong na sabi ni Zongshi pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya. Feeling ko sumaya ang puso ko nagseselos siya. I-push ko pa ito.

“I love you too Beh. I miss you. Bye, see you next time pagbalik mo. Mhuaaaa” ang sweet ko di ba? tignan ko lang kung hindi ka  magselos.

“Beh? May Boyfriend na pala makuha pa akong landiin.” Sabay walk-out niya. Siya naman ang nagpapahabol sa akin, napasobra naman yata ang push ko. Pero I’m happy na rin kahit sabihan niya akong malandi atleast alam ko napagseselos ko siya at isa lang ang ibig sabihin niyan ‘ He likes me na’. Push lang ng push Belle hehehe.

“ Nagtext na si Joyce pauwi na raw siya.” Sabi ko na lang na nagpalingon sa kanya. After that dedma na uli. Nasa likod niya lang ako habang naglalakad kami. Atleast nakakasabay ako sa paglalakad niya and sabay pa kami uuwi, ang saya-saya ko kahit naiinis ako baliw na talaga ako. J

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Author’s Note:

Sorry superrrrrrr bagal ng update ko. Part 1 pa lang ito ng Chapter 29. Belle and Zongshi moment muna.  Si Belle may BEH na??  awwww

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon